"I want you to think what kind of artist you aim to be in the future. Answer the question in three paragraphs in English. Please observe proper grammar, organization of your thoughts, neatness, legible writing," dikta ng Arts prof namin sa harapan. "Any questions?"
May nagtaas ng kamay mula sa side ko. Si Francis ata yon. Tinawag siya ng prof namin.
"Pwede pong any kind of artist?" natatawang tanong niya.
"What do you mean, Mr. Alcantara?" tanong ng prof namin.
"Pwede pong artist na marunong sa art of...," tumigil siya at lumingon sakin kasabay ng ibang classmates namin, "falling in love?"
Nagtilian ang mga kaklase namin sa sinabi niya, pati si Cassie. Ako naman nakatulala lang, ni hindi alam ang pinagsasabi ni Francis. Ni hindi ko man nga siya ka-close e.
"Mr. Alcantara, kakaumpisa pa lang ng sem ay pag-ibig na agad inaatupag mo!"
Ayan. Pinagsabihan tuloy.
"But this is Arts Class, ma'am! I'm just learning how to appreciate a beautiful work of art!"
Lumingon ulit siya sakin. Naramdaman kong namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Nagtilian na naman ang mga kaklase ko.
Pinagalitan ulit siya ng prof. Natauhan naman. Kinindatan niya muna ako bago nag-umpisa ng magtrabaho.
After one hour, pinatigil na kami sa pagsusulat ng prof namin. Tumawag siya ng pangalan at pinaprisinta sa harapan ang sinulat. Kinabahan tuloy ako. Ayoko kasing maraming nakatingin sakin. Nakakailang lang.
"Mr. Del Rosario, you're next!" pahayag ng prof namin.
Seryoso ang mukha niyang tumayo na siya sa harapan. Inikot niya muna ang tingin niya sa klase. Nang madapo sakin ang tingin niya, kumunot ang noo niya. Bwisit talaga. Kahit kailan hindi ako nginingitian. Akala mo sinong gwapo!
Tumikhim muna siya bago nagsalita. Lahat tahimik nang nakatuon ang atensyon sa kanya. Para bang lahat inaantay ang pagsasalita niya. Madalang lang kasi siyang nagsasalita sa klase e. Lagi.
"I aim to be an artist of photography -- a photographer. I want to capture the best moments in life. I want to capture the beautiful things that may disappear from our sight any moment. I want to capture the carefree smiles of people, because that's what make them most beautiful," aniya na tumigil para tumingin sakin.
Narinig kong umubo si Clarisse kaya lahat, pati ang bwisit sa harapan, napatingin sa kanya. Ngumiti siya ng simple. Tss. Pabida.
"A photographer knows and learns how even the smallest creature can be a work of art. That is what I aim for. I want to see and share to everybody how even the slightest thing, when captured at the right moment and right angle, can be discerned as "beautiful."
Lastly, I aim to be a photographer because his job is to keep souvenirs of the best events that happened in his life. These memories may include how he met someone, how he fell in love, or simply, how he made her smile. Because maybe his best photograph is actually just her smile."
Pagkatapos noon ay bumaba na siya at umupo na sa upuan niya. Ako naman tulala lang habang ninanamnam ang mga salita niya. I didn't know this side of him. He has always been aloof around me, kaya siguro ganun.
Sunod na tinawag ay si Francis kaya lahat ng mga kaklase namin nagtinginan sakin ng nakangisi. Bago siya nagsalita, kinindatan na naman niya ako. Nagtilian na naman. Ako naman hindi ko na lang pinansin. Baka isipin pa nila crush ko siya.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Novela Juvenil"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.
