Chapter Six- [Twice the Irritation Part 1]

998 21 4
                                    

CHAPTER SIX- [TWICE THE IRRITATION  PART 1]

[DEMI'S POV]

Ilang linggo na naman ang nakalipas, o kay bilis ng panahon... August na pala? Grabe.. Dalawang buwan na ang nakalilipas pero yung tungkol sa naging pag- uusap namin ni Principal Ledesma noon ay di ko pa rin magawang masabi kay Kuya at Dad.. Haayzz..

Alam ko namang di sila magagalit saken dahil sa nangyari.. Siguro kung magagalit man, yun ay dahil sa ginawa ko at di mismo saken. Alam naman nilang di ako warfreak type eh. Alam naman nilang iniisip ko muna ang isang bagay bago ko gawin..

Ang tanging dahilan lang naman kung bakit di ko masabi ay dahil ayokong ma- disappoint sila. Mula pa kasi noong first year ako ay pangarap na namin ni Dad na maging Valedictorian ako ng batch ko. Pati na rin naman si kuya... Kaya nga namomroblema ko kung paano ko sasabihin.. Tiyak na malulungkot yung dalawa at madi- disappoint saken.. Ayoko nun...

May balak naman akong ipaalam sa kanila ang tungkol dun eh.. Pero di pa sa ngayon.. Siguro pag medyo naayos na ang lahat... Saka ko na sasabihin.. Para kung malaman nila, di na sila mamomroblema kasi okay na ang lahat. Wala na ring gulo o komosyong mangyayari.

Andito ako ngayon sa bahay, walang pasok ngayon kasi Saturday. Mag- isa lang ako rito sa bahay, ayy hindi pala kasi kasama ko yung mga kasambahay namin rito. Pero sina Papa at Kuya ay wala. Nasa work si Papa tapos si Kuya lumayas... Ewan ko kung saan yun pupunta. Basta umalis siya ng walang pasabi.

Iba na talaga ang nararamdaman ko eh.. Pakiramdam ko talaga may inililihim na saken si Kuya eh. May isang bagay siyang hindi sinasabi saken.. Kung ano man yun, malalaman ko rin yun.. Hindi niya maitatago yun saken forever..

*Eenie, meenie, miney, mo Catch a bad chick by her toe. If she holla If, if, if she holla, let her go*

Biglang nag- ring yung phone ko kaya naman napabalikwas ako ng bangon.. Siya na siguro yan..

Tiningnan ko yung cellphone ko at di nga ko nagkamali. Si Jared nga ang nag- text.. Yiee! Sige na, ako na malandi.. Ako na... Pero pagbigyan niyo na ko. First time lang naman na magkaganito ako eh. Minsan lang sa tanang buhay ko mangyari to. Oo, nag- take over na ang female hormones ko.

Oo, gusto ko na rin si Jared.. Oh, wala nang side comments pa diyan! Baka gusto niyong masapak ng wala sa oras. Hayaan niyo na lang ako. Masaya naman ako sa nararamdaman ko. Hehe.. Teka nga, mabasa nga muna message niya.

-> Hey Dem! Are you free tonight? Care to join me for dinner? I'll wait for your reply. By the way, I miss you.. ;) -Jared

Waaah!!! Sige na, ako na nga ang kinikilig! Grabe talaga tong si Jared! Alam na alam kung paano magpangiti ng babae. Hihi.. (^_^)

Wala naman akong ginagawa rito sa bahay. Tapos ko na mga assignments ko. Tapos na kong maglinis ng room ko, oo ako naglilinis ng kwarto ko ayokong may nakikialam sa mga gamit ko eh! Tapos na ko sa lahat ng mga gawain. Ibig sabihin nun pwede.. Pero kahit naman busy ako, sasama pa rin ako sa kanya eh. Ano kaya to, date? Wiieee! Kinikilig naman ako!

Sure.

Yan lang reply ko, para naman di masyado mapaghalataang gustong- gusto. Siya na bahala kung susunduin niya ko or magkikita na lang. Basta mahalaga makita ko siya. Wahaha! Grabe, ang tindi ko rin palang magka- crush..

Tapos nag- ring ulit cellphone ko. Agad ko namang binasa message niya. Nakakakilig!!

-> Great! I'll pick you up at 7. See you later, beautiful.. :)

Hindi ko na siya nireplyan after that message. Di ko na kasi alam ang sasabihin ko eh! Basta kinikilig ako... SOBRA!!

[SANDER'S POV]

Nagla- lunch kami ng family ko ngayon, himala ngang kumpleto kaming tatlo ngayon.Bihira lang naman kasi kaming magkasama- samang tatlo eh. Pareho kasing busy tong mga magulang ko sa trabaho. Si dad busy sa firm, si mom busy sa shop niya. Wala na silang time para sa family namin kaya nakakapagtaka talagang kumpleto kami eh.. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya sa pagkain ko nang biglang magsalita si Dad. "Sander, you have any plan for tonight?" Oh, himala ring tinanong nila ko tungkol sa mga plano ko. Ano kayang meron? May ipapagawa ba sila saken? May pupuntahan ba kami na kailangan ay kumpleto pa kami?

"Yes. I'm going to meet up with my friends this evening." simpleng sabi ko na lang saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Is that so? Well, please do cancel your plans for tonight. Were going to meet someone important." he said in his casual tone.  Napakunot noo na lang ako sa kanya. Sa tingin ba niya magagawa kong kanselahin ang nakaplano ko nang gawin? Hindi ata pwede yun..

"Sorry Dad but no can do. We've planned this meeting and I can't just cancel it. Can't you just go without me? Hindi naman siguro ganoong ka-importante ang presence ko roon."

"Your presence in this meeting is important son. No more buts.." Hindi na ako nakapagsalita pa. Naunahan na naman niya ko, napatahimik.. Haayz.. Ano naman kayang pag- uusapan roon? Sino kayang importanteng tao ang ime- meet namin?

~~

Dumating na ang gabi at narito kami nina mom at dad sa sasakyan. Ewan ko kung bakit pero formal attire ang ipinasuot nila saken. Kanino ba kami makikipagkita? Sa presidente ng Pilipinas? Masyado namang OA tong suot namin. Dinner lang naman to eh. Pwede namang mag jeans at shirt lang.

Ilang minutes lang ang nakararaan ay nakarating na kami sa isang mamahaling restaurant na di ko alam kung paano bigkasin ang pangalan. Ang complicated naman kasi ng spelling eh. Basta nagsisimula sa letter L ang pangalan nung lugar.

Halatang pang- mayaman talaga yung lugar.. Mga tao pa lang na naroon eh patunay na.. Sanay na naman ako sa mga ganitong lugar dahil noon pa man ay lagi na kong isinasama ng parents ko sa ganitong lugar.. Pero para saan naman kaya this time.

Pagkapasok namin doon sa restaurant ay agad na may lumapit saming isang waiter at i- g- in- uide kami papunta sa isang malaking table kung saan mayroong nakaupong middle aged couple. Pamilyar sila pero di ko malaman kung saan ko sila nakita o kung kakilala ko ba sila.

 Nang makalapit kami roon sa table, tumayo agad yung mag- asawa at binati ang parents ko. Bilang paggalang naman bumati na rin ako dun sa dalawa. Pagkatapos noon ay naupo na rin kami.

"Mare, it's been a long time. How are you? You still look beautiful.." nakangiting sabi nung babae. Grabe naman to kailangan talagang poise na poise? Mga babae talaga... "And oh my.. Binatang- binata na si Sander. How long has it been since I last saw him nga?"

"11 years na Mare. Yeah, binata na talaga tong unico hijo ko." sabi naman ni Mom sabay tapik sa balikat ko. "By the way, where's Hannah?"

Hannah?? Hannah.. Hannah.. Sounds family... (^_^)

"She's in the bath--- Oh, here she comes.." sabi  ulit nung babae sabay tingin dun sa direksyon ng CR. Napatingin naman ako dun sa tinitingnan niya.. and I think I just saw the most beautiful girl in the planet.. She's looks familiar.. also her name..

Wait! I think I know her... Yeah... I know her.. I know it...

"Good Evening, Auntie, Uncle.." narinig ko yung pagbati nung babae sa mga magulang ko. Damn! Her voice is so soft.. parang boses ng anghel... "Good Evening, Sander."

Agad naman akong napabaling sa kanya. She's smiling at me....

Now I finally remember her... She's Hannah... My Chilhood Friend...

A/N:

Edited. :) Vote, commenth and share.

~AnneJade06

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon