16 • Spin The Bottle, Pt. II

8 1 0
                                    

Kinuha ko na ang bote kay Julian at pinaikot ko. Tumutok yon sa asungot na katabi ko. Badtrip. Hindi ko na siya natanong. Agad siyang sumagot ng Dare.

Uminom ulit ako. Ramdam ko nang nalalasing ako. Lumingon ako sa kanya at tinitigan siya bago nagtanong.

"Dare?" tanong ko.
"Oo."
"Ibig sabihin dapat mong gawin. Bawal umayaw. Tama?"
"Tama."
"Kapag umayaw ka, sasabihin mo ang totoo. Tama?"
"Tama."

Ngumiti ako at ni-relax ang nalalasing na ako.

"Dare," putol ko. "Revoke my punishment for our little game."

Natahimik sila. Nilingon ako ng asungot ng nakakunot ang noo. Nginisian ko siya.

"Dare?" tanong ko.
"Bakit?" balik-tanong niya.
"Bawal magtanong," banta ko.
"Then no," matigas niyang sabi.
"Fine. Then you'll tell me the truth. That's your consequence for rejecting my dare," nalalasing kong sabi.

"Pop the question," malamig niyang sabi.
Tinitigan ko siya nang mataman. "Bakit ayaw mong i-revoke ang parusa ko?"

He was stunned. Napaawang ang bibig niya sa tanong. Hell, I was drunk but my mind was still working and sober. Matagal siyang hindi nakasagot sa tanong ko.

Nagtinginan na ang tatlo, samantalang si Clarisse ay hinihintay rin ang sagot niya kagaya ko.

Gusto ko nang sumuko pero kapag ginawa ko yon, makukuha niya ang gusto niya. I'll be his, and I can't take that. That's why I asked him to revoke it pero ayaw niya. Now that I asked him why hindi niya ako sinasagot.

"Dahil gusto pa kitang paglaruan," sagot niya.
Tumawa ako ng may halong dismaya. "Then let's play."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya. Hindi siya sumasagot sa halik ko. Nang hihiwalay na ako, hinapit niya ako palapit sa kanya at siniil ng halik. Malalim na ang halik na binibigay niya kaya bumitaw na ako.

Ngumisi ako at tinignan siya. "Sorry. Game over."

Naglakod palayo si Clarisse. Mukhang nainis sa ginawa ko. Gusto ng ex niya makipaglaro. Edi nakipaglaro ako. Ganun kasimple.

"We should go inside. Malalim na rin naman na ang gabi," sabi ni Marco.

Sumang-ayon ako. Tumayo na ako. Akmang matutumba kundi lang ako sinali ni Marco.

"Mabuti ka pa. Marunong sumalo," sambit ko.

Narinig kong tumikhim ang asungot. Matamaan guilty!

Nakita kong may binulong si Cassie kay Julian bago ako pinuntahan. Tinulungan niya si Marco na alalayan ako pabalik sa bahay.

Hindi na muna ako nag-usisa. Pagod na ang utak ko e. Pati puso ko.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon