15 • Spin The Bottle pt. I

11 1 0
                                    

Nakagawian na naming mag-Spin the Bottle one week before Christmas. Syempre, ang nagpasimuno, ang dakilang malandi -- si Julian.

Sa dalampasigan kami madalas naglalaro. May dala kaming mababaw na lamesa para sigurado ang pag-ikot ng bote. Sa baba ng lamesa ay ang isang bucket na puno ng San Mig beers.

Pumwesto na ako. As usual katabi ko si Marco. Sa kaliwa ko ay si Cassie na tinabihan ni Julian. Naninibago na talaga ako ah. Normally kasi kapag may nilandi si Julian hanggang one month lang. Nakatapos na kami ng isang sem si Cassie pa rin ang nilalandi niya. Something's fishy.

Sa harapan ko naman ay ang asungot. Katabi niya ang kanyang pabebeng baby na kanina pa nakapulupot ang braso nito sa kanya.

Pinaikot na ni Julian ang bote. Nakaturo ito kay Cassie. Ngumisi si Julian dito bago nagtanong.

"Truth or dare?"
"Truth!" masayang sambit niya.
"Dahil ako ang nagpaikot ako ang magtatanong," pagmamalaki ni Julian. "Cassie, pwede na ba kitang mahalin?"

Lahat kami lumingon kay Julian, na tila ba naninibago sa kanya. Kailan pa pumasok sa bokabularyo niya ang salitang "mahalin"?

Namula ang mga pisngi ni Cassie, dahilan para magsitawanan kami.

"Y-Yes?" nanginginig at tila hindi pa siguradong sagot ni Cassie.
"Pwede na yan," sambit ni Julian.

Pinaikot ni Cassie ang bote at sakin tumutok iyon. Pinili ko ang Dare at saka tinungga ang beer ko.

"Marry. Kiss. Kill. Sino sa mga lalaking kasama natin ngayon ang gagawan mo nyan?"
"Sauce! Ang dali naman, bespren. Marry si Marco, syempre! Gentleman e! Kiss si Julian! Flirt naman e!"
"Edi Kill si Pat?" tanong ni Cassie.
"Oo! Papatayin ko siya," nilingon ko ang asungot, "sa selos."

Pagkasabi noon ay tumawa ako ng malakas na sinabayan naman nina Cassie at Julian.

Pinaikot ko na ang bote. Tumigil yon sa tapat ni Clarisse. Inirapan niya pa ako bago sinabi ang "Dare."

"Magbabad ka ng nakahubad sa dagat," biro ko.
Umismid siya. "Malamig dun, gaga!"
"Okay fine. Humanap ka ng dikya at halikan mo yon," biro ko ulit.
"Ano ba, JC!" iritadong sabi niya.
"Eto na talaga. Halikan mo si Patrick."

Lahat sila natulala sa sinabi ko. Tinanong pa ako ni Julian kung lasing na ba ako. Umiling ako. Tipsy lang pero hindi lasing.

Ginawa naman ni Clarisse nang buong loob. Pinanood namin silang naghahalikan. Mga five seconds din. Parang naramdaman kong kumirot ang dibdib ko kaya ininom ko ang alak ko at huminga ng malalim.

Nang maghiwalay sila, naghahabol sila ng hininga. Halatang kinikilig si Clarisse. Ang asungot naman tahimik lang at nilagok ang beer.

Si Clarisse naman ang nagpa-ikot ng bote. Tumutok yon sa asungot. Sobrang saya ng mortal enemy ng mangyari yon. Truth ang pinili ng asungot.

"Pwede bang maging tayo na ulit?" masaya niyang tanong.
"Pwede," maagap na sagot ng asungot.

Tumalon-talon sa pagkakaupo si Clarisse. Obviously kinikilig. Edi sila na ulit. Edi wow. Kumirot na naman kaya uminom ulit ako.

Pinaikot na ng asungot ang bote. Tumutok yon sa kanya na kinatawa namin.

"Si Marco na lang naman ang hindi nakakapagsalita dito. Okay lang ba kung siya na ang magtanong sayo, bro?" sabi ni Julian.
"Sure," sagot ng asungot sabay-lingon kay Marco. "I choose Dare."

Tumango si Marco. "Sino kina JC at Clarisse ang hahalikan mo?"

Napatingin lahat kami kay Marco. Hindi naman siya mukhang nagbibiro.

"I said Dare, Marco," sambit ng asungot.
"Then kiss your choice."

Tumango ang asungot. Nilagok niya ang beer bago hinarap si Clarisse at muling siniil ng halik. Todo halik din namin si Clarisse. Yung kaninang five seconds, tumagal pa.

Nilagok ko ang beer ko nang kumirot na naman ang dibdib ko. Ano ba yan? Ayokong matalo. No. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng bumigay. Nahuli kong nakatingin ng mataman sakin si Julian. Nginitian ko lang siya. Pagbaling ko kay Marco, nakatitig siya sakin. Pati si Cassie.

"May dumi ba ako sa mukha? What's with the stare?" tanong ko sa kanila at tumawa.

Kinuha ni Julian ang bote at pinaikot. Tumutok sakin. Lumingon muna siya kay Cassie bago ako tinanong. Truth ang pinili ko.

"Masaya ka ba ngayon?" tanong niya na may bahid ng pag-aalala ang tono.
"Sobra," maagap kong sagot.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon