Chapter Three- [Ungrateful Kid]

1K 22 12
                                    

CHAPTER THREE- [UNGRATEFUL KID]

[DEMI'S POV]

"I'm sad to say that you are removed as a candidate for your batch's Valedictorian.."

"P-po?! Ano pong sinabi niyo?" halos lumuwa na yung mga eyeballs ko nung tinanong ko siya. Tama ba ang narinig ko o bingi lang talaga ko kaya kung anu- anong bagay na ang naririnig ko. Imposible naman kasing matanggal ako as candidate for Valedictorian. To think na kauumpisa pa lang ng school year. Simula first year ako, lagi na kong nasa honor roll at wala naman akong nilabag na rules ah? Malinis ang records ko sa Guidance.

Teka... Parang...

"I'm sorry Ms. Saavedra pero tinanggal ka na namin sa list ng mga posibleng maging Valedictorian sa batch niyo." malungkot na sabi niya saken. Teka.. Hindi pwede to! Bakit naman biglaan? Lintik! Pakana ata to ng bruhildang Trixie na yun! Lagot siya saken! Pag nagkita kami, kakalbuhin ko siya. Shemay naman!!!!

"Sir, bakit naman po? Ano po bang nagawa ko para maalis ako bilang candidate? As far as I know, wala pa kong nabe- break na kahit isang rule sa school.. Pati kauumpisa pa lang naman ng school year diba?" sunod- sunod na tanong ko sa kanya. Hindi ako makapapayag! Pinaghirapan kong makuha ang matataas na mga grades ko. Nagsunog ako ng kilay sa pag- aaral para makuha ko ang mga karangalang unti- unti ko nang nakakamit pero bakit kung kailan malapit na ko sa pinakamithiin ko, saka pa nawala? Unfair naman!

Hindi ako papayag na ganituhin nila ko! Inalis nila ako sa candidates.. Gumawa sila ng isang desisyon ng hindi man lang pinagbibigay alam saken, ng walang kahit isang warning man lang? Paano naman ako? Hindi man lang ba nila pakikinggan ang side ko? Nakakainis talaga ang matatanda.. Pabara- bara sa mga bagay- bagay kaya madalas ring magkamali eh!

"Kanina lang ay nagreport sa akin si Ms. Santos. Ni- report niya saken ang ginawa mong pamamahiya sa kanya sa harap ng maraming tao sa canteen. Sinabi rin niyang sinadya mong itapon sa uniform niya ang lunch mo. What can you say about that?"

"Hindi ko ide- deny yung nangyari pero half of her story is already made up. First of all po, siya ang nanguna. Siya lumapit sa table namin at nagbuhos ng lunch niya saken. She insulted me kaya I just returned the favor." page- explain ko sa kanya with confidence. Alam kong hindi ako ang mali kaya naman bakit ako kakabahan or etcetera. Hindi ako ang tipo ng tao na basta- basta na lang titiklop. Hindi ako payag na nadedehado ako, lalo na't alam kong wala akong kasalanan.

He leaned on his table while massaging his temple, then he breathed out. "Demi, you're a good kid and I know you're not capable of doing such things. I'm even surprised to hear the news from Ms. Santos, I didn't want to believe at first but I guess I'm wrong with my presumptions.. I'm really disappointed.." he has a grave look pasted on his face and it only means one thing.... BAD NEWS..

"I guess I've heard enough explanations from both sides.. Now, I want to speak to your guardian or parent.. so I can, explain everything to them properly.." pagkasabing- pagakasabi nun ni Principal Ledesma, agad na kong naalarma. Hindi niya pwedeng kausapin si Papa. Not when everything's still unclear. Hindi dapat ako ang maparusahan.. HINDI!! "Ipapatawag ko na lang ang pare---"

"No!!" napasigaw na ko bago ko pa naisipang pigilan ang sarili ko. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko at nataranta na dahil nakatingin na saken si Principal with his i- don't- know- what- it's- called look. "Sir... N- no I mean... Hindi p- pwede kasi w- wala Dad ko.. N-nasa....." isip Demi.. Umisip ka ng alibi.. Hindi pwedeng makausap niyang matandang yan ang daddy mo.. isip.... isip... *ding!* "Nasa isang business trip po siya ngayon. Mawawala po siya ng isang linggo. Ehehe.."

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon