Ask V

737 34 0
                                    

RAVEN AUREA

"Pack your things, Raven. You're going to leave this house." Daddy hissed pagpasok namin ng bahay. He discharged me from the hospital tapos dumiretso agad kami dito.

"Anung nangyayari, bakit?!" bulalas ni Makoy na may pagtataka sa mga mata.

"Umalis ka sa dadaanan ko, Reyes." he hissed saka tinulak 'to palayo. Wala naman akong nagawa kundi sundin ang gusto ni Daddy dahil bibinggo na ako sa kanya.

"Raven, you don't need to do this. I thought we're fine na?" It's Makoy at may back, puro pasa pa yung mukha niya. Daddy really hit him hard.

Tipid akong ngumiti sa kanya.
"We are, pero it's Daddy's decision. I don't want to disappoint him again." sagot ko, lumuhod naman siya para tumulong sa pag-aayos ng ilang damit ko.

"you should take a sit, ako na lang ang gagawa nito baka mabinat ka." sambit niya. I felt a little bit pain on my tummy kaya sinunod ko siya. Napabuntong hininga naman ako noong pinapanood ko siya.

What did I do to deserve someone like Makoy? Sadly, I'm not doing the same with him. Sinasaktan ko lang siya.

"Atleast, makakabalik ka na din sa bahay niyo." Sambit ko.

"I'm not, They hate me." sagot nito na may lungkot sa tono. Napakunot naman ang noo ko.

"What happened, is this about sa pagsugod ni Daddy?" umiling naman 'to.

"Family matters, your things are done. Ihahatid na kita kay Tito." Inalalayan naman niya ako hanggang sa natanaw ko si Daddy sa baba na naiinip na naghihintay.

Dad grabbed my stuffs saka ipinasok sa kotse.

Niyakap ko naman si Makoy saka hinalikan sa pisngi.
"Everything will be alright, maayos din ang lahat. I'm sorry If I fckd your life up." ngumiti naman siya saka hinalikan ako sa noo.

"You're not, Raven. Don't you dare to think about it, ikaw ang nagbigay ng kulay sa buhay ko." I took a deep breathe saka niyakap ulit siya't sumunod na kay Daddy.

"Back off, Reyes. Huwag na huwag ka ng pupunta sa teritoryo namin." I heard Daddy hissed at him, napailing naman ako. I waved goodbye to him habang sumisibad papalayo yung sasakyan.

"You can't do it, Dad. Ama siya ng anak ko!" Asik ko sa kanya.

"We can raise your child on our own na walang hinihingi sa mga Reyes, from now on. Pinuputol ko na ang alinmang koneksyon sa kanila." nalukot naman ang noo ko.

"Dad, you can't do that!"

"I can Raven and please huwag ka nang makipagtalo sa akin dahil pabor na rin ang Mommy mo dito." I crossed my arm saka napatikom na lang.

Heto na naman sila with their, kapag sinabi ko iyon ang masusunod. Nagsimula na naman ang Martial law ng buhay ko sa ilalim ni Jovs Gonzaga.

***********

"Welcome back, Ate Raven!" sigaw ni Voltaire, he was holding a small banner habang malaki ang ngiti sa labi. Mabilis ko naman siyang niyakap at hinagkan sa pisngi.

"I miss you, guys." sambit ko, naramdaman ko naman ang pagyakap ni Rouvin at Vianca sa likod ko.

"We miss you too, Ate." sagot nila. I saw Daddy kissed Mom bago niya iniakyat yung mga gamit ko.

"Mom." sambit ko, tipid lang naman siyang tumango and it breaks my heart. Lumamig talaga ang trato ni Mommy sa akin mula ng malaman niya ang bagay na yun. Binabantayan niya ako sa Hospital pero puro ingay lang mula sa paligid ang maririnig mo. She will talk to me kapag itatanung niya kung may gusto ako o ayos lang ako. Hindi ko naman siya masisisi, I've never been the good daughter she asked for. I'm a failure, I fckd up my life at nadadamay lahat ng tao sa paligid ko.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon