26 • Painting

7 1 0
                                    

The next day nagpaalam nang umalis si Cassie. Nag-volunteer si Julian na ihatid siya pero umayaw siya. Kaya si Marco na lang ang naghatid sa kanya. Babalik na rin naman daw siya.

Speaking of him, ang tagal rin niyang nawala no? Nandyan siya pero parang wala. Ang dating sweet sakin, hindi ko na maramdaman. Kinakausap pa rin naman niya ako pero hindi na kagaya ng dati na masaya pa. Kapag kasi kakausapin ko siya parang napipilitan lang siya.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni George. Ayokong maniwala noon pero parang totoo ang sinabi niya. Gusto ba ako ni Marco? At kaya ba umiiwas siya sy dahil samin ng kapatid niya?

Haynako. George talaga ang galing mag-distract. Ay oo, sumama nga pala siya sa pag-alis nina Cassie at Marco. Gusto daw niyang ma-experience ang buhay namins sa Manila bago siya bumalik sa isla. Mas mahaba naman kasi ang sembreak nila kasi nasa college na siya.

Natapos na rin ang New Year's celebration namin. Masaya naman, kaso nakakapanghina rin dahil sa bigat ng mga nararamdaman ng mga kaibigan namin. Kung kailan ako masaya saka sila naging malungkot. Enebeyen.

Three days after ng pag-alis nila sumunod na kaming tatlo. Humiwalay lang samin si Julian nang pag-uwi sa bahay. May dadaanan lang daw siya. Hindi ko na inusisa kung si Cassie. Matanda na sila. May pag-iisip na. Basta ako, masaya ako sa asungot na kasama ko. Hahaha.


"Labs," tawag niya sakin mula sa garden.

Nang labasan ko siya, tunog ng camera ang sumalubong sakin. Ang sakit kaya sa mata noon, lalo na kapag bagong gising ka.

"Diba may project tayo sa Arts class?" paalala niya.

Shit. Nakalimutan ko. Kailangan ko nga pala ng output para sa artwork ko. Hindi pa ako nakakapag-paint. Damn. Bukas na ang pasukan.

Iniwan ko na siya at dali-daling hinalungkat ang painting tools ko. Naramdaman kong nakasunod sakin ang asungot. Hindi ko na muna siya pinansin.

"Labs, what will you paint?"

Kibi--balikat lang ang sinagot ko sa kanya. Natataranta na kasi ako e. I only have half the day to paint. Usually it takes days to finish a painting.

"Wala ka pang idea, Labs?" usisa niya.
"Huwag mo muna akong kulitin, please lang. Natataranta na ako," pakiusap ko.

Tinayo ko na yung stand ng canvas ko at nilagay doon ito. Pinikit ko ang mga mata ko at nag-isip ng pwedeng ipintura pero wala talaga. Napipikon na ako.

"Sabi ni prof, yung output mo dapat yung naging highlight ng Christmas at New Year mo. I chose you," nakangising kwento niya.
"Are you telling me, ikaw ang i-paint ko?" tanong ko sa kanya.

Nakangisi siyang tumangu-tango sakin. Umiling ako at sinabing ayaw ko. Ngumuso siya na tila ba nagtampo sakin.

"Alis ka muna. Nadi-distract ako sayo," sabi ko sa kanya.
"Kiss mo muna ako," aniya at ngumuso.
"Maya na."

Tinalikuran ko na siya at muling nag-isip ng pwedeng ipintura. Ano nga ba? Ano nga ba ang highlight ng Christmas at New Year ko?


Kinuha ko ang stand at ang canvas ko at dinala yon sa kwarto ko. Hindi ako makapag-concentrate. Maya't maya ang kulit sakin ng asungot. Asungot nga. Hahaha.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon