Chapter One- [Quarrel on the First Day of School]

1.4K 27 9
                                    

(Picture of 'Demi' and 'Denver' at the side..)

CHAPTER ONE- [QUARREL ON THE FIRST DAY OF SCHOOL]

[DEMI'S POV]

*TIKTILAOK! COCK-A- DOODLE- DOO! TIKTILAOK! COCK- A- DOODLE- DOO!*

*CREEEEEEEEEEEEEEEK!!*

*BWAAAAAAAAAAAM!!* (Yung pinto yan ha? Pasensya na, di ako pinto eh. Di ko alam tunog nila.)

"Cock- a- doodle doo! Ako ang tandang na gigising sayo, sleepyhead!"

"Urgh.. Go away Kuya.." ako yan, medyo husky pa ang boses ko kasi nga kagigising ko lang. Tapos yan naman ang baliw kong kuya, si Kuya Denver. He's 3 years older than me. He's in college now. Ako naman ay nasa senior year ko na sa high school. And speaking of school, may pasok na kami ulit. Waaah! Summer bakit kailangan mo pang matapos?!

"Hey sleepyhead.. Get up already, you're gonna be late on your first day of senior year.." panggigising pa niya saken. Grabe! Ano bang oras na? Di pa naman tumutunog alarm clock ko eh. Mayang 7am pa ang gising ko. Walanjo! 5 am pa lang ata eh. "Heyhereyheyhey! Wakey wakey, dear little sis!"

"Ayoko pa nga eh! ANO BA YAN, INAANTOK PA NGA KO EH!!" hindi ko na napigilan sarili ko. Napabangon na ko at halos masigawan ko na si Kuya, actually sigaw na talaga yun. Ang kulit kasi eh. Ano tingin niya saken, di naga- alarm? Di ako taong- tabon no!

Etong loko namang to. Ngumisi lang saken imbes na magalit. Nang- aasar talaga.. Sige, siya na panalo. Wala na, nagising na ko.. Napilitan na lang akong bumangon tapos kinuha ko yung kumot ko at isinaklob sa mukha niya saka nagtatakbo pababa sa dining room. "Hoy Demi! Ayusin mo muna tong kama mo!" sigaw pa niya mula dun sa kwarto ko.

"Hayaan mo na yan! Bakit ko pa liligpitin eh matutulog din naman ulit ako mamayang gabi!" sigaw ko rin sa kanya mula rito sa dining room namin. Sus, sinabi pa niya eh alam ko namang siya na din mismo mag aayos nun. Lagi namang ganun eh. Kaya nga di na ko nag- aabala pang magligpit. Binalingan ko na lang yung mesa and I saw my dad sitting at the head of the table while holding the newspaper. "Good Morning Pa!"

Inilapag naman niya yung newspaper dun sa mesa tapos binalingan niya ko ng may ngiti sa kanyang mga labi. Ang gwapo talaga ni Papa. "Good Morning Anak.. C'mon join me.." sabi naman niya saka ko naupo dun sa left side niya. Agad naman akong kumuha ng dalawang pirasong hotdog, isang pirasong itlog at tatlong slice ng ham. Nakangiti at iiling- iling lang na nakamasid saken si Papa. Nagkibit- balikat na lang ako.

Maya- maya pa ay tumunog na yung doorbell namin.. Naku! Yan na siya!! Panira ng umaga! Sarap- sarap pa man din ng kain ko rito.. (>___<)

"Hi Tito!" yan po yung halimaw sa banga namin na nakatago sa kailailaliman ng planetang Pluto. Kahapon ay naghukay siya palabas ng nasabing planeta at lumipad siyang parang manok pabalik rito sa Earth at ngayon nga'y nakabalik na siya rito at naghahasik na ng lagim. Haha! Joke lemeng.. Pero totoo yun ah! Wahaha!

Di ko na sana siya papansinin at magtutuloy na lang sa pagkain pero ang walangya! Bigla ba namang kinain yung konting rice at piece of ham na nasa spoon ko. Isusubo ko na sana pero itong abnormal na to! Lakas ng apog! Kapal talaga! Dictionary!!!! "Ayos ka ah?! Kapal ng mukha mo! Makikikain ka na nga lang yung saken pa! Lumayas ka nga sa harap ko!" pasigaw na sabi ko sa kanya. Ramdam ko nang namumula ko sa sobrang galit. Leshe siya! Ampupu naman panira ng napakagandang umaga.

"Relax ka lang Dem.. Sasabog ka na oh?" natatawang sabi niya saken. Aba! Ayos tong mongoloid na to ah? Lakas ng loob, pasimple pang nang- aasar. Pigilan niyo ko baka bukas lang ay nakalutang na bangkay nito sa Pasig River. "Calm Down, okay? GOOD VIBES lang.."

Make it Real.. &lt;3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon