11 • Sing-Along

5 1 0
                                    

Club meeting ulit namin. Nang last meeting namin, inatasan kami ni Julian -- club president -- na maghanda ng isang kanta na nais naming idedicate sa taong mahalaga samin. Yung iba nagpares, iba nag-solo, iba nag-grupo. Ako, chill lang. Di. Joke lang. Niyaya ako ng partner ni Marco so pumayag na ako.

Si Cassie sana kaso niyaya na daw siya ni Julian. Syempre hindi tumanggi ang loka. Chance daw e. Ang landi talaga.

Ang asungot sana para manalo na ako kaso naunahan na ako ng ex niya. Okay fine na lang ako. Naisip ko na lang na pagselosin siya.

Unang nag-perform sina Cassie at Julian. Todo ang hawak ni Julian sa kamay niya. Si Cassie naman, parang Modess, go lang ng go. Halatang kinikilig. Muntik na nga siyang halikan e kundi lang siya umiwas. Nawi-weird-uhan na talaga ako sa kanila ah.

Sunod na nag-perform sina Clarisse at ang asungot. Todo-akbay sa kanya si Clarisse habang siya naman nakahapit ang kamay sa bewang niya.

Nagsimula na sila. Kinanta nila ang "Terrified" na duet song nina Katharine McPhee at Zachary Levi. Naghiyawan ang iba nang hapitin ng asungot si Clarisse palapit sa kanya. Kilig na kilig naman ang long-time enemy ko.

Hindi pa ata nakuntento ang asungot, dinikit niya ang noo niya sa enemy ko. Nakita ko siyang sumulyap sakin at ngumisi. Binigyan ko rin siya ng ngisi. Kung akala niya ay umeepekto ang paglalandi niya sa ex niya, sorry siya dahil hindi.

Nang matapos sila hinalikan ni Clarisse sa labi ang asungot na kinasorpresa ng lahat. Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga ka-club namin. Nakipalakpak na rin ako kahit medyo nairita ako.

Kailangan ba talagang halikan para i-prove ang point? Inikot ko na lang ang mga mata at pumunta na sa harap kasama ni Marco.

Nang mabaling ang tingin ko sa asungot, hinahaplos pa niya sa daliri niya ang labi niya. Gustung-gusto lang ang nangyari e. K.

Ang napili naming kanta ni Marco ay ang sikat ngayon na kanta ni James Arthur -- "Say You Won't Let Go."

Napanganga ako nang kumanta na si Marco. Marunong rin pala siyang kumanta. Napangiti ako at sinabayan na siya.

Unlike ng ginawa ng asungot na nanghamon sakin, hindi ako ganon kalapit kay Marco. Pinukol ko lang ang tingin sa kapatid niya, para bang pinaparating ko na siya lang ang nakikita ko.

Nang matapos ang kanta, dinampian ko ng halik si Marco sa pisngi. Halatang nagulat siya nang humakbang siya palikod. Agad siyang bumawi ng ngiti sakin.

Nang harapan na namin ang mga ka-club namin, tumili na naman sila.

"Ang sweet, grabe! Nakakakilig!" sigaw ni Cassie.
"Mukhang mananalo ka ah, JC!" segunda ni Julian.

Lumingon ako sa asungot na nakangisi lang habang titig na titig sakin. Kinindatan ko siya bago binaling ang tingin pabalik kay Marco.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon