Chapter Four- [Badtrip!]

1K 19 3
                                    

CHAPTER FOUR- [BADTRIP!]

[DEMI'S POV]

Alam niyo yung badtrip? Ako yun eh! Ako yung badtrip! Bakit? Kasi nakakairita ang mga lalaki! Ang eepal eh! Lalo na yung hari nila.. Hari ng mga Epal! Sino pa ba edi si Contierra! Ang epal niya talaga! Ang sarap niyang ipabarang!

Ang lakas ng loob niyang i- blackmail ako! Sasabihin niya daw kay kuya at kay dad yung nangyari sa school kung hindi ko susundin yung mga sasabihin niya. Napakakapal ng horrible face niya! Magkaroon sana siya ng maraming kulugo sa likod! Bagay sa kanya yun mukha kasi siyang palaka!

Tapos may isa pang nakakairitang tao sa mundo eh! Yung Australianong hilaw na si Jared Reid! Kanina pa siyang papansin sa classroom namin! Ang sarap suntukin ng mukha! Last year pa siya nangungulit eh! Nanliligaw, eh hindi naman marunong.. Gusto niya pag sinabi niya, kami na agad. Ano ako, hilo? Mukha niyang maputi!! Hindi uso saken ang santong paspasan at tsaka anong tingin niya saken, easy to get?!

"Oh, nakabusangot ka diyan? Masamang sumimangot sa harap ng pagkain.." sabi saken ni Quen habang nagla- lunch kami sa cafeteria. Kanina pa kong umaga nakabusangot, bago pa ko dumating rito sa school. Siyempre alam niyo na kung bakit.. Tapos dumagdag pa sa pagka- badtrip ko yung australianong yun. Yan lalo akong na- badtrip.

"Sayo na tong pagkain ko. Wala kong gana..." nakabusangot ko pa ring sabi saka inisod yung plate ko papunta sa harap niya. Ewan ko ba kung bakit pa ko um- order ng food eh wala naman akong gana kumain. Haayz..

"Naku! Tara na sa infirmary! May sakit ka na!" exaggerated pang sabi nitong luko- loko kong kaibigan saka tumayo mula sa upuan niya at akmang hihilain ako patayo pero di niya natuloy dahil tiningnan ko na siya ng masama. Tatawa- tawa na lang siyang bumalik dun sa upuan niya. "Malaki nga problema mo.. Biruin mo, namigay ka ngayon ng pagkain. Eh dati halos manapak ka na pag may kumukuha o nanghihingi ng pagkain sayo."

"Ewan ko sayo! Akin na nga kung ayaw mo! Itatapon ko na.." nainis ako lalo kaya kukunin ko na sana ulit yung plate kaso naunahan niya na ko. Inilayo niya na agad saken yung plato para di ko na makuha pa.

"Ayoko nga!" parang bata pa niyang sabi then he stuck out his tongue at me..

"Anong ayaw mo? Akin naman yan ah?!" pilit kong kinukuha sa kanya yung plate pero di ko maabot kasi bukod sa mas mahahaba yung mga braso niya, mas malakas pa siya saken.

"You already gave it to me.. That means akin na to, and since akin na to, di mo na pwedeng bawiin.." pagre- reason out pa niya saka sinimulan nang lantakan yung pagkaing binigay ko sa kanya. Isa kang malaking matakaw Quen! Matakaw! "Thanks, Bes!"

"Hey, can I sit here?" paga- ask ng kung sinumang hudas sa may tabi ko. Kilala ko tong boses na to. Paanong hindi eh siya lang naman ang kakaiba ang accent rito sa Islington. Siya lang naman yung lalaking dumagdag sa pagkasira ng mood ko.

"No, you can't.." mataray kong sabi saka tiningnan siya ng masama. Pero parang wala siyang narinig kasi naupo pa rin siya.... sa tabi ko! Kapal ng fes mo men! "Di mo ba ko narinig? I said you can't sit here."

"But I don't have a choice.. There's no any available seat anymore except for this one. You don't expect me to seat on the floor, do you?" sabi pa niya saka kumindat siya kumindat. Lintik to! Bulagin ko kaya ng di na to makapag-kindat kindat ewan! Leshe...

"Ewan ko sayo australianong hilaw.. Dun ka sa kabilang chair, wag ka dito sa tabi ko." pagpapaalis ko sa kanya. Nakita ko namang nakangiti si bes, halatang nagpipigil ng tawa. Problema neto? Tiningnan ko nga ng masama. "Problema mo?"

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon