Friday na at sa araw na 'to nakaschedule ang club orientation namin kaya napagdesisyunan naming sabay-sabay nang pumunta sa auditorium.
Hindi namin kasama si Julian kasi Grade 12 na siya at club president siya ng Pitch Perfect, kaya tuloy nalungkot ang best friend ko.
Umupo kami sa gitna ng upuan sa mga gitna para maiwasang mapansin. Unang umupo si Cassie sa dulo para daw masulyapan niya si Julian. Sunod naman ang bwisit, then ako, then si Marco.
Kanina pa ako kinukulit ni Marco kung anong club ang sasalihan ko pero wala talaga akong mapagpilian. Hindi naman ako marunong magdrawing. Hindi naman ako mahilig kumanta at sumayaw. Hindi ko rin hilig ang Math o ano pang mga academic subjects. Kung pwede lang ngang walang club e.
Maya-maya nag-umpisa na ang orientation na pinangunahan ng council chairman. Tinawag niya ang mga club presidents na isa-isang umakyat sa stage. Nang si Julian na, kaagad kong sinulyapan si Cassie na parang tangang nakangiti sa nakikita niya. Aksidente tuloy nagawi ang tingin ko sa panay na nagse-cellphone na bwisit.
"Look away," sambit niya.
"Pwede ba. Hindi ako interesado sa kung sino man ang ka-text mo," iritado kong sabi.
Tumikhim siya pero hindi nagsalita. Binaling ko na ang tingin ko sa council chairman. Nagkaroon ng dance interpretation bago ang campaign ng mga club presidents. Medyo na-bore ako. Nang sulyapan ko si Cassie, nakakunot-noo siya. Naiinip na siguro kasi hindi pa si Julian ang nagsasalita.
Swerte niya dahil ang sunod ng tinawag ay ang hinihintay niya. Umayos siya ng upo at ngumiti na parang baliw.
Pinakinggan namin si Julian magsalita sa harapan. Yung mga babae sa harapan namin, obvious ang kilig at binabalak pang sa club ni Julian sumali. Hindi naman pansin ni Cassie kasi nga busy sa panunood kay Julian.
Binaba ang white screen at dumilim ang auditorium. Mukhang may ipapanood si Julian. Lahat ay tumahimik ng mag-play ang video.
Napaawang ang bibig ko sa nakita. Kinakanta niya ang sikat na kantang "Dahil Sa'yo" ni Inigo Pascual.

Ohemgee. Kumakanta pala siya. Sinulyapan ko siya sa tabi ko. Pati siya ay nakanganga sa nakikita. Nang matapos ang video nagpalakpakan ang mga students. Ang iba sumigaw at humiyaw pa. Sinong hindi? Ang ganda ng boses niya. Kahit sino kikiligin.
"That was brother, by the way. Sorry, bro. Alam kong galit ka ngayon, but you see, I'm just making my point here. Kaya sali na kayo sa club ko. Mahahasa na ang talent niyo, makikita niyo pa ang gwapong mukha namin ng kapatid ko."
Pagkasabi noon bumaba na si Julian. Naghihiyawan pa rin. Bumaling si Marco sa bwisit.
"Hindi ko alam na kumakanta ka pala," biro niya.
Umigting ang panga niya. "Bwisit."
"So ibig sabihin ba niyan sasali ka na sa club ni Julian?" tanong ni Cassie.
Sinulyapan niya ako, parang hinihingi rin ang opinyon ko.
"Kung saan ka happy, edi wow!" biro ko. "Joke laaang! You were good. Obvious namang nagsikiligan ang mga babae. I think Pitch Perfect needs someone like you."
"Sasali ka ba?" biglang tanong niya.
Ha? Hindi ko siya gets, ah. Um-Oo na lang ako. Sasali na rin naman si Cassie e. Nakisali na rin si Marco para happy daw lahat. Natawa tuloy ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.
