Chapter Nine- [Calamares Moment]

952 25 4
                                    

JADE'S NOTE: OKAAAAAAY! Nakahanap ako ng chance para makapag- UD. Walang gumagamit ng lappy eh kaya nakigamit na ko. So, 4 days lang naman pala ako nawala. Wala pa naman palang one week eh. Ibig sabihin di pa pala ko masyadong inactive. Dati kasi inaabot ako ng isang buwan bago mag- update. So, eto na ang moment nila... Alamin niyo kung kaninong moment. Hihi.. Sana naman kiligin kayo. Wahaha! By the way, walang magsasabing bitin ha? Ang magsabi, PANGET! Natural na bitin to, ongoing pa nga eh. Edi magbasa kayo nung completed na para hindi bitin. Isa pa, walang magde- demand ng update! Maga- update ako kung gusto ko, no pressure! Okay? Gets? Say yes, kung ayaw mong masapak. Wahaha! De joke lang.. Oy. Penge namang 10 votes at 10 comments diyan. Ehehe.. Enjoy reading!

CHAPTER NINE- [CALAMARES MOMENT]

[SANDER'S POV]

Maaga akong gumising kasi may pasok ako ngayon. Pagkabangon ko nagdiretso na agad ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos nun ay nagdiretso na ko sa dining room para mag- agahan. Katulad na naman ng dati, wala na kong naabutan rito. Nakaalis na siguro na sina dad. Bakit pa ba ako nagtaka? Kaya lang naman talaga sila sumasabay saken sa pagkain ay para mapalambot ako at para sumunod ako sa kanila.

Nakaramdam na ko ng katamaran sa pagkain kaya naman umalis na lang ako ng bahay ng di na nag- aagahan. Nag- decide na lang akong pumunta kina Denver para maisabay na yun sa pagpasok, gusto kong may makausap ngayon. Badtrip na ko eh..

Makalipas lang ang mga 5 minutes ay nakarating na ko sa bahay nila. Paglabas ko ng sasakyan ko, may napansin akong isa pang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay nila. Inisip ko na lang na baka hindi yun sa kanila saka nagtuloy na ko sa loob ng bahay nila. Pinapasok ang ng kasambahay nila kasi kilala naman na ko dun.

Malapit na ko sa pintuan ng makarinig akong boses ng di masyadong pamilyar na tao. Pero ang alam ko talaga narinig ko na yung boses na yun, di ko lang masyadong ma- recognize. Sunod ng boses na yun ay boses naman ng isang babae. Hindi ko na kailangang makita kung sino pa ang nagsalitang yun. Alam na alam ko na kung sino yun.

Aalis na sana ako para magtago kasi narinnig ko na yung mga footsteps na palapit sa pintuan. Palabas na ata sila nung isang taong yun, tatakbo na sana ko kaso huli na. Nakalabas na sila at nakita niya na ko. Natigilan ako... Hindi dahil nakita niya na ko kundi dahil sa nakita kong kasama niya. Anong ginagawa ni Tisoy rito? Ang aga- aga dayo kagad sa ibang bahay! Eh ano rin bang ginagawa mo ngayon diyan? Di ba dumadayo ka rin. Pssh.. Ayy Leshe! Ilaglag ba naman ng sariling konsensya.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!?" bulyaw agad saken ng monster na to. Ano ba naman to, ka- aga aga nagwawala na agad. What a good way to start the day... sarcasm here.. Iimik pa sana ko kaso naunahan na naman ako ng paninigaw nito. "Nandito ka na naman ba para sirain ang araw ko? Well, Congratulations sayo! Sira na nga ang araw ko!"

Pssh! Ano ba naman to. Kung makasigaw kala mo may megaphone ang bibig. Bakit ba ipinanganak na ganito ang babaeng to. Sadista na nga bungangera pa. Hindi siya bagay maging anak ni Tita Demi. Si Tita Demi or Demetria Saavedra ay ang napakabait na nanay nitong si Little Monster. Nakakapagtaka tuloy, saan kay nito namana ang ugali niya?

"Demi, don't mind him. Let's go." biglang epal ni Tisoy sabay hila sa braso ni Demi, ayy Little Monster pala. Ayos tong mga to, makapaglandian wagas! Tirik na tirik pa ang araw eh! Don't mind him, don't mind him ka dyan. Baka ikaw ang i- don't- mind- him- in ko dyan. Tss..

Masama ang tingin saken ni Little Monster habang marahan siyang hinihila ni Tisoy palayo. Akala ko sasama na siya roon pero nagulat na lang ako at sipain sa..............................

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! SHIT! SHIT! SHIT!" napaluhod na lang ako sa lapag sa sobrang sakit nung pagkakasipa niya sa ano ko. Wag niyo nang itanong kung saan.... Basta dun sa parte where it hurts the most, below the belt! AYY POCHA!! T*ng ina ang sakit!!!!

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon