Chapter Twenty Two- [His Wedding, Her Farewell]

1K 28 16
                                    

CHAPTER TWENTY TWO- [HIS WEDDING, HER FAREWELL]

[THIRD PERSON POV]

Kasal. Wedding. Marriage. Napakadaling sabihin at gawin pero ang panindigan..... Napakahirap... Hindi ibig sabihin na pag kinasal kayo, mahal niyo talaga ang isa't isa... na kaya niyong panindigan ang isa't isa.... na matatapos na ang lahat ng pagsubok....

Hindi lahat ng kinakasal nagiging masaya... lalo na yung mga taong ikinasal lang ng dahil sa isang kasunduan.... Mahirap manindigan sa isang ganitong seremonya lalo na't hindi mo mahal ang taong mapapangasawa mo...... at lalo na kung iba naman talaga ang tinitibok ng puso mo..

*WEDDING MARCH PLAYING*

Lahat ay nakatayo ng magsimula nang tumugtog ang wedding march. Lahat ay nakatingin sa mga abay na naglalakad sa gitna ng aisle. Mula sa mga napakaku- cute na mga flower girls, ring bearer at iba pa hanggang sa umabot na sa mga kadalagahan at kabinataan.

Ang groom na si Sander naman ay nasa harapan na at hinihintay ang pagdating ng kanyang bride na si Hannah. Simple lamang ang kasal nila dahil iyon ang kagustuhan nilang pareho. Minadali na rin niya ang kasal dahil sa tingin niya ay mas mapapabilis ang paglimot niya kay Demi kung ganoon ang mangyayari.

Lahat ay nakalakad na at ngayon naman ay si Hannah na... Napakaganda niya sa suot niyang simpleng wedding gown... Tunay ngang ang bride ang pinakamaganda sa araw ng kanyang kasal. Pero kahit na gaano kaganda siya, kabaligtaran naman iyon ng ngiti niya.... dahil kahit na nakangiti siya lungkot pa rin ang nasa likod ng mga iyon....

Nang makarating na sila sa harap ay ipinaubaya na siya ng kanyang mga magulang kay Sander. Inabot naman ni Sander ang kanyang kamay kasabay ng isang ngiting halatang pilit, at naglakad na sila patuloy sa harapan ng pari.

**

*AIRPORT*

"Mag- iingat ka don baby ha? Call us once you get there." paalala ng ama ni Demi sa kanya habang yakap- yakap siya nito ng mahigpit. Gumanti naman siya rito ng isang yakap....

"I'll take care.. Don't worry, Dad. I'll recover soon.. Just promise me you'll visit soon.." sabi naman niya rito...

"I promise...." nakangiting pangako naman ng daddy niya saka siya muling niyakap.

Sunod naman siyang lumapit sa kanyang kuya. Agad naman siyang niyakap rin nito. "I'm sorry for everything, sis. I hope you can forgive me. Akala ko mapo- protektahan kita mula sakit pero parang dahil pa sakin, mas nasaktan ka... Sorry talaga...."

Nginitian naman niya ito. "Di mo to kasalanan kuya. Walang may kasalanan dito. Natural na to sa mga teenagers... Wag mong sisihin ang sarili mo kuya... I'm fine..."

"Kasi... masyado akong protective.... Yan tuloy, mapapalayo ka na samen..."

"ANg kulit ni kuya.... Di mo nga kasi kasalanan.. Walang may kasalanan.. Okay?"

Tumango na lang si Denver saka muling niyakap ang kapatid. Labis na pagsisisi ang nadarama niya. Alam niyang hanggang ngayon ay nasasaktan ito... Lalo na ng malaman nitong ikakasal na pala si Sander.... at sa araw pa ng pag- alis niya......

"Bes! Bakit kasi aalis ka pa? Wag ka na umalis! Pag umalis ka, wala na kong matakaw na best friend..." dahil sa hirit na iyon ni Quen ay umani ng tawanan kaya nahampas siya ni Demi sa braso ng wala sa oras. "Bes kasi.... Dito ka na lang kasi.. Diba plano natin, sa Islington U. tayo mag- aaral? Daya mo naman eh.."

"Sorry talaga bes... Talkshit kasi ko eh.. Don't worry babalik pa naman ako. After 5 years nga lang..." sabi pa niya saka tumawa.

"Daya mo talaga...." himutok pa ni Quen saka bigla na lang siyang hinila at niyakap ng ubod ng higpit. "Basta, post ka lagi sa wall ko sa fb ha? Message ka rin o kaya tumawag ka para mas madali... Pag kinalimutan mo ko, susundan kita sa America para lang kutusan..."

Nagtawanan naman silang lahat. "Opo. Di ko kakalimutan. Ayoko namang makutusan, masakit yun eh.. Pakurot nga!"

Agad naman niyang kinurot ito ng pino dahilan para mapaigtad ito at mapasigaw. Muli ay nagsitawanan sila.

"Take care of yourself, okay? I hope when we see each other again, you already moved on.... I'll wait for you..." Si Jared naman ang lumapit sa kanya ngayon. Napangiti na lang siya rito.

"Don't.... Jared, don't.... Please don't wait for me anymore.... Ayokong matali ka saken. Find someone else.. Someone much better than me. You deserve someone better.."

"But----" di niya ito pinatapos sa pagsasalita. Inilagay niya ang hintuturo niya sa labi nito para di matuloy sa pagsasalita.

"Please?" she asked with a hopeful look. Napabuntong hininga na lang ang binata saka ngumiti at tumango na lang. Ngumit naman siya. "Thanks Jared. Thanks for everything.."

She hugged him....

*Calling all the passengers of flight FT- 032. Please proceed to the departure area.*

Iyon na ang hudyat.... Kailangan na niyang magpaalam..... Magagawa ba niya?

Magagawa ba niyang iwan ang pamilya niya, ang mga kaibigan niya at ang pinakamamahal niya?

PROPERTY OF: ANNEJADE06

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon