Chapter Twenty One- [Goodbye?]

809 19 4
                                    

CHAPTER TWENTY ONE- [GOODBYE?]

[SANDER'S POV]

"Damn it, Sander! Mahal kita!!"

Di ko alam kung tama yung narinig ko o nabingi lang talaga ko. Siguro nga mali lang ang narinig ko, iyon ang ine- expect kong sabihin niya pero alam ko namang imposible eh. Di niya magagawang sabihin yun lalo na't nandyan ang kaptid niya.

So much for dreaming things.... Kung anu- ano na tuloy ang naririnig ko.....

Sumakay na ko sa kotse ko at mabilis yung pinaandar. Hindi ako nag- abalang tumigil kahit na naririnig ko yung pagsigaw sigaw ni Demi sa pangalan ko. Hindi na ako lumingon dahil baka sa oras na gawin ko yun... Traydurin ako ng puso ko at utusang balikan siya... Ayoko na siyang patuloy na saktan... Hangga't maaga lalayo na ko dahil kahit paano ay nako- kontrol ko pa.. pero pag nanatili pa ko sa tabi niya, baka di ko na magawang lumayo...

Demi..... I'm sorry... Para rin naman to sa ikabubuti ng lahat... Wag na lang nating gawing komplikado ang lahat.. Maayos na kahit paano ang pagkakaibigan namin ni Denver after niya akong bigyan ng isang malakas na suntok na talaga namang nagpabagsak saken.

Binalaan niya kong lumayo kay Demi, sinunod ko naman siya dahil iyon din naman ang gusto ko. Alam ko naman kasing imposibleng mahalin din ako ni Demi lalo na't nandyan sa tabi niya si Jared..

Kahit na gaano ko pa kagustong manatili sa tabi mo, di ko magagawa dahil baka umasa lang ako at mas masaktan. Mabuti na yung ganito atleast di ka mahihirapan sa huli. Sandali lang naman to eh. Mawawala rin tong nararamdaman ko, bigyan mo lang ako ng panahon....

Magagawa rin kitang kalimutan lalo na ngayong ikakasal na ko......

[DEMI'S POV]

"Kuya! Let go!" pilit akong kumakawala sa mahigpit na pagkakakapit sakin ni kuya. Pagkatapos ng ginawa kong pagtatapat kanina kay Sander- sa harap na napakaraming tao, iniwanan niya lang ako. Umalis lang siya ng di man lang ako tinitingnan o kinakausap.

Naiinis ako sa kanya. Galit ako! Kasi kung kailan nasabi ko, saka naman parang nawala na yung nararamdaman niya. Buti pa siya mabilis na naka- move on or di naman kaya.... Di talaga niya ko minahal?

Kasi kung mahal niya ko..... diba dapat masaya siya sa sinabi ko?

Siguro nga...... Hindi talaga niya ko mahal...... Pinaasa mo lang ako Sander?

[DENVER'S POV]

Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang maganap yung pagtatapat ni Demi kay Sander sa car space. Dalawang linggo na rin siyang tahimik, nagkukulong sa kwarto at di kumakain ng ayos. Pumapasok siya sa school pero para siyang isang walking zombie.

Mugto palagi ang mga mata niya, hindi siya umiimik sa kahit na sino. Hindi siya nakikinig sa klase. Bigla na lang siyang nalabas sa room nila kahit na nasa gitna ng discussion ang teacher nila. Yan ay ayon lahat kay Quen.

Alam kong siya ang best friend ni Demi, actually siya nga lang kaibigan ng kapatid kong yun. Alam ko ring nag- aalala siya kay Demi. Halos araw- araw na nga siyang bumibisita sa bahay, kahit na may pasok. Kahit si Jared, bumibisita rin pero kahit na naroon sila.... Kung umasta si Demi, parang wala siyang bisita.

Nahihiya na nga kami ni Dad sa kanila eh. Nage- effort silang pumunta dahil nag- aalala sila pero itong si Demi... Wala talagang pakialam.... Kaya naman nakapag- decide na kami ni Dad......

Ipadadala na namin si Demi sa America. Doon na muna siya sa relatives namin. As soon as makatapos ako sa pag- aaral, susunod agad ako. Alam kong matagal pa yun pero bibisita naman ako sa kanya sometimes.

Alam kong labag sa loob ni Dad ang naging desisyon namin, pero naisip niyang iyon ang makabubuti. Hindi makaka- move on si Demi hangga't naaalala niya si Sander at naririnig ang kahit na anong tungkol rito.

Nakausap na rin naman namin siya tungkol sa planong iyon. Nag- aalangan lang siya dahil ilang buwan na lang rin ay ga- graduate na siya pero sinabi naman namin na pwede naman niyang ipagpatuloy ang pag- aaral niya roon. Other than that, wala nang naging problema... Siguro gusto niya na ring makalimot.

T*ng ina naman kasi... Bakit ko ba kasi sila pinilit na maglayo? Kasalanan ko ito eh.. Kung hindi ako naging masyadong mahigpit siguro di hahantong ang lahat rito. Hindi na sana nila kailangan umabot sa pagpapanggap na magkasintahan.

Alam kong mahal ni Sander ang kapatid ko, inamin niya yon.... pero kahit na gusto ko silang pag- ayusin ngayon... wala na kong magagawa dahil ayaw na ng kapatid ko... Ang akala niya pinaasa lang siya ni Sander. Hahayaan ko na lang na ganito... alam ko namang makakaya niya eh...

Kasabay nang magiging pag- alis ni Demi........ ay ang pagpapakasal naman ni Sander kay Hannah...... 

PROPERTY OF: ANNEJADE06

Make it Real.. <3 [SamVon] -UNDER MAJOR HEAVY RECONSTRUCTION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon