Kanina pa ako inaasar ni Cassie. Kasalanan to ni Francis e. Panay ang pansin sakin. Hindi alintana kahit pagalitan na siya ng mga prof namin. Kasi naman hindi niya man ako pinapansin simula first day. Tapos one month later, ayan siya't in love daw sakin? Pwede ba yon?!
Nakabalik na sina Marco at Julian sa table namin, inaasar pa rin ako ni Cassie. Tinignan ko na nga siya ng masama, wala pa rin siyang pakialam. Asar!
"Tumigil ka na, Cassie! Nawawalan na ako ng gana sa ginagawa mo e!" bawal ko sa kanya.
"E kasi naman, nakakakilig kayo e! Bagay pa man din kayo ni Francis!" asar pa niya.
"Francis?" ulit ni Marco.
Tumango ako. "Classmate namin. Nilalandi ba naman ako kanina sa klase. Na-in love daw siya sakin, samantalang dati dinadaan-daanan niya lang ako. May ganon ba?"
"Porke ba dinadaanan ka niya hindi ka na napapansin? Baka kasi ayaw niya lang mapansin mong nakatitig siya sayo," singit na pang-asar ni Julian.
"Alam mo bagay talaga kayo ni Cassie! Ang hilig niyong mang-asar!" bulyaw ko.
Natigilan bigla si Cassie at namula. Napayuko siya nang wala sa oras. Asar pa more.
"That's okay, Cassie. Gusto naman kita e."
Lalong yumuko si Cassie. Sure ako, kilig na kilig na ang loka.
"This Francis, nililigawan ka na ba niya?" tanong ni Marco. Tatay lang ang peg.
"Hindi no," tanggi ko. "Naghahanap lang yon ng malalandi."
Naantala ang pag-uusap namin nang sumingit na naman ang boses na pinakakinaririndian ko.
"There you are, baby," aniya na tumabi nang pagkalapit-lapit sa asungot sa harapan ko. Sino pa ba? Edi si Clarisse.
"Baby, kinilig ako kanina sa essay mo ah. Alam mo mas maganda kung yung pictures na inaasam mo gawin nating totoo. Yung hindi lang memories. Parang tayo," paglalandi niya.
Nakatingin lang kami sa kanila. Ang kaninang nakayuko na si Cassie, nakatingala na at matamang tinitignan si Clarisse. Si Julian at Marco naman umiiling na natatawa. Ako kibit-balikat lang. Who cares?
"I wasn't referring to you," matigas na sabi ng asungot. "Wala akong tinutukoy. I was just doing the requirement. Kumbaga it's the art of storytelling."
"Burn," bulong ni Cassie pero sadyang nilakasan para marinig ni Clarisse.
Inirapan niya ito bago binalik ang tingin sa tapos nang kumain na asungot.
"By the way, baby, bet ko yung pagkanta mo ah. Sakin mo ba dinededicate yon?" malanding tanong niya.
"Asa ka," bulong ko na kinagulat nila maging ako.
Bakit ko daw nasabi yon? Asar!
"Ano kasi," luminga-linga ako, naghahanap ng sasabihin, "ano kasi, kung ikaw yon diba dapat sinabi niya sa video? E hindi naman kaya asa ka."
Ngumiti ako pagkasabi noon. Sumunod naman ang halakhak ng tatlo kaya lumuwag na pakiramdam ko.
"Wag mo naman sanang iisipin na ikaw yon, JC," sabi ni Clarisse sakin.
Ngumisi ang asungot. "Imposible."
Parang bumulusok ako sa init sa sinabi niya. Napatayo pa ako at dumuro sa kanya. Halatang gulat sila sakin, pero wala akong pakialam.
"Ang kapal mo din e no? Tingin mo magugustuhan kita? Pwede ba!" bulyaw ko.
"I did not say that. Ang sinabi ko, imposibleng magustuhan kita," kalmado niyang sabi.
Pasimpleng ngumingiti si Clarisse sa tabi niya na lalo kong kinainis.
"Ganon ba?" sabi ko.
Tinukod ko ang mga braso ko sa lamesa at saka siya hinarap ng malapitan. Ni hindi man kumimot ang bwisit. Nagkrus pa ng balikat. Tss!
"Ganon nga," tugon pa niya.
Nagpigil akong magalit. Tinignan ko siya nang mataman at ngumisi sa naisip ko.
"Alam mo ba ang Hide and Seek?" tanong ko.
Nakakunot-noo lahat silang sumulyap sakin. Ako naman nakatingin lang sa kanya at naghihintay ng sagot.
"Oo, but what do you mean?" tanong ng bwisit.
Nilapit ko lalo ang mukha ko sa kanya. Tinatantya ko kung maiilang siya, pero hindi. Badtrip! Umirap sakin si Clarisse. Pake ko sa kanya.
"Magtaguan tayo," sambit ko kay asungot.
"Ha?" takang sagot niya.
"Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO."
Natahimik ang lahat. Silang lahat nakatingin samin. Tinitigan niya ako. Nakipagtitigan naman ako. Diba nga ang unang bumigay, talo?
Mayamaya sumagot na siya.
"Sure," sagot niya na nagpasigaw kay Clarisse.
"Kapag nanalo ako," nakangising sabi ko, "titigilan mo na ang pambubuska sakin at ipangangalandakan mo sa buong school na bakla ka."
Tumawa nang marahan si Julian kasabay ni Cassie at Marco.
Tumayo ang asungot. Tinukod niya ang mga braso niya sa lamesa katulad ko at nilapit ang mukha sakin.
"Pero kapag ako ang nanalo," putol niya.
Pa-suspense pa e. Lahat kami inaantay na ang sagot niya. Siya pa-bitin. Sarap tuloy ibitin ng patiwarik.
Lumapit pa siya lalo na kinailang ko na pero hindi ko pinahalata.
"AKIN KA," bulong niya.
Sabay-sabay ang bulusok ng ibang sounds sa mga kasama namin sa lamesa. Napasulyap tuloy ako sa inis.
Sina Clarisse at Marco, nag-What?!
Si Cassie, tumili.
Si Julian, sinabayan ng malakas na tawa ang tili ni Cassie.
Nang balingan ko ang asungot sa harapan ko, titig na titig siya sakin.
"Sure," marahang sagot ko.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.
