19 • Labrador

6 1 0
                                        

Busy na ang lahat sa paghahanda sa Pasko. Ang mga parents namin ang nakatoka sa pagkain. Sina Julian at Cassie nag-volunteer sa designing. Si Marco naman ang sa mga chairs and tables. Tutulungan ko na sana siya kaso kaya naman daw niya. Kaya sa asungot ako naiwan. Lights and sounds ang samin.

OA ba? Nakagawian na kasi namin ang bonggang celebration e. May iba rin kasing dumadayo. Madalas ay yung mga kapitbahay namin. Welcome naman sila kaya talagang ginagarbuhan talaga namin ang celebration.

Busy ako sa pag-aayos ng mga ilaw nang tawagin ako ng pamilyar na boses. Paglingon ko, ngumiti ako. Tumakbo ako palapit sa kanya at saka niyakap siya.

"Papa!"
"Kumusta na ang prinsesa ko?" tanong niya na hinahaplos ang buhok ko habang nakayapak sakin.
"Maganda pa rin syempre," biro ko.
"May boyfriend na ba?" usisa niya.
"Wala pa, 'Pa," sagot ko. "Wala pa po akong mapili."

Tumawa siya nang marahan. "Pero meron na?"
"Wala pa nga po. Wala pa akong mapili," sagot ko.

Naistorbo ang bonding namin ni Papa nang umentrada ang boses ng asungot. Namula ako sa tinawag niya sakin.

"Labs, okay na ba ang sounds?"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Papa na nakataas ang kilay sa kanya.

"T-Tito! Nakarating na po pala kayo!" aniya, sabay-mano sa Papa ko.
"Labs?" sambit ni Papa.

Shit. Narinig niya pala. Masesermon na naman ako nito. Asungot talaga tong lalaking to!

"Hindi ko alam na may tawagan na pala kayo ng anak ko, Patrick," sambit ni Papa.
"Papa, siya lang ang tumatawag sakin noon. At saka yung...yung Labs na yon, short for ano yon..." Shet. Ano nga ba?
"Short for Labrador po. Ang cute po kasi niya," salo ng asungot.

Ewan ko kung sasaya ako sa pagsalo niya o maasar e. Ikumpara ba naman ako sa aso?

"Akala ko kasi tahol ng tahol e," biro ni Papa.

Tumawa sila. Nakitawa na rin ako. Bahagyang lumuwag ang pakiramdam. Nagpaalam na si Papa na magpapahinga na muna. Tinanguan na lang namin siya.

Nilingon ko na ang pahamak na asungot. Nakangiti siya sakin.

"Pahamak ka talaga!" bulalas ko.
Tumawa lang siya. "So okay na ba ang sounds?"
"Okay na," masungit kong sagot.
"Hindi naman kita inaasar. Bakit sinusungitan mo pa rin ako?" tanong niya.
"E anong gusto mong gawin ko sayo?"
Ngumisi siya. "Yung totoo?"

Lumapit siya sakin. Humakbang ako ng isa patalikod. Lumapit ulit siya. Hahakbang na sana ako nang hapitin niya ang bewang ko.

"Gusto ko," putol niya, "na ligawan ka."

Nanlaki ang mga sinabi ko sa sinabi niya. Akala ko. Ay ano ba! Ano na namang iniisip ko!

"Ayoko nga!" malakas kong tanggi. "Lagi mo lang akong inaasar e! At saka hindi ba nga, ayaw mong bawiin yung parusa ko?"
"Kapag binawi ko, pwede na ba kitang ligawan?" usisa niya.
"Hindi pa rin! Hindi naman kita gusto e!" tanggi ko pa.

Ay anong tanggi! Hindi. Amin pala yan. Amin!

Nag-igting ang panga niya sa sinabi ko. "Okay lang. Hindi naman magbabago ang pagtingin ko sayo."
"Hala! Martyr lang ang peg?" biro ko.
"Pwede ko na bang bawiin para maligawan na kita?" tanong niya, seryosong nakatingin sakin.
"Pag-iisipan ko," sagot ko.

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Ni hindi ko nga alam kung gusto kong ligawan niya ako. Nasaktan niya ako hindi pa man kami. E pag kami na kaya?

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon