14 • Christmas Vacation

7 1 0
                                    

Christmas vacation na. Finally I can rest na! Makakahinga na rin ako ng maluwag. Wala munang Francis na aaligid sakin o Clarisse na sisira ng tenga ko.

Napabuntong-hininga ako. May asungot naman pala. Asar. Mabuti na lang pinayagan si Cassie na sumama samin. At least may makakasama na akong matulog sa kama.

Every Christmas dumadayo kami sa probinsya namin sa isla sa Cebu para doon na mag-Pasko. Kasama namin doon ang family nina Julian at si Papa ko. Nag-ii-stay kami doon hanggang mag-New Year na.

Usually ang laging bagong dating sa celebration namin ay ang boyfriend ng ate nina Julian, pero ngayon wala sila. Hindi sila makakarating kasi kinumbida sila ng family ng guy. Kaya ang pumalit, si Cassie...at ang mortal enemy ko.

Pinabayaan ko na. Magpa-Pasko na rin naman e. Baka masira lang ang Pasko ko kapag pinansin ko pa siya. Bahala siyang lumingkis sa asungot. Kasama ko naman si Cassie.

Nang lumingon ako, wala na si Cassie sa tabi ko. Kasasabi ko lang na kasama ko siya, ngayon wala na nga?! Babaeng yon talaga!

Naglakad na lang ako patungo sa dalampasigan at doon nagmukmok. Mayamaya nabosesan ko ang asungot na nagsalita mula sa likuran ko.

"Ano na namang kailangan mo?" sabi ko.
"Bakit ba ang sungit mo lagi sakin, Labs? Halikan kita e," biro niya.
Inikot ko ang mga mata ko. "Nanghalik na nga ng iba, hahalik ng iba pa."
"Selos ka na ba, Labs?" nang-aasar niyang sabi.
"Asa ka," sambit ko.

Umupo siya sa tabi ko bago muling nagsalita.

"Patalo ka na, Labs. Para maging akin ka na."
"Hindi ka talaga titigil no! Hindi ako susuko!" matigas kong sagot.
"Okay," na lang ang nasabi niya.

Napalingon ako sa sagot niya. Nakatingin siya sa dagat at nakakunot. Para bang nag-iisip ng malalim.

"Matutunaw ako, Labs," bulong niya.
"Iwanan mo na ako. Samahan mo yung baby mo. Sigurado ako, hinahanap ka na niya," pag-iiba ko ng usapan.
Tumango siya at nilapit ang mukha sakin. "Akin ka lang ha, Labs?"

Umalis na siya pagkatapos noon. Naiwan akong nakatulala. Ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko. Pakshit. Hindi pwede to. Ako dapat ang manalo. Umiling ako para maalis ang ideya sa isip ko.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon