Chapter Eight- [Below the Belt]

1K 22 4
                                    

CHAPTER EIGHT- [BELOW THE BELT]

[SANDER'S POV]

Tapos na ang klase ko kaya naman nagpunta na ko kay Demi. Diba nga, ako na naman ang napag- utusan ni Denver na sumundo sa kapatid niya? Napakadaya talaga! Eh ayaw ko ngang makita yun eh! Ewan ko kung bakit basta parang mas asar ako sa kanya ngayon...

Basta nagsimula lang talaga tong mas pagkainis ko sa kanya nung isang gabi. Oy, don't get me wrong ha? Wala kong ibig sabihin na di kaaya- aya.. Ang ibig sabihin ko lang ay naiinis ako kasi........ siguro kasi ako sobrang sama ng gabi ko tapos siya naman napakasaya noon kasama ang Australiano niyang keychain. Unfair yun! Dapat masama din ang gabi niya!

Nakakainis talaga! Bakit parang nagkapalit na kami ngayon ng pwesto? Dati, siya ang parang laging masama ang araw.. Bakit nalipat saken? Siguro dahil halos palagi na kaming magkasama kaya nalipat saken.. Naku! Hindi to maaari! Ibabalik ko sa kanya to!

**Forever young, I wanna be forever young. Do you really want to live forever. Forever and ever. Forever young, I wanna be forever young. Do you really want to live forever. Forever, forever young**

(Click the video to listen to Sam Concepcion's FOREVER YOUNG song.)

Nagri- ring pala ang cellphone ko.. Sino naman kayang tumatawag saken?

Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bag ko saka sinagot yun nang di na nag- aabala pang tingnan ang screen.

"Hello?" sabi ko pagkasagot na pagkasagot ko dun sa call.

"Hi, Sander. It's me, Hannah." sabi naman nung nasa kabilang linya, na si Hannah pala. Ang lambing talaga ng boses niya kahit nasa telepono lang. Ano kayang kailangan niya?

"Oh, Hannah? Napatawag ka?" tanong ko naman sa kanya.

"Sander, Is your class finished already? I'm just wondering if I can invite you to eat merienda with me.." parang nahihiya pa niyang sabi sa kabilang linya. Oh shit! Bakit nga ba di ko na siya naalala? Ang plano ko pa naman sana ngayon ay ako na ang maghahatid sa kanya para makapag- usap kami.. Kaso di ko naman pwedeng iwanan na lang si Little Monster. Di naman sa nag- aalala ko sa kanya.. Nag- aalala kong baka magalit sakin si Denver. Naku, mahirap na..

"Naku! Pasensya na Hannah but I'm not available today. Nakaalis na rin kasi ako ng school eh, may sinusundo kasi ako ngayon.." sabi ko naman habang humihingi ng paumanhin.

"Oh, It's okay.. Don't worry bout it. Let's just eat some other time." sabi niya pero parang di naman okay eh. Halata kasi sa boses niya na nag- eexpect talaga siya. Haayzz... Naku.. Kailangan kong bumawi rito. Baka magtampo pa to.

"Don't worry, babawi ako sayo bukas. Ako na rin maghahatid sayo bukas. Okay ba?" 

"Sure. That'll be great! Thanks Sander!"

Nagsasalita pa si Hannah sa kabilang linya pero hindi ko na yun masyado narinig dahil nawala na yung atensyon ko sa phone ko.. Nalipat na dun sa dalawang taong kalalabas lang ng main door ng Islington. Ang saya- saya pa nilang tingnan oh? Ang sarap batuhin ng sapatos... (>o<)

Naku! Ano ba namang pumapasok sa isip ko? Kelan pa ba ko naging bayolente! Haayzz! Napaka- bad influence talaga ng monster na yun saken! Mahila na nga paalis at ng makauwi na kami! Madami pa kong gagawin... at kailangan ko siyang makausap..

Nagpaalam na ko kay Hannah tapos itinago ko na sa bag ko yung phone ko saka naglakad palapit dun sa dalawang naglalandian.

"Hoy monster, tara na. Uuwi na tayo. Nagmamadali ako bilisan mo diyan!" inis na sabi ko sa kanya saka tumalikod na at naunang maglakad pero natigilan ako ng mapansin kong di siya sumusunod saken. Paglingon ko naman, nakita kong naglalakad sila ni tisoy papunta dun sa kabilang direksyon. Ayos tong dalawang to ah? Ano yun, walang narinig?

Make it Real.. &lt;3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon