9 • Labs

25 1 0
                                        

Bakit ko ba sinabi yon? Bakit ako pumayag? Bakit ba sumagi sa isip ko yon? Pero bakit ba ako nag-aalala? Imposible namang mananalo siya.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumabas ng kwarto ko. Pagkabukas ko ng pinto, nakangiting mukha ng bwisit ang tumambad sakin.

Anong trip nito at nakangiti? Ay oo nga pala. May deal pala kami. Asar.

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso na ako sa kusina at uminom ng maligamgam na tubig. Hindi ko pa nauubos ang tubig nang marinig ko siyang magsalita sa likod ko. Muntik ko tuloy mahulog ang baso.

"Huwag ka ngang nanggugulat!" bulyaw ko sa kanya.
"Sorry," sinulyapan niya ako at ngumisi, "Labs."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Talagang pursigido siyang manalo ah. Tignan lang namin!

Nginitian ko siya. Nilapitan ko siya nang malapit. Pinatong ko ang mga braso so magkabilang balikat niya.

"Labs naman kasi. Huwag mo akong masyadong ginugulat. Baka mamaya masigaw ko na," tumigil at bumulong sa tenga niya, "mahal na kita."

Naramdaman kong umigting ang panga niya. Mabuti at umeepekto naman pala ang paglalandi ko. Mukhang mananalo ata ako ah.

Naistorbo ang paglalaro namin sa pagdating ni Julian na kinukusot pa ang mga mapupungay na mata. Ngumisi siya nang makita ang posisyon namin.

"Seryoso ka, bro? Tatalunin mo si Marco?" kutya niya.

Marco? Napaano naman si Marco?

"Problemado na nga siya sa Francis na yon. Sasali ka pa," sabi pa niya na umiiling pero nakangiti.
"Napaano ba si Marco?" usisa ko at nilingon siya.

Lumalim ang ngisi ni Julian at lumapit sakin. Sa sobrang lapit na-awkward ako.

"Tinamaan sayo e," bulong niya.

Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. Magtatanong pa sana ako nang hinapit ng asungot ang bewang ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko at hinarap ulit si Julian. Nakataas na ang kilay niya.

"Now I get it," aniyang tumangu-tango pa.
"Ang alin?" takang tanong ko.
"Napakaganda mo kasi talaga e, JC," saad niya at saka na umalis.

Binalingan ko ang asungot at tinaasan ng kilay. Nagkibit-balikat lang siya.

"Maganda ka naman talaga. Kaya nga na-in love ako sayo e, labs."

Walang-hiyang sagot. Wala na ngang konek, nang-aasar pa. Tinalikuran ko na siya. Bahala siya sa buhay niya.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon