"Five, four, three, two, one! Merry Christmas!" sigaw namin.
Pasko na. Yay! Ibig sabihin maraming food. Tiyak na mabubusog na naman ako.
Nagbatian na kaming lahat at nagyakapan. Medyo awkward pa nang ang asungot na ang yayakapin, pero Pasko naman, kaya hindi ko na muna inisip ang asar ko sa kanya.
Sumali rin sa celebration namin ang ilan sa mga kapitbahay namin. Nagyakapan at nagbatian din.
"JC!" Hindi ko pa man tignan, alam kong siya yon.
Sinalubong ko siya ng ngiti at niyakap. "Geooorge!"
"Pwede na ba tayo ngayon?" biro niya.Same grade level sila ni Julian. Sinubukan niya akong ligawan noong grade 10 pa lang ako at grade 11 siya pero tinanggihan ko. Gwapo naman e. Kaso usapan kasing malikot ang kamay. Mabuti nga hindi niya ako pinadadapuan e.
"Alam mo na ang sagot dyan," sagot ko.
Tinawagan ko si Cassie at pinakilala sa kanya. Dahil nga malikot ang kamay niya, hinalikan niya ang kamay ng bespren ko nang makipag-shake hands siya. Nagulat si Cassie at pinamulahan.
"Kung hindi pwede si JC, pwede bang ikaw na lang, magandang binibini?" nakangising tanong ni George sa kanya.
"Kamay mo, George," matigas na sita ni Julian na nakalapit na pala samin.Paglapit ni Julian, agad niyang hinablot ang kamay ni Cassie sa pagkakahawak ni George.
"Let me guess. Babae mo?" biro ni George.
"Girlfriend ko," matigas na sagot ni Julian.Napalingon kaming tatlo sa sinabi niya. Girlfriend? Kailan pa pumasok sa bokabularyo niya ang "girlfriend"? Si Cassie nakatulala rin sa kanya na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ng crush niya.
"You've finally grown some balls," biro ulit ni George.
"Soon, ikaw din."Pagkasabi noon ay nilakad na palayo ni Julian si Cassie kay George. Ang likot kasi ng kamay e. Nagulat ako nang hablutin niya ang kamay at halikan yon. Nag-alala ako. Baka makita ni Papa ano pang isipin. Pinilit kong bawiin ang kamay kaso ayaw niyang bitawan.
"Bitawan mo ako, George. Tatamaan ka sakin, sige," banta ko.
"Tagal na akong tinamaan sayo, JC," ngisi niya. "Pagbigyan mo na ako. Pasko naman e."
"Alam mo kung pagbibigyan lang din naman, uunahin ko na si Patrick bago ikaw," sambit ko.Napanganga ako nang matanto ko ang mga sinabi ko. Huli na para bawiin ko dahil narinig na ng asungot na akmang lalapitan pala ako para ilayo kay George.
"Paano ba yan, George? Ako muna raw bago ikaw," aniya, sabay-hila sa kamay ko.
"What's going on with you, Del Rosario Brothers? All of a sudden, lahat kayo pumupuso. Pati rin ba si Marco?" natutuwang tanong ni George.Kumunot ang noo niya bigla at muling nagsalita. "But wait. Hindi ba ikaw ang gusto ni Marco, JC?"
Ako ba? Hindi ata ako na-inform.
"I feel bad for him. Tinalo mo siya, Pat."
Naramdaman kong tumikhim siya. "Wala akong tinalo. Desisyon ni Jasmine kung sino ang pipiliin niya. I like her badly kaya ko siya sinasamahan kahit asar na siya sa mukha ko. Soon, mararanasan mo rin yan."Napabaling ako sa sinabi niya. He was right. Kahit noong panahon pa na hindi ko alam na gusto niya ako, hindi niya ako iniwan. Asarin niya man ako o hindi, nandyan pa rin siya.
Tumawa na lang si George at nagpaalam nang tutuloy na sa loob at magpa-party na lang.

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Ficção Adolescente"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.