Chapter Fifteen- [Extreme Makeover]

892 20 8
                                    

CHAPTER FIFTEEN- [EXTREME MAKEOVER]

[DEMI'S POV]

Narito kami ngayon sa sasakyan ng baliw at nakawala sa mental na si Sander. Bago kami umalis kanina, tandaan niyo sapilitan yun di ako kusang sumama, sinabi niyang may pupuntahan daw kami. Ang akala ko naman pumayag si kuya kasi nagawa niyang ipanakot saken yun, tapos yun pala di pa sila totally maayos? Ayos rin noh?

Inutusan lang naman kasi niya akong magtext kay kuya at sabihin na may pinuntahan ako kasama ang mga friends ko. Tanong lang ha? Sino namang 'friends' ang sasabihin ko? Eh wala naman akong mga kaibigan, siyempre maliban na lang kay Quen. Kelan ba ko nagkaroon ng mga kaibigang babae? Aber?

Hindi marunong mag- isip tong isang to eh no? Pag sinabi ko iyong pinasasabi niyang yun, edi nabuking naman kami? Haayzz.. Bahala na nga, kokotsabahin ko na lang si Quen. Alam kong masamang magsinungaling Lord, pero pasensya na po talaga... Hindi ko po ito ginusto, napilitan lang po ako..

"Oh, tawagan mo na ang kuya mo. Mamaya pumunta pa yun sa school mo at malamang wala ka na ron." sabi niya habang abala pa rin sa pagda- drive. Naka- focus lang siya dun sa daan. Takot na takot talagang magasgasan ang kanyang pinakamamahal na kotse. Psh! Sipain ko hood nito mamaya eh.

"Oo na. Wag mo akong utusan, di mo ako alila. Pati ang bulok ng alibi mo, gusto mo atang mabuko tayo ni kuya eh." sagot ko naman sa kanya na bahagyang may pagtataray.

"Bakit naman? Ano bang mali sa alibi na sinabi ko?" kunot- noong tanong niya nang balingan ako.

"Contierra.... Kelan ba ko nagkaroon ng mga kaibigang babae, aber? Kelan?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Sa tagal niya akong kilala, di man lang niya naisip yun. Psh..

"Oo nga pala.. Anti- social ka nga pala. Wala ka nga palang mga kaibigan. Yung si Quen Gil lang pala ang kaibigan mo." nakangising sabi pa niya. Lakas talagang mang- asar ng hinayupak na to, kung wala lang siyang sikreto ko baka nabigwasan ko na to ng isa. "Buti napagtiyagaan ka nun no?" dagdag pa niya sabay halakhak.

Sa pagkainis ko, biglaan ko na lang naisalpak sa bibig niya yung panyo ko tapos galit na humalukipkip. "Mang- asar ka pa di lang yan ang makakain mo ng wala sa oras."

"Grabe ka talaga. Sadistang monster!" sabi niya na bahagyang naiinis tapos ibinato niya saken pabalik yung panyo ko.

Ibinato ko naman uli sa kanya yun, kadiri kaya may laway na niya eh! Tapos ang loko, ibinato ulit saken kaya ang nangyari pasahan lang kami  nung panyo ko hanggang sa makarating kami dun daw sa pupuntahan namin at............... isang mall? Anong gagawin namin dito?

"Hoy Contierra. Anong ginagawa natin rito?"

"Diba sabi ko noon, kailangan mo munang magpa- makeover bago kita iharap sa parents ko? Oh, eto na. Ngayon magaganap yun dahil ngayong gabi ihaharap na kita sa kanila. Wag ka nang umangal pa. Tara na." sabi niya tapos bahagya niya kong itinulak sa likod ko.

"Ano?! Ngayong gabi na?! Bakit ngayon? Bukas na lang di ako handa pati..... ayoko pa... Bukas na!" pagtanggi ko pa, kasi naman bakit biglaan? Di man lang niya sinabi. Kakainis naman! Pano kung mapahiya ako sa harap ng parents niya?

"You don't have to worry. My parents don't bite and they know you already but not as my girlfriend but I'm sure they'll like you. So, tara na. Wag na kasing umangal." sabi pa niya ulit pero di agad ako kumilos kaya hinawakan niya na yung kamay ko. Medyo nagitla ako kasi parang nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa kamay ko kaya napahiwalay ako sa kanya. Siguradong nag- reflect sa mukha ko yun, napakunot- noo kasi siya bigla pero parang bahagya rin siyang natigilan.

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon