MESS XI (restricted)

1.5K 37 11
                                    

------------------

" Is that Kylie Verzosa?! " Nanlalaking matang bulalas ko kay Laura. May Pa-Party siya ngayon dahil birthday niya and syempre imbitado ang kagwapuhan ko, hindi ko lang inaasahang makikita ko siya dito. Simula nung hinalikan ko siya ay paulit ulit na niya akong iniiwasan. She didn't even let me talk basta kapag nagtatagpo ang landas namin, iiwas siya. Hindi ko na 'to hinabol pa dahil ako sa Mikaelo at hindi ko gawain ang manghabol, ako ang hinahabol.

" Oo, Bakit? She's one of my closest friend. " sagot niya sa akin dahilan para mapangisi ako habang sinusundan ng tingin si Kylie. She looks gorgeous with her black knee length dress. Mas lalong lumabas ang magandang hubog ng katawan nito.

" Aray! " reklamo ko ng hilain niya yung tainga ko. Kinunutan ko ng noo si Laura, pinagbibigyan ko lang 'to dahil birthday niya.

" May binabalak ka kay Kylie?! Siraulo ka Augustus! She's a great woman and she doesn't deserve someone like you. Hindi niya deserve mapabilang sa koleksyon mo. " Napahawak naman ako sa dibdib ko habang nakanguso.

" Ouch! Kaibigan ba talaga kita?! Bakit ganyan yung mga sinasabi mo na parang ang gago kong tao. " asik ko sa kanya, masyadong masasakit iyang mga binitawan niya.

" kaibigan ko rin siya, bilang kaibigan din kita at alam kong gago ka talaga. Ayaw ko siyang mapunta sayo. " inirapan niya ako na parang sinasabing 'in your face, Mikaelo!'

" Hindi pwedeng magbago? " bulalas ko. Pagak naman 'tong tumawa saka binatukan ako.

" Ikaw magbabago? Jusko! Ikababagsak yun ng ekonomiya ng Pilipinas, Mikaelo. " asik niya't muli akong binatukan. Pakiramdam ko naaalog na ang handsomeness ko sa ginagawa niya.

" Grabe ka sa akin! Pasalamat ka birthday mo! " Inirapan naman niya ako.

" Nagsasabi lang ako ng totoo. " I twitched my lips saka humakbang, wala akong pakialam sa sermon nitong babae na 'to. Mabilis namang hinila ni Laura iyong shirt ko.

" Ayos-ayusin mo lang Augustus! Huwag na huwag kang gagawa ng kagaguhan kay Kylie kundi lagot ka sa akin. " banta niya sa akin, napakamot naman ako sa batok ko.

" Lalapit lang ako Laura! Huwag kang Over-reacting, dun ka nga kay Aly! " saka tinulak tulak ko siya palayo. Binatukan niya lang ako saka inirapan ulit. Napailing na lang ako saka iniwan siya para lapitan si Kylie na ngayon ay nag-iisa na lang doon sa tabi.

I checked my pocket at napangisi ako sa nilalaman nito. Mabuti na lang at boy scout ako't nadala ko 'to. I'm sure na magiging pinakamasayang gabi 'to ng buhay ko.

" Kylie. " bati ko sa kanya, tinitigan naman ako nito saka umirap.

" What are you doing here Augustus, sinabi ko sayo na wag ka ng lumapit sa akin diba? " asik niya, napabuntong hininga naman ako, bakit ang iinit ng ulo ng mga babae ngayon? Sabay-sabay ba silang nagkaroon?

" Look Kylie, wala akong kahit anung gagawin sayo. I just want to say sorry sa ginawa ko. Sorry for being rude and taking advantage on you but still hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko yun. I want you to be mine and I'll do everything you want para maging civil ka sa akin at magustuhan mo din ako and no one can stop me about it, no one even my brother. "

" Tss. Asshole. Ayoko ko sayo lalo naman ang magugustuhan ka. " hindi ko pinansin ang sagot niya't umupo sa space na nasa tabi nito.

" Pwede bang lumayo ka na lang sa akin? " asik nito saka lumayo lalo. Napabuntong hininga naman ako.

" Stop being rude Kylie, I just want to talk to you. Gusto lang kitang kamustahin, it's been a while since hindi kita nakikita. "

" Bakit naman kita kakausapin? Ayaw ko sayo kaya huwag mo na rin asahan na magpapakita ako sayo. Sino ka ba? You're just an Architecture student, wala namang espesyal sayo para puntahan kita. " Hindi ko na lang pinansin yung mga masasakit niyang sinabi. Gusto ko nga siyang siilin ng halik para manahimik na siya pero alam kong ikagagalit niya lang yun.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon