13 • Bowling Time

7 1 0
                                        

Nagpahinga na muna ako pagkatapos kong subukang mag-bowling ng ilang beses. Bakit ba kasi ako pumayag? Hindi naman ako marunong mag-bowling e.

Umupo na muna ako sa upuan at pinanood na lang si Francis maglaro. In fairness, hindi lang siya magaling lumandi, magaling rin siyang mag-bowling. Nakaka-ilang strikes na siya simula ng dumating kami. Ako nakakadalawa pa lang ata.

Naisipan kong bumili muna ng maiinom. Nauuhaw na rin naman na ako e. Dumiretso ako sa Snacks Counter at nag-order na.

Nahimigan ko ang boses ng asungot sa likuran ako. Muntik na akong tumalon sa gulat. Sobrang lapit kasi niya e. Nangilabot pa ako.

"May date din ako, Labs," bulong niya mula sa likuran ko. "Pero friends lang kami. Huwag kang magseselos ah."
"Selos mo mukha mo. Maglandian kayo, wala akong care."

Inabot na ng cashier ang order ko kaya iniwan ko na ang asungot at kinuha iyon. Hindi ko na siya sinulyapan. Dali-dali kong binalikan si Francis na nagpapahinga na rin.

Inabot ko sa kanya ang isang bote ng tubig. Binuksan niya yon at tuluy-tuloy na nilagok. Natulala ako sa paggalaw ng lalagukan habang inuubos niya ang tubig. Pati ako napapalunok.

Nang mahuli niya akong nanonood, bumaling siya sakin at kinindatan ako. Agad akong lumingon palayo. Ramdam ko kasing pinamulahan ang mga pisngi ko e.

Gwapo naman kasi si Francis. Masyado lang malandi. At hindi ko rin siya type. Sumasama lang naman ako sa kanya para manalo ako sa laro namin ng asungot e.

Speaking of asungot, hinanap siya ng mga mata ko. Natunton ko siyang nakikipagharutan kay Clarisse sa kabilang bowling lane. Gusto ko sanang sabihin na nasa bowling lane sila at hindi sa parke. Kaso huwag na lang. Baka isipin pa niya na nagseselos ako.

Tinuon ko na lang ang pansin ko kay Francis na muli nang naglalaro. Naistorbo ang panonood ko sa ingay ni Clarisse. Panay ang "go baby" niya. Nakakairita sa tenga.

Nang maka-strike ang asungot nilapitan niya pa ito at hinalikan sa pisngi. Ang sweet, grabi. Sana langgamin sila.

"JC?" tawag sakin ni Francis. "Ikaw naman."
"Francis, ni hindi nga ako maka-strike e. Ikaw na lang. Pagtsi-cheer na lang kita," esplika ko.
"Niyaya kita dito para may kalaro ako. Hindi bodyguard," nainis niyang sambit.

Hala't nagtampo e! Kinuha ko ang bola sa kamay niya. Nagdasal ako sa isip ko na makuha kaso wa-epek e. Tinawanan pa ako nina Clarisse at ng asungot.

"It's okay," malumanay na sabi sakin ni Francis. "Crush pa rin naman kita e."
"Huwag kang ganyan ha, Alcantara. Baka maniwala na ako sayo," banta ko na natatawa.
"Better."
Tinapal ko ang kamay ko sa mukha niya. "Tigil-tigilan mo ako. Alam ko maganda ako pero huwag mo naman masyadong ipahalata."

Tumawa siya ng malakas sa sinabi ko at saka ako niyaya na umuwi. Mabuti naman. Pagod na kasi ako. Plus naiirita akong nakikita si Clarisse. Pabebe talaga. Bakit kaya nagustuhan siya ng asungot?

Teka, e ano naman ngayon? Bagay naman sila. Parehas na nakakabwisit.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon