Chapter Seven- [The Plan]

925 20 5
                                    

CHAPTER SEVEN- [THE PLAN]

[SANDER'S POV]

Narito ako ngayon sa kotse ko, nagda- drive papunta sa kung saan. Ayoko kasing mag- stay muna sa bahay. Nababanas lang ako don. Baka kung ano pang magawa ko ron.

Natatandaan niyo ba yung nangyari nung kagabi? Yung bigla- bigla na lang akong nag- walk out sa gitna ng dinner namin with Hannah and her parents dahil dun sa biglaang pagbabalita na ipapakasal daw nila kaming dalawa?

Kung anu- anong sermon ang inabot ko samantalang wala naman akong ginawang mali. Sige, sabihin na nating mali yung ginawa kong basta na lang pag- alis noon, pero hindi ko naman gagawin yun kung hindi sila ang naunang gumawa ng mali? Pinangunahan nila ko sa mga desisyon ko. Anong tingin nila saken, laruan? Na pwede nilang ipahiram o ipamigay? May sarili akong pag- iisip.. Kaya ko nang gumawa ng desisyon ng mag- isa.

Ano ba naman sila? Akala ba nila sanggol pa ko? For Pete's sake naman! 18 years old na ko!

Tapos isa pang kinaiinis ko... Eto yung pinag- usapan, I mean homily ng mga magulang ko.. tapos ang aking kasinungalingan pa..

~~

"For Pete's sake Sander! Ang tanda- tanda mo na dapat alam mo na ang tama at mali! Hindi mo ba alam na kabastusan ang ginawa mo? Basta ka na lang umalis sa gitna ng dinner natin with Hannah's parents!" pasigaw na sermon saken ni Mom, pagkababang- pagkababa ko mula sa kwarto ko. Kakain na sana ko pero umagang- umaga, sermon agad inabot ko.

Tahimik lang akong naglakad papunta sa dining room kung saan nakahanda na ang pagkain. Natakam naman ako bigla dahil hindi pa ko nakakakain mula pa kagabi. Kasi nga diba, nag- walk out ang lolo niyo?

Malapit na ko dun sa table ng humarang si mom sa dadaanan ko. Galit ang tingin niya sakin, wala naman akong nagawa kundi ang tumigil na lang dun sa kinatatayuan ko. Akala ko naman pag nanahimik ako, titigil na siya pero mali pala ko. Haayzz...

"Sander! Don't turn your back on me! I'm still talking here! Ganyan ka na ba talaga ha? Hindi ka na marunong rumespeto sa mga magulang mo? Ganyan ka ba namin pinalaki? Pinapapasok ka namin sa isang prestigious school tapos ganyan lang matututunan mo? Mas mabuti pa atang sa isang patapong school ka na lang namin pag- aralin. Mukhang nasasayang lang ang ginagastos namin!"

Mabuti pa nga at nang wala na kayong naiisumbat saken. Sino ba naman kasing nagsabi sa inyo na dun niyo ko sa Islington University pag- aralin? Pwede naman akong magtigaya sa UP or PUP eh. Maganda rin naman ang turo dun. Haayzz..

"Hindi ka naman ganyan nung bata ka pa. Anong nangyari sayo at nagbago yang ugali mo? Naiimpluwensiyahan ka ba ng mga kaibigan mo? Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Sinong nakaimpluwensiya sayo? Si Axcel? Si Mike? Sino? Si Den----"

Bago pa tuluyang mabanggit ni mom ang pangalan ni Denver ay nagdabog na ko at galit na humarap sa kanya. Hindi ko akalaing pati mga kaibigan ko, idadamay niya pa rito lalo na ang best friend kong si Denver. Mula naman pagkabata kilala niya na si Denver, alam niyang siya ang good influence at hindi the other way around. Bakit niya biglang sasabihin na di maganda ang nagiging impluwensya ng best friend ko saken?

"Enough, Ma!" Natigilan naman siya dahil na rin sa biglaan kong pagsigaw. "Walang nakaimpluwensiya saken. Hindi ako nagbago, at kung nagbago man ako, hindi yun kasalanan ng mga kaibigan ko. Kung nabago man nila ako, yun ay sa mabuting paraan! Wala kayong karapatan pagbintangan o pagsabihan ng masama ang mga kaibigan ko dahil hindi niyo sila kilala. Hindi naman kayo ang kaibigan nila eh, ako! Kaya ako ang makapagsasabi kung masamang impluwensiya sila."

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon