First day na namin. Grade 12 na si Julian. Kaming tatlo naman, Grade 11 na. Habang nagpa-park si Julian, namataan ko na ang mga schoolmates naming kalat-kalat kung saan-saan.
Nang maka-park na, bumaba na kami. Inalalayan ako ni Marco na kinatuwa ko.
Ingay sa corridors ang sumalubong sa pagpasok namin sa building. Ako naman sigaw at yakap ng best friend kong si Cassie.
"Bespreeeen!" tawag niya sabay-yakap sa'kin. "Na-miss kita!"
"Na-miss rin kita! Wala ka na bang ibang Korean dramas d'yan? Inulit-ulit ko na lang kasi 'yung mga binigay mo, e!"
"Ay naku, bespren! Meron! Gusto mo 'yung The Liar and The Lover? Ay maganda yun, bespren! 'Yung -- "
Tumigil siya na kinakunot ng noo ko. Nakatingin siya lagpas sa'kin. Nang lumingon ako, saka ko lang naalala na kasama ko pa pala yung tatlong lalaki.
Umayos ng tindig si Cassie at lumunok bago ako muling tinignan. Yumuko siya nang kaunti at sinilid ang buhok sa likod ng tenga niya.
"Bespren, hindi mo naman sinabing kasama mo sila," banayad niyang sabi.
"Hi, Cassie. Gumaganda ka lalo, ah," si Julian na yumuko at tinapat ang mga mata sa mata ni Cassie.
Ang malandi namula sa sinabi. "H-Hindi naman."
"Basta kung wala ka pang boyfriend, nandito lang ako."
Lalo pa siyang namula. Ang landi lang rin kasi ni Julian e. Kaya nga ang bansag sa kanya "Certified Flirt." Pati nga ibang babae nilang profs napapamula niya, e.
"Huy!" gulat ko sa kaibigan kong OA kung makatitig kay Julian.
Napatalon tuloy siya.
"Bigyan mo akong copy mamaya, ah," paalala ko.
"Ng ano?"
Ay. Nalutang na.
"Nung Korean drama na sinasabi mo, gaga," sagot ko.
"Ay, oo nga pala," sabi niya at tumangu-tango pa.
Nag-ring na ang bell. Oras na. First day na. Nagpaalam na sina Julian at Marco. Kami namang dalawa ni Cassie sabay na naglakad, kasunod ang asungot sa likuran namin.
Nang lingunin ko siya, nakatutok na naman siya sa cellphone niya. Panay na lang kaka-cellphone. Kaya nababangga, e. Tsk! Bahala siya!
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.
