25 • Distraction

8 1 0
                                        

"AHHHHHH!"

Ang sakit lang sa tenga ng best friend ko e no. Makasigaw wagas. Kasinglakas ng sigaw niya kapag nakikita niya si Julian sa malayo.

Sinabi ko na kasi sa kanya ang tungkol samin ng asungot. Best friend ko siya e kaya dapat niyang malaman. And para na rin mag-open siya. Lately kasi panay si Julian na ang kasama niya. Hindi ko naman masyadong napagtuonan ng pansin noon dahil nga sa mga nangyayari noon.

Pinaupo ko siya sa bench. Sinulyapan ko muna ang asungot na masayang nakikipaglaro sa kuya niya sa dagat. Pagkatapos ay binaling ko na ang tingin ko sa best friend ko na nakatitig pala kay Julian.

"Cassandra," tawag ko sa kanya.
"Binuo mo pa sana lalo ang pangalan ko," aniya.
"Kayo na ba ni Julian?" usisa ko.

Nanlaki ang mga mata niya at umiwas ng tingin.

"Umamin ako, Cassandra, kaya umamin ka din," banta ko.

Tumango siya pero hindi pa rin nakatingin sakin.

"May nangyari na ba?"
Lumingon siya sakin. "Grabi ka namna, bespren! Wala pa no!"
Pinanliitan ko siya ng mata. "Weh?"
"Wala nga!" bulyaw niya. "Ayaw niya, bespren."

Nagulat ako. Hindi sa pinag-iisipan ko ng masama si Julian, pero nakita ko kasi kung paano niya i-describe ang mga babae noon. Kulang na lang i-rape na niya.

"Hindi lang ikaw ang nagtataka. Alam ko naman kasi kung sino siya e. Ni ayaw nga niya akong halikan nang matagal e."
"Bakit daw?" tanong ko.
"Alam mo na yon. Baka daw hindi siya makapagpigil," aniya.
"E bakit parang disappointed ka pa? Edi ba nga dapat masaya ka kasi nirerespeto ka niya?" sabi ko.

"Hindi naman sa disappointed ako, bespren. E tignan mo naman kasi ako diba? Maganda ako oo alam ko," tumawa siya nang marahan saglit, "pero ang daming mas maganda sakin dyan. Maraming mas "gifted" sakin. Sinabi niya sakin na 'in love' na raw siya sakin pero -- "

"IN LOVE?!" bulalas ko at tumawa ng malakas. "Shaks. Tinamaan na nga ata sayo."
"Ang hirap kayang maniwala. Oo crush ko siya noon pa naman, pero bakit niya lang ako napansin diba?" disappointed niyang tanong.

Naputol ang pag-uusap namin nang dumating na ang magkapatid na basang-basa mula sa pagbabad sa dagat. Tumabi sakin ang asungot. Si Julian naman humiga at pinatong ang ulo sa mga hita ni Cassie.

"Did you know?" umpisa ni Julian na sakin nakatingin.
"Ang alin?" tanong ko.
"Nagpalit na ako ng DP. Check it out," natatawang sagot niya.

Akala ko naman ano na. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ang Facebook ko. Nag-scroll down ako sa news feed at hinanap ang post ni Julian. Nagulat ako ng mukha ni Cassie ang nakita ko.

"Maganda ba?" natatawa pang tanong niya, na sinabayan ng asungot kong katabi.

Tinignan ko si Cassie pero mukhang siya ay hindi niya alam.

"Cassie, may tinag ako sayo sa Facebook," sambit niya.

Kinuha ni Cassie ang cellphone niya at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Nag-scroll down pa ako at nagulat na naman ako. Nag-status ang flirt ng 'feeling in love with -- Cassandra Montemayor.'

"Mabuti at hindi mo pa pinalitan ang status mo ng 'in a relatinship', bro?" tanong ng asungot.
"Huwag mong pangunahan, bro. Hinihintay ko pa si Cassie," nakangiting sambit niya.
"Wait lang ah, Juls. Dati mo nang kilala si Cassie, bakit ngayon mo lang siya napansin?" usisa ko at pinanliitan siya ng mata.

Umupo siya at tinukod ang mga braso sa likuran niya bago seryosong sumagot.

"Hindi pa ako ready noon e," seryosong sabi niya. "Lingid sa kaalaman niyo noon that I had a real girlfriend. Her name's Cathy. Classmate ko siya since Grade 9. I loved her but I was distracted. I got to spend my weekends with her, but I also got to spend my weekdays with you."
"So we were your distraction, bro?" ani ng asungot.

Lumingon siya kay Cassie na umiwas ng tingin sa kanya. "Cassie was."

Nalaglag ang panga ko, bes. Hindi ko alam kung tatawa ako, magagalit, o kikiligin.

"Hindi ko siya masyadong pinapansin noon kasi nga iniiwasan kong ma-distract ako, and that time kami pa ni Cathy. Pero hindi biro ang mas nakakasama at nakikita mo pa ang gusto mo kesa sa taong mahal mo."
"But you loved her," mahinang sabi ni Cassie.

"Yes. She was almost total package. Maganda, matalino, respetado, magaling makihalubilo, but she wasn't one thing. She wasn't ready to love me. Naintindihan ko naman. Bata pa kami noon e. Kaya naghiwalay na kami without hard feelings," kwento niya.

"Three years na rin ang lumipas. Hindi mo ba siya naisipang balikan at alamin kung handa na siya?" usisa ko.

Tinignan niya muna nang mataman si Cassie at ngumiti bago ako sinagot. "Nakakapagod ng maghabol. Meron na sa harapan ko. Bakit pa ako hahanap ng iba?"

Naantala ang pag-uusap namin dahil sa malakas na pagtawa ng asungot. Epal din e. Ang galing umeksena. Natigilan lang siya nang magsalita si Cassie.

"Iba pa rin ang mahal mo sa gusto mo," aniya. "You still love her, and I'm just a distraction."

Pagkasabi noon ay tumayo na siya sa pagkakaupo at naglakad palayo samin. Akmang hahabulin na siya ni Julian nang pigilan ko siya. Umiling din ang asungot sa kanya.

"She's just confused. And I bet you are. I think you need some distance apart. This vacation brought you closer, pero paano kapag nakabalik na tayo sa dati? You're both my friends, Juls. Ayokong magkasakitan kayo," malungkot kong sabi.

Nagbuntong-hininga na lang siya at bumalik sa pagkakaupo.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon