Chapter Nineteen- [Confession..]

831 20 7
                                    

CHAPTER NINETEEN- [CONFESSION..]

[DEMI'S POV]

"I'm sorry... if I crossed the line.. I'm really sorry.." he said as he started to walk away. Why do I get the feeling na parang may iba siyang meaning behind those words? Bakit pakiramdam ko, parang mawawala siya?

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya papalayo. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Bakit ba ganito? Siya ang may kasalanan diba? Bakit parang pakiramdam ko, ako ang may kasalanan?

He crossed the line, not only once but twice. Pangalawang beses niya na rin akong pinaiyak. Ano ba kasing problema niya? Ang gulo niya...

*THE NEXT DAY*

"Bes, sasabay ka ba saken ngayon? Tara na rin kumain sa country style!" nawala lang yung isip ko paglalakbay ng marinig ko yung malakas na boses ni Quen. Mukha pa kong tanga na lumingon sa kanya dahilan para pagtaasan niya ko ng isang kilay. "Problema mo, bes?"

"Nothing. Don't mind me.." walang gana kong sagot saka pumangalumbaba.

"Nothing. Don't mind me.." ulit pa niya sa sinabi ko at talagang ginaya pa ang boses ko. Psh. Pang- asar talaga to. "Oh, ano? Sasabay ka o hindi? Gamit ko pa naman yung new wheels ko. BMW yun dre!"

"Okay." walang gana ko pa ring sagot.

"Bes, ano ba problema mo? Oh, cellphone mo nailaw. Nagtext si Jared bebe mo." sabi pa niya saka inginuso yung cellphone ko na umilaw. Kinuha ko ito mula sa desk ko tsaka binasa. Ang nakalagay: You free? I'll take you home. :)

Kahit na gusto ko, di naman pwede kaya nag- reply na lang ako at sinabing di pwede. Ang reply naman niya ay okay with sad face. Sorry, Jared.

Kagaya ng naging sagot ko kay Jared, ganun din ang kay Quen. Nag- decide na lang ako na mag- intay sa labas. Baka sunduin niya ulit ako, mabuti na yung sigurado. Baka mag- away lang ulit kami.

Pero mukhang wala siyang balak sunduin ako. Dalawang oras na ko rito, wala pa rin siya. Nagtext na nga sakin si kuya kung nasan ako. Susunduin na daw niya ko, pero sinabi kong wag na. Sabi ko magco- commute na lang ako. Pero ang totoo wala pa talaga akong balak umuwi. Hihintayin ko muna siya.

Pero lumipas na naman ang isang oras, wala pa rin talaga..... Siguro busy siya... Siguro nga....

Kinuha ko na yung bag ko mula sa bench saka nagsimulang maglakad papalabas ng gate. Pero di pa ko gaanong nakakalayo sa inalisan ko ay bumuhos na agad ang ulan. Sobrang lakas ng ulan to the point na kahit ilang segundo pa lang ay basang- basa na agad ako. Agad akong tumakbo papunta sa silong para kunin yung payong ko, pero wala naman. Pag minamalas nga naman oh!

Nag- stay ako ng ilang sandali pa dun sa shed para maghintay ng dadaang jeep or kahit anong pwedeng sakyan pero lintik lang! Walang nadaan! Saan ba nagsipunta ang mga yun? Tinangay na ba ng malakas na hangin? Pucha!! >_<

Lumipas na ang isang oras, pero wala pa rin. Sobrang lakas pa rin ng ulan... Nakakaasar naman! Tatakbuhin ko na lang sana para makapunta dun sa lugar na posibleng daanan ng mga sasakyan pero bigla namang may tumigil na sasakyan sa harap ko.

Magpa- panic na sana ako pero napansin kong pamilyar yung kotse. Pati yung plate number.. Maya- maya'y may lumabas na nakapayong..... Si Sander.... Nagmamadali siyang lumapit saken.. saka ipinatong sa balikat ko yung jacket niya at inalalayan papasok sa kotse niya...... ng di man lang nagsasalita.

Pagpasok ko... nakita kong may kasama pala siya..... Si Hannah, yung babaeng nakasama namin sa dinner noon. Yung dapat ay fiancee niya....

"Oh no.. Basang- basa ka.. Baka magkasakit ka... Sander, turn off the aircon.." nag- aalalang sabi pa niya habang nakalingon saken. Walang imik namang sumunod sa kanya si Sander saka nagsimula nang paandarin ang kotse.

Make it Real.. &lt;3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon