KYLIE
" Mommy! " bulalas namang muli ni Makoy saka lumapit sa amin na may pagtataka sa kanyang mga mata. Hindi ko naman maibuka ang labi ko para magsalita.
" Why did you left me alone? " nakangusong tanong nito. Sinilip ko si Miko and he's still busy sa pagtatago noong mga damit namin na nakakalat sa sahig.
Nanlaki naman ang mata ko ng sumampa na 'to sa kama saka nakangusong nakaupo doon. Jusko, once Makoy see us like this ay malamang mas marami itong itatanung. Mas lalawak ang kuryosidad niya dahilan para mahirapan kaming sumagot.
" Bakit po kayo nagSha-share ng kumot? " tanong niyang ulit.
" Buddy wait! " sigaw ni Miko ng akmang hihilain ni Makoy yung kumot namin. Ngumuso itong tumingin sa kanya. Nanlalamig naman ang tagaktak ng pawis sa katawan ko, ghad! Bakit nga ba nakalimutan namin na magsara ng pinto?!
" Why? " Miko stood up and boxers lang ang suot niya, gusto ko siyang sakalin sa ginawa niya. Lumapit ito kay Makoy and messed his hair.
" Samahan mo ako, magluluto tayo ng breakfast ng Mommy mo. " yaya niya dito. Our son looked at me and ngumiti ako saka sinabihan siya na sumama dito. Nung makaalis sila ay nakahinga ako ng maluwag kasabay ng pamumula ng pisngi ko dahil sa mga nangyari.
" Oh my god. " tangi kong nasambit.
*********
" Bakit po kayo natulog doon? " paulit-ulit na tanong ng anak namin habang kumakain, Miko tried to explain na naglalaro kami o di kaya nag-uusap but being Makoy ay hindi siya naniniwala doon.
Nagkatinginan kami ni Miko and he was just squeezing my hand underneath the table, gumagawa nga rin siya ng kapilyuhan pero agad din na natakot dahil baka mahuli kami ng anak namin.
" Parents lang po ang natutulog ng ganun. Iyon po ang sabi ng mga classmate ko. " dagdag pa ng bata.
" Mommy and Pops Perry didn't slept together, so why are you sleeping with her, Papa Miko? " Nagtatakang tumingin sa akin si Miko maybe because of the fact na walang ibang lalaking tumabi sa akin maliban sa kanya at sa anak namin. Maya-maya ay namula 'to at alam kong kinikilig na siya. He was teasing me with his smile saka kumindat. Napailing naman ako. Yumayabang na naman siya.
Miko chuckled kaya kinurot ko siya. I was talking with him using my eyes na ipaliwanag na sa anak namin ang katotohanan para hindi na 'to maguluhan pa.
"Anak, Papa Miko will tell you something. " sambit ko and napako ang mga mata niya dito. Lumapit naman si Miko and messed his hair.
" Buddy... "
*********
" Papa, pahingi pa po akong chicken! " reklamo ni Makoy dahil nag-aagawan sila doon sa isang piraso dahilan para maputol ang malalim kong pag-iisip, napakatakaw naman kasi nilang dalawa sa manok!
" Anak, nakaka-tatlo ka na! Tumataba ka na. " saway ng Papa niya dito dahilan para mapanguso siya.
" Mommy, si Papa po oh, inaasar ako! Hindi naman po ako tumataba diba? " napahagikhik naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Lumalaki na ang anak namin, sobrang nakasanayan niya din kasi itong isla kung saan sagana ang pamumuhay.
" Sabihin mo, ganda. Tumataba na siya diba. " natatawang asar ni Mikaelo. Pinalo naman siya ni Makoy sa braso saka umiling.
" Mommy, si Papa! " naiiyak na bulalas nito. Napangiti naman ako't inabot sa kanya yung parte ko.
" Thank you, Mommy. I love you po! " bulalas niya saka maganang kumain. Tinitigan naman ako ni Mikaelo at pinanlakihan ko lang siya ng mata.
" Ganda naman. " reklamo niya.
BINABASA MO ANG
LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓
FanfictionGWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notorious playboy in town Goodlooking, Rich, a Professional Architecture and Psychologist. An ideal man for every woman he had but not for his fam...