MIKAELO KONRAD AUGUSTUS
" Toto Iko! " Napatingin naman ako kay Simoun Veneno na sumasalubong sa akin. Anak nila Shiela at Vic. Tatlong taon na 'to ngayon. Kasalukuyan akong nandito sa bahay nina Laura dahil sa baby shower ito.
Mabilis ko naman siyang binuhat at hinagkan sa noo.
" Neno, Nasaan sina Mommy at Daddy? "
" Nasa taas po gumagawa ng baby. " Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. Jusko! Hindi ko tinuturuan ang batang 'to!
" Just kidding, Toto! Tara po sa loob naghahanda sila doon. " Napangiti naman ako dahil straight na siya magsalita. Ibang klaseng bata 'to! Saan kaya nagmana?!
Pagpasok ko, There's a lot of children na nasa paligid. Mula sa mga anak nina Aly at Dennise na nadagdagan pa ng kambal sila Daphne Artemis and Demios Aurelius. Sina Vic and Shiela naman hindi pa sinusundan 'tong si Veneno. Sina Kuya Jovs at Ate Rachel naman nadagdagan din yung baby nilang si Rouvin Venedict.
Sa aming magbabarkada kami na lang ni Kim ang walang pamilya but he already have Cydthealee and soon magpapakasal na rin sila, Idagdag pa si Riri na nanahimik din ang mundo but well I heard na nililigawan niya yung bestfriend ko na si Jessey. Ako na talaga ang maiiwan, ganun ata kapag gwapo.
" Miko! " Kumaway kaway naman si Kuya Jovs ng nakita ako. Kasalukuyan niyang binabantayan yung baby nila baka tumutulong si Ate Chel sa loob.
" Nuxx. Daddy duty. " bumulalas naman 'to ng tawa.
" Mahirap na, baka maOutside the kulambo ako mamaya. " Napailing naman ako.
" Lagot ka Simoun. Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo. " pananakot ni Kuya dito. Humagikhik lang naman 'tong makulit na bata.
" Mas lagot naman si Daddy kay Mommy. " Napabulalas naman ako ng tawa sa sagot niya. Even ang anak nila alam na under si Vic kay Shiela.
" Nasaan yung mga inaanak ko, lalo na si Raven? " sobrang tagal na rin nung hindi ko siya nakita. Mga Tatlong buwan na siguro.
" kasama ni Rachel sa loob at nanggugulo. “
" Oy Miko! " bati ni Vic sa akin saka kinuha yung anak niyang makulit. Tumango lang ako’t ngumiti.
" Tumakas ka na naman sa Mommy mo! Maligo ka dun Simoun! " saway niya sa anak niya saka sila nakipaghabulan.
" Si Kim at Aly? "
" Kasama ni Kim si Cyd, nag-iikot-ikot sa paligid. Si Aly naman tumutulong sa loob para magluto, binantaan ni Dennise e. "
" Miko, Kuya Jovs. Salamat sa pagdating. " bati ni Von sa amin na kasalukuyang may bitbit na mga regalo.
" Congrats Von! "
" Walang problema. Congrats. " sabay naming bati dito.
" Mauuna na ako, aasikusahin ko pa 'to. Nagwawala na naman si Laura sa loob e. " natatawa niyang sambit, napailing naman ako dahil totoo ang bagay na iyon.
" Pagtyagaan mo na lang. Paglilihi yan e. " sambit ni Kuya na sinang-ayunan niya. Pagkaalis nito sumulpot naman si Aly na nakikipaghabulan din sa anak niya.
" Jusko! Artemis wag kang takbo ng takbo! Lagot ako sa Mama mo! " sigaw niya na may takot sa boses, idagdag pa na nakasakay naman sa likod niya iyong anak niyang lalaki, kapag tinignan mo naman si Vic. Inaasikaso na nito yung anak nila na kanina pa naglilikot.
Somehow ay nakaramdam ako ng lungkot at lumbay. Napapalibutan ako ng mga bata. Napapalibutan ako ng mga kaibigan kong stable na ang buhay. Samantalang ako. heto, Hindi pa rin alam kung saan patungo ang buhay.
BINABASA MO ANG
LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓
FanfictionGWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notorious playboy in town Goodlooking, Rich, a Professional Architecture and Psychologist. An ideal man for every woman he had but not for his fam...