-------------
Magulo ang utak niya bago buksan ang pinto ng simbahan, Oo, lahat ng tao ay maaring pag-uusapan ang gagawin niyang panggugulo pero wala siyang pakialam, ang kailangan niya lang ngayon ay lumapit o sumigaw na itigil ang kasal ng babaeng mahal niya't kapatid nito. Wala na siyang pakialam kung maging headline ito kinabukasan o ma-bash man siya ng tao. Ang pagmamahal niya kay Kylie ang mas nangingibabaw. Lulunukin na niya ang lahat huwag lang ito muling mawala sa kanya.
Ngunit taliwas iyon sa naabutan niya. Everyone's attention was given to Mikaelo as he entered the church pero wala naman si Kylie maliban sa kapatid niya na naka-Gray suits at sa paring kausap nito.
" Nasaan si Kylie? " iyon ang tanong niya sa kapatid, Perry tapped his shoulder saka ngumiti.
" Isuot mo muna 'to. " sambit niya then handed a black suit on him. Nagtangis naman ang ngipin niya dahil mukhang balak pa siyang gawing best man ng kapatid niya. Hindi niya alam kung inaasar ba siya nito.
" Nasaan si Kylie, Perry?! Mahal ko siya't mahal niya ako. Hindi dapat matuloy ang kasal na 'to! " asik niya dito, binigyan lang siya nang pagtawa ng kapatid niya.
" Kawawa naman si Kylie kung hindi ito matutuloy. " iniyukom niya ang kamay niya, gusto niyang sapakin ito pero sagrado ang lugar at maraming tao. He controlled himself at ginawang kalmado.
" Nasaan siya? "
" Just wear this suit kung gusto mo pa siyang makita. " wala naman siyang magawa kung hindi sundin 'to. Ang mahalaga ay makita niya ito.
Bumalik siya tapos nakatayo sa tabi niya si Perry, medyo nagtataka ito dahil siya lang ang may naiibang kulay pero hindi na niya ito pinansin. Naguguluhan si Mikaelo, hindi niya maintindihan ang mga nangyayari, tanging malinaw lang sa kanya ay mahal na mahal niya si Kylie at dapat walang maganap na kasal sa pagitan nila ni Perry. Balak niya pang magsalita pero napangunahan siya ng masuyo't romantikong tugtog, isa-isang naglakad ang mga tao bilang entourage.
![](https://img.wattpad.com/cover/76420133-288-k908248.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓
FanficGWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notorious playboy in town Goodlooking, Rich, a Professional Architecture and Psychologist. An ideal man for every woman he had but not for his fam...