Chapter Sixteen- [Meet the Parents and the.... Fiancée? Part 1]

895 23 6
                                    

CHAPTER SIXTEEN- [MEET THE PARENTS AND THE.... FIANCEE? PART 1]

[DEMI'S POV]

Alam niyo ba yung awkward silence na nababanggit sa mga libro, nasasabi sa mga palabas at kinukwento ng mga tao? Well, ito na ata ang awkward silence na yun.. Yung tipong magkasama kayo pero walang nagsasalita at yung silence na yun.... hindi maganda sa pakiramdam..

Narito na kami ngayon sa kotse nitong si Sander. Mula nang makaalis kami dun sa mall, hindi na kami nag- imikan pa. Ang last words na lang niya saken nung nasa boutique kami ay.... 'You look great'. I don't know kung totoo talaga yung sinabi niya kasi after nun bigla na lang niya ulit hinawakan yung kamay ko at hinila palabas ng walang sabi- sabi.

Somehow, medyo natuto na kong maging komportable dun sa paghawak- hawak niya sa kamay ko. Oo, medyo awkward pa pero kahit papano nagiging ayos rin naman. Pero nagtataka ko, bakit pa niya hinahawakan yung kamay ko samantalang wala pa naman kami sa harap ng parents niya.. Haay ewan..

Siguro ten minutes na kaming nakasakay rito sa kotse niya, pakiramdam ko mapapanis na yung laway ko. Ang weird ko, dati naman ayaw ko siyang kausapin at pansinin kasi naiirita ako pero bakit ngayon parang gustong- gusto ko siyang magsalita at kausapin ako?

*ehem ehem*

Sige, ako na ang papansin kasi sinadya kong lakasan yung pagtikhim ko. Baka kasi sakaling magsalita siya at pansinin na ko. Hindi ko na kasi talaga makayanan ang katahimikang ito. Parang nakabibinging ewan. Though wala naman talaga akong naririnig na iba maliban sa tunog ng mga kotse at kung anu- ano pa sa paligid namin.. Pano naging nakakabingi yun?

Binalingan ko si Sander na abala pa rin sa pagmamaneho. Gaya ko ay nakapagpalit at nakapag- ayos na siya. Paglabas ko dun sa room kanina kung saan ako inayusan, ganito na ang bihis niya. Yung formal na damit, di ko alam tawag sa suot niya eh. Napansin kong bagay yung suot niya sa kanya, mas naging matured yung itsura tapos mas mukhang kagalang- galang. Tapos..... oo, gwapo siya... (--///--)

*lub dub lub dub*

Shit.. Ano ba tong nararamdaman ko? Nagiging abnormal na naman ata yung tibok ng puso ko? Parang ang lakas lakas kasi tapos sunod- sunod.... baka marinig niya to... nakakahiya! Sabihin pa niya abnormal yung puso ko....

Minabuti kong umayos ng posisyon. Humarap ako dun sa bintana para malayo ako ng konti sa kanya, niyakap ko rin yung bag ko para matakpan yung nagwawala kong puso. WAAAH!! Kinakabahan ako.. baka marinig niya.... Mama-----

Natigil yung internal panic ko (internal panic talaga eh no? HAHA!) ng maramdaman ko yung malambot at mainit na bagay na dumampi sa balat ko. Paglingon ko, nakita kong nakapatong na dun sa mga balikat ko yung coat na suot ni Sander kaya yung white polo na lang ang natirang pantaas niya  Hindi siya nakatingin saken kasi sa road pa rin naka- focus yung attention niya.

Para ata akong sinilaban.. Nag- init na lang kasi bigla yung mukha ko, di ko alam kung bakit.. Tapos bigla na lang akong napangiting ewan.. Abnormal na nga ata ako...

"Gamitin mo muna yang coat ko para di ka masyadong lamigin. Hindi ko naisip na lalamigin ka diyan sa suot mo, pasensya na.. I should have asked for a jacket.." sabi niya, di pa rin ako binabalingan..

"Uhmm.. Thanks.." yun na lang ang nasabi ko. Ang walang kamatayang 'thanks'. Psh!

Matapos yung kaunting palitan ng mga salita, bumalik na rin ulit ang katahimikan but this time comfortable silence na ang lumukob samen.. Buti naman..

*AFTER 30 MINUTES*

Nagising ako mula sa pag- idlip ng maramdaman ko yung marahang tapik saken ng kung sino. Kasabay rin nun ay ang pagtawag sa pangalan ko. Nang magmulat ako ng mga mata, agad na mukha ni Sander ang sumalubong saken. Mukhang nakarating na kami sa destinasyon namin.

"Demi, fix yourself.. Narito na tayo, nasa loob na sina Mom.." sabi niya.

Tumango na lang ako saka nag- ayos ng konti. Inayos ko lang yung buhok kong bahagyang nagulo tapos yung make- up tsaka ako lumabas kasunod niya. Nang makalabas ako, agad siyang lumapit sa side ko at tiningnan ako. Yung tinging nagtatanong kung ok na, kaya tumango naman ako.

Hindi na ako nabigla nang hawakan niya ulit yung kamay ko, medyo sanay na eh tsaka alam ko namang gagawin niya yan. Magkahawak- kamay kaming naglakad papunta dun sa mukhang mamahaling restaurant, iniabot ni Sander yung susi dun sa manong. Yun ata yung tinatawag nilang valet tapos yung isang lalaki pinagbuksan kami ng pinto.

Bumulaga samen yung napakagarang loob ng restaurant. Yung interior decorations nung restaurant ay napakaganda halatang high class at mamahalin. Yung mga tao ring nasa loob, halatang mayayaman.. Alam kong di naman mumurahin tong suot ko, pero kumpara kasi dun sa suot ng mga tao ron... napakasimple pa nito..

"Don't mind other people.. You look beautiful kahit na simple lang ang suot mo.. You don't need to prove anything to them...bulong saken ni Sander habang naglalakad kami, marahan pa nga niyang pinisil yung kamay ko. Somehow that simple gesture seemed to touch my heart. Kahit naman pala mayabang tong lalaking to, may kabaitan rin naman palang taglay.

Napatingin na lang ako sa kanya, at napangiti. Bahagya pa siyang nabigla sa pagngiti ko pero agad din naman siyang gumanti ng ngiti saken kasabay ng marahan na namang pagpisil sa kamay ko. Mukhang mas magiging komportable na kaming dalawa sa isa't- isa ngayon..

Sandaling iniikot ni Sander yung paningin niya dun sa buong restaurant saka iyon may tinigilan, pagtingin ko nakita ko yung parents ni Sander na nakangiting nakatingin samen. Tapos may kasama silang babae, maputi siya at maganda.. Kapatid ba siya ni Sander? Ang alam ko... nag- iisa lang siyang anak eh.. Sino kaya yun?

[SANDER'S POV]

Sa wakas, after ng mahaba- habang biyahe ay nakarating na rin kami dito sa restaurant na sinasabi ni Mom. Nang bumaba kami sa kotse, agad kong hinawakan yung kamay ni Demi. Ewan ko ba, pero parang sanay na sanay na kong hawakan yung kamay niya. Kung di nga lang siguro nakakahiya, hinawakan ko na rin yung kamay niya habang nagda- drive ako.

Nang makapasok naman kami, agad na sumalubong samin yung kagarbohan nung lugar. Yung lugar na nagsasabing tanging mayayaman lamang ang pwede roon. Alam kong mayaman rin sina Demi, pero alam ko ring di siya sanay sa ganitong lugar. Napakasimpleng tao niya lang kasi, masaya na siyang makakain sa KFC, well yun ay ayon sa kapatid niya siyempre.. Hindi siya yung tipo ng tao na kailangan ng yaman para mabuhay.... Yan ang malaking pagkakaiba naming dalawa....

Teka, bakit ba iniisip ko yang bagay na yan? So what kung magkaiba kami.. As if that really matters...

Napansin kong parang medyo nag- iba yung mood niya.. Para siyang di mapakali na ewan tapos paikot- ikot yung tingin niya hanggang sa dumapo yung tingin niya dun sa suot niya at bumuntong- hininga.. Alam ko na agad kung anong iniisip niya..

"Don't mind other people.. You look beautiful kahit na simple lang ang suot mo.. You don't need to prove anything to them...bulong ko sa kanya kasabay ng marahang pagpisil sa kamay niyang hawak ko.

Tiningnan naman niya ako saka ngumiti. Bahagya pa akong nagulat ng ngitian niya ko pero agad naman akong nakahuma kaya nginitian ko rin siya at muling pinisil ng marahan ang kanyang kamay...

Iniikot ko yung paningin ko dun sa kabuuan ng lugar para makita ang hinahanap namin. Mula sa isang parte ay nakita ko ang pakay namin.... ang parents ko kasama si Hannah. Nakita kong nakatingin rin sila sa amin at ang mom ko ay nakangiti pa.... Mukhang magiging madali na ang pagco- convince namin sa kanila...

PROPERTY OF: ANNEJADE06

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon