Chapter Twenty- [Finally...]

783 17 4
                                    

CHAPTER TWENTY- [FINALLY...]

[DEMI'S POV]

"I'm sorry for everything... especially for forcing you to become my girlfriend... don't worry ito na ang huling araw... Let's end this already...." 

Bakit parang hindi ako masaya sa sinabi niya? Diba ayaw ko naman talaga sa umpisa pa lang? Bakit ngayong tinapos na niya..... ganito ang nararamdaman ko?

Sander... nagtapat ka pero at the same time nagpaalam ka.... ni hindi mo man lang ba gusto marinig ang sagot ko?? T3T

**

Nag- decide na akong pumasok sa loob dahil parang lumalakas na ulit ang ulan. Bubuksan ko na sana ang gate pero napatigil ako dahil ang galit na mukha na agad ni kuya ang sumalubong saken.

"So, you've been hiding a secret from me all this time? And to think that it involves my best friend?" paunang salita niya. Hindi ko alam kung matatakot ako or kung anuman. Siguro kung hindi ko ito nararamdaman ngayon, matatakot ako sa kanya.. pero hindi eh.. sana nga takot na lang ang nararamdaman ko imbes na ito...

"Since when Demi Marie?" now I know he's much more serious.. He called me by my full name and that rarely happens.

"Since everything started...." walang gana kong sagot saka nagsimula nang maglakad pero di pa ko nakakalayo ay napigilan niya na ko sa braso ko. Medyo mahigpit ang pagkakahawak niya kung kaya't medyo masakit.

"Maayos kitang kinakausap kaya sumagot ka nang maayos... What on earth is happening to you?!"

"Nothing... It's just your imagination. I didn't change or whatsoever big brother..."

"Damn it, Demi! Ayan ba ang napala mo sa pagsama- sama sa kanya?! Dapat pala noon pa lang, inilayo na kita sa kanya! T*ng ina!" galit na sigaw niya saken. Kahit nga malakas ang ulan, nangibabaw pa rin yung boses niya.

"Sander's not the one to blame. He didn't do anything. He's just simply trying to be nice. So don't put the blame on him. And so what if I changed? I kind of like the change so bear with it...." 

*PAAAAAAAAAAAAAAAAAAK!!!!*

Nakatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa kanya. Kulang na lang ata mabali ang leeg ko para masabing malakas talaga at masakit iyon. Pero kahit na gaano kasakit yun, di ko magawang umiyak. Hindi ko na kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko malaman kung alin ang mas masakit, kung yung sinabi ba ni Sander o yung sampal na natanggap ko sa kanya.

"Shit..... Dem... I-- I'm sorry.. H- hindi ko sinasadya... I-- I'm so-----"

"It's alright..." sabi ko na lang saka pumasok sa loob..

Ayokong makipag- usap sa kahit na sino... Ayoko.....

*ONE MONTH LATER.....*

"SANDER NAMAN! Please talk to me!!!"

Narito ako ngayon sa Islington University para kausapin si Sander. Kailangan ko siyang kausapin kasi hindi ako matatahimik... Hindi talaga... Masyado nang matagal ang isang buwan na hindi pagkikita at pag- uusap... Sana naman ngayon ay pakinggan niya na ko....

Pero ayaw talaga niya... Narito na kami ngayon sa car space, hinahabol ko siya habang siya tuloy lang sa paglalakad at di man lang lumilingon. Kailangan lang naman naming mag- usap, bakit ba ayaw niya akong pagbigyan.

Ganun- ganun na lang yun? Iiwan niya na lang ako bigla sa ere? Paano naman yung nararamdaman ko? Hindi man lang ba niya ko hahayaang magsalita? Ayaw niya bang marinig? Na mahal ko rin siya? Wala na ba siyang nararamdaman para saken??

"DEMI!!!" kasabay ng pagkakahawak ko sa braso ni Sander ay ang pagtawag saken ni Kuya. Hindi ako nag- abalang lingunin siya. Ngayon ko lang ulit nakita si Sander. Ito na lang ang chance ko para makausap siya. Hindi ko hahayaang pigilan ako ni kuya.

Masyado nang matagal ang isang buwang paghihigpit niya saken. Sa loob ng isang buwang nakalipas, hatid sundo niya ako. Wala akong cellphone, kinuha niya ang laptop ko, ni- disconnect niya ang telepono sa kwarto ko at hindi niya ako hinahayaang makalabas. Lahat ng tawag na dapat para saken ay dumadaan muna sa main line..

Ayoko man sa una, pumayag na rin ako... Kailangang palamigin ko muna ang ulo niya. Masyado pang fresh ang mga pangyayari noon pero ngayon.... Di na ko papayag na pigilan niya ko.

"Sander.. Please... Hear what I have to say..." nagmamakaawa na ang tinig ko. Lumingon naman siya saken pero gaya noon ang cold lang ng expression niya....

"Just go home, Demi. Let us not talk anymore... Just stop it... You're just making it hard for the both of us..." 

"Sander, please...."

"Demi, let's go...." halos magkasabay lang kaming nagsalita ni Kuya, pero in- ignore ko lang siya. Sumosobra na siya... Diba mag- best friend sila? Bakit sinisiraan niya si Sander saken? Diba kapatid niya ko? Ayaw ba niya kong sumaya?

"Sander......" napaluha na ko... Wala akong pakialam kung pinagtitinginan man kami ng lahat. Walang akong pakialam!!! I don't give a damn about what they're going to say...

"Just go....." kasabay ng pagsabi niya ng mga salitang iyon ay ang pagbubukas niya ng pinto ng kotse niya at paghila saken ni kuya palayo sa lugar na iyon. Pero hindi talaga pwede.........

"Damn it, Sander! Mahal kita!!"

PROPERTY OF: ANNEJADE06

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon