Pagkatapos maglaro ay naisipan na naming kumain na. Gutom na rin naman kami sa sobrang pagod sa mga nilaro namin. Habang busy kami sa pagkuha ng pagkain ay nag-umpisa nang tumugtog ang banda na ni-recruit ko at ng asungot. Mukha naman silang magaling. Malamig at mala-anghel ang boses ng lead singer e.
Hindi pa rin ako tinatantanan ni George. Akala ko natinag na siya sa asungot pero tuloy pa rin sa pagharot sakin. Naiirita na nga ako e.
"Alam mo," sabi ko sa kanya nang makaupo na kami.
Umupo siya sa kaliwa ko. "Ano?"
"May ipapakilala ako sayo. Maganda rin kagaya ko. Siya na lang ang pormahan mo," sabi ko.
"Sino?" excited niyang tanong.
"Secret. Basta ipapakilala ko siya sayo kapag pasukan na ulit. Tignan lang natin kung hindi ka pa tamaan at sumuko sa pagiging malandi mo," bitin ko.
"Walang makakapigil sakin, JC," sigurado niyang sagot.Binigyan ko na lang siya ng ngisi at tumuloy na sa pagkain. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa bakanteng upuan sa tabi ko. Bakit ba kasi walang gustong tumabi sakin?
"Cassie, bespren," tawag ko sa kaibigan kong halos langgamin na sa pakikipaglambingan kay Julian.
"O?" sabi niya na hindi inaalis ang tingin kay Julian.
"May sakit ba ako? Bakit hindi mo ako tabihan? Bakit walang tumatabi sakin?" naiinis kong tanong.
Tumawa si Julian. "Takot tumabi sayo e."
"Hindi naman ako nangangain ng tao ah," sambit ko.
"Hindi nga pero si Pat, oo."Speaking of him, kanina ko pa siya hindi mahagilap. Saan na naman kaya nagpunta yon? Teka. E bakit hinahanap ko ba? At saka bakit naman sila matatakot lumapit sakin dahil lang sa kanya? Hindi naman siya si Papa. Lalong hindi ko siya boyfriend. Nagbuntong-hininga na lang ako at kumain ulit.
Maya-maya narinig ko ang boses niyang pagkalakas-lakas sa harapan at may dala pang gitara. Mukhang kakanta siya ah.
"Good evening po. Merry Christmas po sa ating lahat! Ngayon ko lang po gagawin ito para sa Labrador ng buhay ko."
Nakita kong lumingon sakin si Papa na nakangisi. Hala! Bet pa ata ni Papa ang asungot!
"Labs, this is for you," aniya at nagsimula nang tumugtog sa harapan.
Kinakantyaw nila ako. Yung iba naghiyawan pa habang nakatingin at nakangiti sakin. Hindi ko tuloy malaman saan ako titingin.
Tumigil na ang paghihiyawan nang mag-umpisa na siyang kumanta. Napanganga ako nang wala sa oras. Enebeyen. Ang gwapo na nga, ang ganda pa ng boses, yan pa ang piniling kantahin:
Itong awiting ito ay alay sayo
Sintunado man 'tong mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumandaPatatawanin kita 'pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita 'pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumandaSasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang 'di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa 3, 001Sinulyapan niya ako habang tumuloy sa pagkakanta. Narinig ko ang pagdiin na ginawa niya na kinahiyaw ng mga nakikinig at nanonood sa kanya. Ako naman, walang kime. Hindi alam ng gagawin. Basta nakatuon lang ang tingin sa kanya:
LABS na LABS pa rin kita kahit bungi-bungi ka na
Para sakin ikaw pa rin ang pinakamaganda
O kay sarap isipin
Kasama kang tumandaAt nangangako sayo 'pag sinagot mong Oo
Habang nakatuon ang tingin niya sakin, kinindatan niya ako. Humiyaw at tumili na naman ang mga kasama namin. Ramdam ko nang namula ang mga pisngi ko kaya lumingon ako pagilid:
Iaalay sayo buong puso ko
Sumang-ayon ka lamang
Kasama kang tumanda ~
Nagpalakpakan ang mga kasama namin. Sina Cassie, Julian, at George todo-kantyaw sakin. Pati si Papa at parents ng mga Del Rosario brothers nakikantyaw na rin.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.