Chapter Thirteen- [Ipis Fright ( O_o )]

806 19 4
                                    

CHAPTER THIRTEEN- [IPIS FRIGHT ( O_o )]

[SANDER'S POV]

Nandito na kami ngayon sa kotse ni Demi. Ako, eto dakilang driver pa rin tapos itong babaeng to ang sarap ng tulog sa backseat. Humihilik pa! Akala mo lalaki kung matulog... tapos naglalaway pa siya. Kadiri amp! Paglinisin ko siya nitong kotse ko eh!

Haayzz... Ilang minuto na lang at makakarating na kami sa bahay nila. Tengene kinakabahan pa ko. Ang bading amp! Natatakot ba ko sa kuya neto? Hindi ah? Ano namang ikakatakot ko? Si Denver lang yun, yakang- yaka ng pwersa. Haha!

*FAST FORWARD!!!*

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Demi. Ipinarada ko yung kotse ko sa tapat ng bahay nila. Si Little Monster? Eto mahimbing pa ring natutulog.

*TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!* (knocking sound yan! Walang aangal! BLEH! :P)

Narinig kong may kumatok sa bintana ng kotse ko. Since, tinted yung bintana hindi nakikita ng nasa labas kung ano yung nasa loob. Pero makikita nung nasa loob yung nasa labas, at ang nakikita ko sa labas ngayon ay ang aburidong mukha ni Denver na kala mo'y papatay anumang oras.

Agad ko namang in- open yung bintana at di ko inaasahan ang gagawin niya saken kaya napabalikwas ako. Suntukin ba naman ako bigla. Potek lang ha?! T*ng ina ang sakit nun ah! Pinipingasan niya ang aking kaguwapuhan.

"Shit! The fvck men! What the hell was that for?!" galit na tanong ko sa kanya saka sinapo yung kaliwang pisngi kong napuruhan niya. Napadako yung kamay ko sa may labi ko and shit!! Dumudugo na! Lintek lang! Lumabas na ko ng sasakyan.

"Ga*o ka! Saan mo dinala yang kapatid ko! T*ng ina mo! Pinagkatiwalaan pa man din kita tapos ikaw pa pala! Hay*p ka! Tarantado!" nagpupuyos sa galit na sabi niya saka ako inambahan ng suntok. Buti mabilis reflexes ko kundi napingasan na ulit ang kaguwapuhan ko.

"Will you let me explain first? Hindi yang suntok ka ng suntok. T*ng ina ang sakit sakit eh!" reklamo ko sa kanya.

"I was calling last night pero di ka sumasagot! Sa pagkakaalam ko rin ikaw ang susundo sa kanya. I was fucking worried pero di man lang kayo sumagot sa mga tawag ko! Ano pang ie- explain mo?!" dire- diretso na namang sabi niya. Haay naku. Ito talagang taong to, kala mo babae kung magtatalak.

Pasalamat siya sanay na ko sa ugali niyang yan, kundi matagal ko nang nabigwasan to. Siguro nga kung ibang tao ako, di ko na to hinayaang magtatalak baka nasuntok ko na to. Haayzzz...

"Hayan ka na naman pare eh! Talak ka ng talak! Para kang babae! Pwedeng mag- explain muna?" iritado kong sabi saka naisuklay yung mga daliri ko sa buhok ko.

"Go ahead, explain.." sabi niya saka humalukipkip. "But before that, where's my sister?"

Itinuro ko naman yung kotse. Agad naman siyang nagpunta dun sa backseat saka binuksan yung kotse. Natutulog pa rin pala ang Little Monster na yon. Humihilik pang parang lalaki. Haayzz... Siya ba talaga ang gagawin kong fake girlfriend?

Binuhat niya si LM (Little Monster) saka dire- diretsong nagpunta sa loob ng bahay nila. Hindi man lang ako inimbitang pumasok. Pero dapat pa rin akong pumasok kasi nga mage- explain pa ko. Ano ba namang gulo tong napasok ko? May sermon na nga rito, pagdating ng bahay meron pa din? Potek lang...

Pumasok na rin ako sa loob saka nagdiretso dun sa living room. Naupo muna ko pero bigla kong tinamaan ng antok nung sumandal ako. Papikit pikit na yung mga mata ko pero pilit ko pa ring nilalabanan.

Pero taena, inaantok na talaga ko. Di naman kasi ako nakatulog ng ayos dun sa lugar na yun. Ikaw kaya matulog dun? Ang dilim na ewan tapos magabok pa. Ang kati- kati sa balat tapos may mga insekto.

*FLASHBACK*

Nakakatulog na ko kahit paano dahil na rin sa sobrang antok. Medyo nasanay na rin ako dun sa kati. 

Maya- maya nakaidlip na ko, pero biglaan akong nagising. May gumagapang sa may braso ko. Di ko muna pinansin, bumalik ako sa pagtulog kasi biglang nawala.

Natulog ulit ako pero mga one minute ang nakalipas bigla na naman akong nakaramdam na parang may gumagapang sa braso ko. Tapos maya- maya sa leeg ko, dun na ko nagpanic. T*ng ina ano ba yon?

Tumayo ako at nagpagpag. Yung leeg ko kinapa ko pero wala akong makapa sunod naman yung braso ko. Wala rin naman. Takte! Ano ba yan!! Nananaginip lang ba ko?

"Aish! ANO BA YAN!!" pasigaw na sabi ko, bwisit na bwisit na kasi ako eh. Kung anu- ano nararamdaman ko tapos iche- check ko wala naman. Gag*han lang?

Uupo na sana ulit ako pero naramdaman kong may gumagapang sa binti ko. Sa loob ng pantalon ko, nagtatalon ako habang sumisigaw saka ko pinapagpag yung pantalon ko.

"Shit!! Shit!! IPIS!!! IPIS!! GET IT OFF ME!!!! IPIS!!!!!!!!!!! FVCK!!! GO AWAY!! GO AWAY!!!" para na kong baklang nagsisisigaw dahil lang sa isang ipis. Imbes na lumayo eh sugod pa ng sugod saken.

"Hoy Contierra magpatulog ka nga diyan! Ang ingay mo para kang bakla!! Tumahimik ka!!" sigaw pa saken ni Demi gamit yung medyo husky pa niyang boses dahil nagising siya.

"Monster! Tulungan mo ako, may ipis! Help me get it off me!! SHIT!!!!!!!!!!!!! T*ng Ina naman oh!" nagtatakbo na ko paalis dun sa pwesto ko saka pumunta dun sa kanya. Sumiksik ako sa tabi niya na parang batang nagtatago mula sa nanay niyang papalo sa kanya.

"ANO BA?! Lumayas ka nga rito!!" singhal niya saken saka ako itinulak. Pero di ako pumayag, mas lalo akong sumiksik sa kanya. Mas gugustuhin ko pang sigaw- sigawan niya ko kesa dapuan ulit ako nung creepy crawly na yun. T*ng ina lang!

"Hoy lumayas ka sabi! Ang sikip eh!"

"Dito na lang muna ko please...." halos nagmamakaawa ko nang sabi sa kanya. Takot kasi talaga ko sa ipis eh. Hindi lang dun, pati na sa daga at uod. Oo na, aaminin ko para akong bakla pero masisisi niyo ba ko? Mula pa pagkabata yan takot ko na yan. Hindi naman naaalis ang ganyang takot eh.

"Ano ba kasing problema mo?" iritado niya nang tanong pero medyo kalmado pa siya.

"M- may ipis kasi dun eh.. Dito muna ko, please.."

"Nasan ba?"

Itinuro ko yung direksyon kung saan nandun yung ipis. Tumayo siya at naglakad palapit don. Maya- maya may inapakan siya tapos sinipa niya palayo. Nag- inspect pa siya sandali tapos bumalik na siya dun sa puwesto niya, sa tabi ko.

"Wala na. Balik ka na don." sabi niya saka sumandal na dun sa ding- ding at pumikit. Sandali muna akong tumitig sa kanya tapos tumayo na rin ako at bumalik dun sa pwesto ko.

Nakaupo na ko at pinipilit na matulog pero, di talaga ako makatulog. Minulat ko na lang ang mga mata ko at kusang dumapo ang tingin ko sa kanya....

Ano ba tong nangyayari saken? Nagkasakit na ata ako ng dahil dito sa lugar na to...

Papatingin nga ko dun sa family doctor namin.. Haayzzz....

It's going to be a long cold night... Sana may makakita na samin.

*PRESENT TIME..*

Pababa na ng hagdan si Denver kasabay yung kasambahay nila. May kung anu- anong sinasabi. Bahala nga sila.

Naupo siya dun sa sofa sa harap ko, yung kilay niya salubong tapos yung noo niya nakakunot. Aburido na naman ang mukha. Lagot ako nito...

"Pasalamat ka wala rito si Dad. Now, explain..." 

Mahaba- habang paliwanagan ito, good luck na lang saken. Haayzz..  (~_~メ)

PROPERTY OF: ANNEJADE06

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon