12 • Clap, Clap, Clap

6 1 0
                                        

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Niyaya kasi akong mag-bowling ni Francis. Pumayag naman ako tutal Sabado na rin at malapit na ang sembreak. Finally, makakapagpahinga na rin ako kahit papaano.

Napili kong magsuot ng peach na off-shoulder na crop top at tinernuhan ng white na high-waist shorts. Yon daw ang uso ngayon sabi ni Cassie e. Tinernuhan ko pa ng white sneakers.

Hindi na ako masyadong nag-make up. Maganda naman ako kaya kaunting lipstick at blush-on na lang ang nilagay ko. Tinali ko na lang ang buhok ko pataas at hinayaang nakababa ang bangs ko.

Nang lumabas na ako ng kwarto, seryosong mukha ng asungot ang nasilayan ko na nakatayo at nakasandal sa pader ng pintuan ko. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"May nakalimutan ka ata," sabi niya.
"Ano naman?" sabi ko.
Ngumiti siya. "Si Backpack."

Inasar na naman niya ako. Lagi na lang niya akong tinatawag na Dora porke naka-bangs ako. Bwiset!

Inirapan ko na lang siya. Aalis na sana ako nang nagsalita na naman siya.

"Where are you going, Dora?" natatawang tanong niya.
"Makikipagdate ako! Bakit?" inis kong sagot.
Umiling siya. "Mali. Dapat pumalakpak ka muna ng tatlong beses. Diba ganon lagi ginagawa mo kapag tinatanong saan ka pupunta, Dora?"

Humalakhak siya ng malakas. Bully talaga!

"Alam mo, nagdududa na ako sayo. Bakit alam na alam mo ha? Lagi mong pinapanood ang Dora The Explorer no? Bakla ka no?" balik-asar ko.

Nawala ang ngiti niya at tinignan ako ng masama. Huli ka, balbon!

"Kaya siguro hindi mo talaga ako magustuhan no? Kasi bakla ka! Kasi naiinggit ka sa ganda ko no?" asar ko pa.
Nilapitan niya at biglang ngumisi. "Sinasabi mo lang yan kasi nagselos ka nung halikan ako ni Clarisse."
Tinulak ko siya nang malakas. "Ang kapal mo talaga no!"
"Huwag ka nang magselos. Ikaw lang ang love ko, Labs," buska niya.

Umalis na ako at hindi na siya pinansin. Baka ma-late pa ako sa date ko. Bwiset talaga!

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon