Chapter Two- [Big Trouble!]

1.2K 22 4
                                    

CHAPTER TWO- [Big Trouble!]

[SANDER'S POV]

"Do you like my sister?"

Nang biglang itanong saken yun ni Denver ay biglaan na lang akong napa- preno. Pareho tuloy kaming muntikan nang tumilapon sa harapan, buti na lang kamo at naka- seatbelt kami. Pero.... Teka nga! Ano bang pumasok sa isip nitong gunggong na to?

"Shit, man! Are you trying to get us killed?" he cussed angrily.

"Shit din pare! Ano bang pumasok dyan sa kukote mo at bigla mo na lang itinanong saken yun? Mangilabot ka nga!! Di ko siya type no! Definitely not my type!" pag- aalma ko sa kanya. Inaalala ko pa lang yung sinabi niya kanina, nagtatayuan ng ang mga balahibo sa katawan ko. As if magkakagusto ako sa kapatid niya no! Parang pinatay ko na rin ang sarili ko nun.

"I'm just asking man! You don't have to overreact. Kung makapag- react ka diyan para kang guilty. Ano, gusto mo ba ang kapatid ko?"

"Pakamatay na lang ako.." walang ganang sagot ko saka ini- start na ulit ang engine ng kotse ko. Pasalamat tong best friend ko at wala akong nabangga kundi lagot saken yung kapatid niyang maton.

"Answer me properly.." he said firmly. Kahit kailan talaga tong si Denver, KJ. Lagi na lang seryoso, bihira nang ngumiti. Nahawaan na ata nung halimaw niyang kapatid.

"No. I don't like your sister. Ano ka ba naman, pre. Mangilabot ka nga dyan sa mga tanong mo. Napaka- imposible namang may magkagusto dun no.." sabi ko na lang na mas focused na sa daan kesa kanina. Siyempre kailangan kong mag- ingat no. Di pwedeng gasgasan ang napakaganda kong kotse. Kaya yun, di ko na napansin na di na maganda reaksyon nitong katabi ko. Mukha na palang mangangain ng tao, at ako yung kakainin niya.

"What do you mean by that? Are you trying to say that my sister is ugly?" he asked in a serious tone. Uh- oh.. Pagdating talaga sa usaping kapatid niya, bigla na lang nagwawala ang halimaw sa loob niya. Para na siyang tatay ni Little Monster kung umakto siya. Haayz...

"I'm not saying that she's ugly... Ano lang... ano...."

"Ano?" he asked impatiently.

"Ano kasi.. sige, maganda na rin naman siya kaso ang ugali, di mo maintindihan. Parang monster- in- disguise eh. Mas maton pa saten yung kapatid mong yun eh. Sa Islington nga walang makalapit sa kanya eh. Terror kasi.. Kaya yun, imposibleng magustuhan ko yung Little Monster na yun." pagpapaliwanag ko sa kanya. Grabe, kailangan kong magsipilyo ng ngipin. Sinabi kong maganda si Little Monster, baka bumaho hininga ko niyan.

"I get it.. But Sander..." I turned to him with my eyebrows raised. "Stop calling my sister 'Little Monster'."

Hindi na lang ako nagsalita at saka nagkibit balikat. Pareho na lang din kaming hindi na nagsalita hanggang sa makarating na kami Islington University. Denver... Denver... Pwede ka nang tatay... Pasado ka na... Mas overprotective ka pa kaysa kay Tito eh.. Tsk.. Tsk..

[DEMI'S POV]

Gaya nga ng inaasahan ko, hindi na naging maganda pa ang takbo ng araw ko. Ganun kasi ako eh, once na bad mood na sa umaga hanggang sa matapos ang araw ay bad mood pa rin. Sino ang salarin? Sino pa ba? Edi yung Monster in a Jar na Sander na yun. Siya lang naman ang laging sumisira sa araw ko eh.

Pasalamat siya at wala pa kaming klase kundi, patay talaga siya saken! Ipapatapon ko siya sa Bermuda Triangle at ipapakain sa mga giant crocodiles at squids. Nakoooo! Ang sarap niyang gawing SAND!

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon