Alas tres na ng hapon ng mapagdesisyunan naming magbabad sa dagat. Nag-apply kami ng sunblock ni Cassie. Ang tatlong lalaki naman agad sumuong sa tubig. Si Clarisse? Umuwi na. Napiko siguro sakin. Dapat lang.
Binalik ko na kay Cassie ang sunblock ng may mapansin ako sa leeg niya. Mapula-pula iyon. Nang lapitan ko siya para obserbahan, agad niyang tinakpan ng kamay niya.
"Chikinini ba yan?" tanong ko sa kanya.
Namula ang pisngi niya. "H-Hindi ah!"
"Hindi daw. E namumula ka na nga o! Nabubulol ka pa!" sita ko. "Si Julian ba gumawa niyan?"Nang hindi siya sumagot, bumuntong-hininga ako.
"Huwag ka namang padalus-dalos, bespren. Kilala mo naman si Julian diba?" nag-aalala kong sabi.
"Hindi naman niya sinasadya e. Aksidente lang yon. Nung naglalaro kami ng Kiss or Tell," nahihiyang paliwanag niya.
"Ayoko lang na masasaktan ka," paalala ko sa kanya.Niyaya ko na siyang lumabas. Nang makita niyang nakatingin sa kanya si Julian, lumingon siya sakin na para bang humihingi ng permiso. Tumango ako.
Inalalayan siya ni Julian sa dagat. Si Marco naman ang umalalay sakin. Napasigaw ako sa lamig ng tubig kahit pa tirik na tirik ang araw.
Nag-umpisa nang magharutan sina Cassie at Julian. Pinabayaan ko na. Pareho ko naman silang kaibigan e.
Hinanap ng tingin ko ang asungot. Busy siya sa paglangoy kaya hindi niya siguro namalayan ang paglusong namin sa dagat.
Hindi ako ganun kagaling lumangoy kaya inalalayan ako ni Marco. Nang mapagod ako, umahon ako at humiga sa buhangin. Ang sakit sa mata ng araw. Pumikit ako at nagpahinga.
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng asungot. Nasa harapan ko pala siya at matamang inoobserbahan ang nakahigang katawan ko.
"Kung gusto mong mag-sun bathing, doon. Hindi dito," inis niyang sabi.
"Ayaw mo nun? Libre view ka sa sexy kong katawan," asar ko.
"Get up and find a better spot," utos niya.
Binelatan ko siya. "E kung tabihan mo na lang kaya ako?"Akala ko hindi niya gagawin pero mayamaya, naramdaman kong kumaluskos ang buhangin. Nang iangat ko ang tingin ko, nasa left side ko siya't nakaupo. I took the chance to observe him.
"Matutunaw ako, Labs," sambit niya na nakangisi na sakin.
"Tama lang. Ang lamig mo kasi lagi sakin. Ang hot ko kaya tutunawin kita," biro ko.
Tumawa siya nang marahan. "Tayo ka na, Labs. Iitim ka na sige ka."
"Okay lang, Labs. Maganda pa rin naman ako e," balik ko.
"Kikiss kita sige, Labs," banta niya.
"Kapag ginawa mo, babawiin mo ang parusa ko, Labs," balik-banta ko.Tinukod niya ang siko niya sa buhangin at sinalo ang ulo niya gamit ang palad niya. Tinitigan niya ako.
"Matutunaw ako, Labs." Ginaya ko siya't humarap sa kanya. "Hindi na rin naman na ako bibigay. Ngayon pang alam kong gusto mo lang makipaglaro."
"Fine. Susuko ako pero dapat mo ring i-revoke ang parusa ko," aniya.
"Edi wala nang sense ang laro natin kung ganon," sagot ko.
"Paano kung susuko na ako kasi bibigay na ako?" seryoso niyang tanong. "Paano kung susuko na ako kasi gusto ko totoo na?"
Suminghap ako. "Pag-iisipan ko."
"I like you, Jasmine."Nagulat ako sa pagbanggit niya sa pangalan
ko. Never niya akong tinawag sa pangalan ko kahit man lang ang JC."Binubully lang naman kita para pansinin mo ako. Hindi naman kasi ako marunong magpaka-gentleman kagaya ni Marco. Or magpaka-sweet kagaya ni Francis. Basta pinapansin mo lang ako masaya na ako.
Nang hamunin mo ako hindi ako tumanggi. It was the loveliest I heard from you. Parang binigyan mo ako ng chance na ma-in love sayo. Kaya nang gusto mong i-revoke ko ang punishment mo, ayoko. Because I want you to be mine. My mindset was very clear when I accepted your challenge.
And when you kissed me, I realized I wanted more than friendship. More than a stupid game. I wanted a relationship with you for real. A romantic one."
I didn't know what to say. Medyo heavy kasi ang revelation niya e. Plus masama pa rin ang loob ko sa kanya. Kahit pa cover-up lang yung paghalik niya sa ex niya, naramdaman ko ang kirot doon.
Tumayo na ako at naglakad na palayo. Speechless pa ako e.
![](https://img.wattpad.com/cover/107236150-288-k593406.jpg)
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.