Chapter Fourteen- [Akala ko lang pala..]

876 22 8
                                    

CHAPTER FOURTEEN- [AKALA KO LANG PALA..]

[SANDER'S POV]

Balik klase na naman kami, nakakatamad talaga. Bakit pa ba ko nag- aaral, matalino na naman ako eh. Oy! Di ako nagbubuhat ng sarili kong bangko ah? Totoo ang sinasabi ko, matalino talaga ko. Likas na saken yun, gifted kaya akong bata.

Ano ba yan, bakit ba ko nagpapaliwanag sa inyo? So, nandito pa nga ko sa university namin sa klase ko specifically. Ang boring ng professor naming to. Nagtuturo ba siya o tumutula? Mukhang tanga lang, nakakaantok pa. Makatulog na nga lang...

*HEAD DOWN....*

*AFTER TWO MINUTES...*

*ANGAT- ULO SABAY KAMOT NG BATOK*

Potek! Bakit ba pati sa pagpikit ng mga mata ko ay nakikita ko ang pagmumukha niya? Nakakainis naman oh! Wala nga siya rito, pero mentally naman nanggugulo. Matutuluyan akong ma- mental hospital ng dahil sa kanya eh! Di ba siya napapagod? Kanina pa siya nakatambay sa isip ko eh.

(A/N: Wow Sander, pumi- pick up lines ka na ngayon? Ikaw ha? Yiie!!)

Mukha mo author! Kulit ng lahi mo magsama nga kayo ng monster na yun. Ang hilig manggulo ng utak ng may utak. Sa dinami- dami ng pwede niyang guluhin, bakit yung akin pa? Lintik lang. Walang magawa sa buhay amp!!

*EEEEEEEEEENNNNNNNNGGGGGKKKKKKK* (A/N: Wag kang magulo, sound effect yan ng upuan. :P)

"Yes, Mr. Contierra? You need anything?" tanong saken nung bonjing naming professor, yung malapad niyang noo, kunot na kunot. Alam kong naiinis siya sa pag- interrupt ko pero pakelam ko? Hari ako rito.

"I'm going out, sir.." kibit balikat na sabi ko saka pabalang na kinuha yung bag ko at naglakad na palabas ng klase. Yung mga kaklase ko, nakatingin lahat saken. Yung prof ko naman halatang nagpupuyos sa galit.

Palabas na ko ng mapansin ko yung sulat niya sa board. Calculus kasi ang tinuturo niya, magaling ako don! Napansin kong may mali sa computation niya kaya naman naglakad ako pabalik sa board. "Sir, mali po.."

Napakunot lalo ang noo ng professor ko, nagpalipat- lipat yung tingin niya dun sa librong hawak niya at saka sa board. "Mr. Contierra, that would be impossible. Everything that's written in this board is from this book. I also checked it myself before I taught this."

"I'm sorry sir but I really think there's something wrong with this computation. Is it okay if I borrow your marker?" sabi ko habang inii- scan yung board naka- focus yung mga mata ko dun sa mali. Tapos inabot na saken ni prof yung marker.

Agad ko namang itinama kung anuman yung error na yon. After kung magbura bura at magsulat sulat, lumayo ako sandali para i- check pa. Nang sigurado akong tama na, ibinalik ko na sa prof ko yung marker at ngumiti. Siya naman ini- inspect yung itinama ko, maya- maya ay napalitan ng ngiti yung simangot niya.

"Great job, Mr. Contierra. Your computation is right. I'm impressed. Are you advanced reading?" nakangiting tanong saken nung prof namin. Mukhang di naman pala ko mapapagalitan kung lalayas na ko ngayon, good shot ako ngayon kay prof eh.

"No, sir. I just know..." nakangiting sabi ko, yung ngiti ko unti- unting naging smirk nang marinig ko yung bulungan ng mga kaklase ko.

"T*ngna. Good shot na naman si Contierra kay tanda." boy1

"Pasikat nga ang g*go.." boy2

"Lampa naman." boy3

Dun nagpanting ang tenga ko. T*ngna lang! Sino sinasabihan nilang lampa? Ako? Hsssh!!! Oo, di ako member ng kahit na anong varsity but that doesn't mean na lampa ako. Two reasons why I'm not a member of any varsity. 1st, wala kong time para sa ganyan di ako uunlad pag diyan ako nag- focus and last, ayaw ng dad ko. Okay?

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon