Chapter Ten- [Are You Fvcking Kidding Me?!]

977 20 2
                                    

CHAPTER TEN- [ARE YOU FvCKING KIDDING ME?!]

[DEMI'S POV]

Class is finished once again.. Napapansin ko parang habang tumatagal, mas lalong bumibilis yung paglipas ng bawat araw. Bakit ganun? Bumibilis din kaya ang rotation ng Earth? Malamang, kaya nga bumibilis oras eh. Eng- eng.. Pasensya naman.. Pero kung bumibilis rotation ng Earth, buti di tayo nahihilo no? Ewan ko sayo, dami mo tanong. Tanong mo na lang kaya kay Mother Earth.. Psh! Ano ba namang isip to, barahin ba naman ako. Siya na nga lang kakampi ko eh.

Makauwi na nga lang para makanuod na ko nung bagong download kong anime. Ang title, Kaichou Wa Maid Sama! Ang kwento nun ay tungkol dun sa council president ng school na si Misaki, walang nakakaalam na nagtatrabaho pala siya sa isang maid cafe at nagco- costume as maid. Pero biglang isang araw na lang may nakatuklas nung sikreto niya at yun ay yung lalaking kinaiinisan pa niya, Si Usui Takumi! Waaaaaaah! Ang hot talaga niya! Pero mas hot yung si President Igarashi ng Miyabigaoka! Sana totoong tao na lang sila! Kyaa!

"Little Monster, hoy!!"

"Palaka ka!!" Shitness naman tong si Arrogander eh! Nagmo- moment pa ko dito nang dahil sa hotness nina Usui at President Igarashi tapos sisirain niya? How dare him!

"Palaka ka diyan? Itong itsurang to, palaka? Asa ka men.." Tamo tong mayabang na to, nagyabang na naman. Naku! Ayos ka na sana eh, yang kayabangan mo lang panira! Sarap mong suntukin! Pasalamat ka at good shot ka sakin ngayon dahil dun sa nangyari kahapon! Pasalamat ka at nagustuhan mo rin yung pinakamamahal kong calamares.

"Men ka diyan? Kelan ka pa nakakita ng babaeng men? Engot." aangal pa sana siya dun sa sinabi ko pero nagsalita na agad ulit ako. "Kung prinsipe nga nagiging palaka ikaw pa kayang palaka na talaga? Psh.."

Naglakad na ko palayo, nilampasan ko na lang siya. Wala akong kasabay ngayon, absent kasi si Jared dahil dumating yung sister niya from Australia kaya yun. Eto ako mag- isang uuwi. Ayokong nagpapasundo pa sa driver namin, sayang sa gas no! Mahal kaya nun ngayon! Di na rin ako nagpapasundo kay kuya kasi busy siya sa girlfriend niyang di pa niya naihaharap saken.

"H- hoy, t- teka! San ka pupunta?........ Sandali naman oh!" Napatigil naman ako bigla kasi yung tono niya parang ano..... naga- ask at hindi nag- uutos. Wait, teka pagu- utos pa rin yun pasigaw eh.

Kaya yun dire- diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makatawid na ko dun sa kabilang kalye at naiwan siya. Nagdiretso na ko dun kay 'Manong Calamares' at kumuha ng bowl ko. Naglagay agad ako ron ng pagkarami- raming calamares, gutom na ko eh. Di kaya ko nag- lunch, kasi nga uupakan ko pa tong calamares eh. So, yun kuha lang ng kuha hanggang sa bigla na lang may kumapit sa braso ko, muntik tuloy matapon buti nasalo niya. Teka, bakit ba nakasunod na naman tong lalaking to?

"Oh, problema mo?" medyo inis kong tanong. Kakain ako eh, ayokong may abala. Muntik pang matapon ang aking pinakamamahal na calamares. Tusukin ko siya diyan at ipakain sa aso eh.

"Masama bang sumunod sayo at manghingi na calamares? Ha? Masama na ba?"

"Oo, masamang sumunod ka saken! Kasi nga manghihingi ka! Ang takaw mo pa naman! PSH! Kumuha ka nang sayo! OH!" sabi ko sabay kuha ng bowl at pabalang na inabot sa kanya. Manghihingi? Ayos lang ba siya? Eh mas mayaman nga siya saken eh! Tapos manghihingi siya sa mahirap na estudyanteng tulad ko? Mahirap, ikaw? Asus! May mahirap bang 200 ang baon kada araw? May mahirap bang hatid sundo ng kotse! Asus! Ikaw na nga ang mahirap na sosyal, tinalo mo pa ang mayaman.. Ayos tong isip ko eh no? Ilaglag ba naman ako! Psh!

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon