Chapter Sixteen- [Meet the Parents and the.... Fiancée? Part 2]

846 21 6
                                    

CHAPTER SIXTEEN- [MEET THE PARENTS AND THE.... FIANCEE? PART 2]

[SANDER'S POV]

Nang makita ko ang mga magulang ko, agad kong napansin ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni mom. Agad kong naisip, magiging madali na pala ang pagco- convince namin sa kanila. Dad on the other hand, still look like his usual self. Di siya naka- smile or anything basta seryoso lang. Si Hannah naman, nakangiti rin but there's something in her eyes that I just can't decipher..

Hinigpitan ko ang kapit ko sa kamay ni Demi somehow it made me feel a lot more comfortable. All of my worries diappeared in a blink of an eye. It's magical... It's a bit surprising but I'm loving the feeling.. From all people, di ko akalain na sa kanya pa ako makakadama ng ganito. Siguro mahal ko na nga siya..... bilang isa na ring KAPATID.

"There they are.. Just be yourself, okay? Don't be nervous nandito lang ako." I whispered to her and then gently pulled her towards my parents' table.

Nang makalapit kami kina dad, agad silang tumayo mula sa upuan nila at ni- welcome kami. Hinalikan ko sila pareho sa pisngi at gayundin naman si Hannah. After that ipinakilala ko na sa kanila si Demi- ang GIRLFRIEND ko.

"Mom, Dad, Hannah.. I want you to meet Demi, my girlfriend.." pagpapakilala ko kay Demi sa kanila. 

"Hi Sir, Hi Maam, Hi Hannah.. I'm Demi and just like what Sander have said, I'm his girlfriend. It's a pleasure to meet you all." Demi said politely and then she slightly bowed to them.

"Hi Hija. I'm so glad to finally meet the girl who captivated my playful son's heart.. Rid of the formality, just call me Tita Grace. Okay?" nakangiti namang sabi ni mom kay Demi saka sila nagbeso. Nakangiting tumango naman si Demi. Tama pala ang naging pagpili ko kay Demi, buti na lang talaga may napala ako sa lokong Axcel na yun. *laughs* (^▽^)

"Good Evening, Hija. It's a pleasure to meet you too. Please do call me Tito George." casual namang sabi ni Dad kay Demi saka nakipagkamay at ngumiti? First time ito. Dapat pala talaga akong magpasalamat kay Demi.

"Good Evening rin po Tito George.." nakangiting sagot naman ni Demi.

Habang pinagmamasadan ko silang nagkakakilanlan, hindi ko maiwasan humanga kay Demi. Kung titingnan mo kasi siya, makikita mo talagang siya yung tipo ng babaeng matapang at palaban. By just simply looking at her, malalaman mong siya yung tipo ng taong di umaatras sa bagay- bagay. Kaya maton talaga ang tingin sa kanya ng mga tao, pati na ako.....

Pero ngayon... nag- iba ang tingin ko sa kanya.. Tonight she looked more beautiful than ever. Ibang- iba siya ngayon sa Demi na kilala ko na mula pa pagkabata. Ni minsan, di ko naisip na makikita ko ang side niya na ganito lalo na mula nang mawala ang mommy niya. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Kakaiba ang pagkatao niya and that makes her special.

Siguro kaya ko lang nagagawang inisin siya noon, dahil gusto ko lang makuha ang atensyon niya.. at malingat ang isip niya mula sa kalungkutan... Alam ko kasing kahit ilang taon na rin ang lumipas mula nang mawala ang mommy niya, patuloy pa rin siyang nasasaktan at nangungulila kaya naman mula noon ginawa ko ang mga bagay na yun para di na siya malungkot. Kapag nainis siya, siguro di na siya malulungkot....

"Son, I know she's beautiful.. Wag mong masyadong titigan baka matunaw.." natapos ang pagse- space out ko nang marinig ko ang boses ni mom. Agad namang nabaling sa kanya ang atensyon ko, at nakita kong nakangiti siya saken. Napangiti na lang ako..

"Come on. Let's take a seat.." bigla namang sabi niya saka nauna nang maupo.

Nagsiupo na kaming lahat saka naman dumating yung waiter dala yung reserved order namin.  Nang mailagay nang lahat sa table namin, umalis na rin agad yung waiter at nag- umpisa na ang pag- uusap.

"So, Demi. Kayo na pala nitong anak ko, kelan pa?" umpisa ni mommy sa interview niya kay Demi. Tiningnan ko naman si Demi at kita kong cool na cool lang siya. Parang di siya kinakabahan pero alam na alam ko kung ano talaga ang nararamdaman niya.

Sa ilalim kasi ng mesa, panaka- naka kaming naghahawak- kamay. Sobrang higpit nung kapit niya sa kamay ko na parang mapuputol na yun. Napapangiti na lang ako sa tuwing humihigpit ang kapit niya. Ang galing na aktres nitong GIRLFRIEND ko.

"Uhm, yes.. and actually last month lang po." sagot naman niya dahilan para mapataas ang isang kilay ni mommy. Time to make a move..

"Last month lang dahil ngayong year lang naman ako nanligaw, Mom." agad kong sabi para mapa- oh naman siya. Si Mommy lang ang nagsasagawa ng 'INTERVIEW' sina Dad at Hannah kasi nakikinig lang.

"So, anong reaction ng dad and brother mo? Is it okay with them?" sunod namang tanong ni mommy kaya napahigpit na naman ang kapit ni Demi sa kamay ko. Bahagya pa siyang napalingon saken at bingyan ako ng what- am- I- going- to- say look. Kaya naman ako na uli ang nagsalita.

"Actually they don't know na kami na ni Demi kaya nga ayaw ko pa siyang ipakilala sa inyo noon. Alam kong ayos lang kay Tito na kami na ng bunso niya but with Denver, I don't think so.."

"Bakit naman? You're best friends right?" takang tanong naman ni Mom.

"That's why.. Were best friends, he knows all about my conquests, Mom. Kaya mahihirapan yung ipagkatiwala saken ang kaisa- isa niyang kapatid."

"Denver's got a point. If I were him, I wouldn't easily trust you either." biglang sabi ni Dad dahilan para sandaling magkaroon ng awkward silence. Ako ang pinaka natahimik saming lima, worried lang na nakatingin yung tatlo saken habang siya abala lang sa tahimik na pagkain.

Bakit kailangan pa niyang sabihin yun? I know I have my faults and blah blah pero dapat pa ba niyang sabihin yun? Lalo na sa harap ng girlfriend ko? Oo nga di ko talaga siya girlfriend, pero sa paningin nila totoo to kaya naman di ko maintindihan kung bakit dapat pang sabihin yun.. Gusto niya lang ba akong ipahiya? I can't believe my own father can do this..

Naramdaman kong bahagyang pinisil ni Demi yung kamay ko kaya naman agad akong napatingin sa kanya. She has this comforting look kaya naman napangiti ako. Agad din naman siyang ngumiti.

"My brother's just overprotective. Sander is a real nice guy. Siguro nga po marami siyang kalokohan, pero kahit na ganun makikita mo pa rin na mabuti siyang tao. Were not perfect naman po eh. Every person has his own flaws." nakangiting pagpapaliwanag ni Demi. Dahil sa mga sinabi niyang yun, yung puso ko parang unti- unting nagi- inflate. Hindi ko akalaing sa dami ng kasalanan ko sa kanya, magagawa pa niya akong ipagtanggol. I'm so glad to have her..

After nang mga salitang yun ni Demi, nakita ko na lang na bahagya nang napangiti si Dad. Si Mom naman all throughout Demi's speech, nakangiti na. Si Hannah, hindi ko maintindihan... Naka- smile talaga siya pero parang may lungkot... Bakit?

Naguguluhan man ako, iwinaksi ko na lang yung isipan ko roon. Nag- focus na lang ako dun sa usapan namin habang nagdi- dinner. Maayos naman ang naging takbo ng dinner namin. As expected, sobrang nagustuhan ni Mom si Demi. Si Dad, I don't know pero ramdam ko naman ang pagtanggap niya kay Demi. Si Hannah naman happy daw for us.

I'm really happy sa naging outcome ng pagpapanggap namin. Ang tanging iniisip ko na lang ngayon ay kung paano ko sasabihin sa kanila ang magiging break up namin ni Demi. Mahirap kasi sobrang nagustuhan nila si Demi. Hindi ko alam ang maaaring sabihing dahilan ng break up namin... Siguro di na muna ngayon, after several months na lang.. Bahala na.. We'll cross the bridge when we get there. Sa ngayon dapat na muna naming husayan ang pagtatago ng fake relationship na to.

Bago matapos ang dinner namin, ipinakiusap namin sa kanilang tatlo na wag sanang makarating kina Denver at Tito ang tungkol sa kunwa'y relasyon namin. Pumayag naman sila kasi naiintindihan naman daw nila. Ayos na daw sa kanilang makilala ang babaeng bumihag sa puso ko. Sapat na daw yun..

Buti naman kung ganun... Hindi kasi dapat ito malaman ni Denver. Pag nangyari yun, matinding problema ang haharapin namin. Kung bakit naman kasi napaka- paranoid nun eh.. Tsk.. Tsk..

PROPERTY OF: ANNEJADE06

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon