Ask VIII

670 27 17
                                    

----------
"Makoy." Papa was rushing into my room, humahangos pa siya habang hawak-hawak yung phone niya.

"Bakit po?" I asked habang ibinababa yung hawak kong libro.

"Pwede bang sunduin mo si Raven? Mukhang lasing ang batang iyon." Napakunot naman ang noo ko. Sakit talaga sa ulo ang babaeng iyon, mukhang tumakas na naman kanila Tita Rachel.

"Sige po." sagot ko sa kanya. He picked his jacket and car keys.

"Saan ka pupunta, Pa?" I asked.

"Pupuntahan ko ang Mommy mo, hindi ako mapapalagay na siya lang ang nagbabantay doon." Napatango naman ako. Inihagis sa akin ni Papa yung isang susi ng sasakyan niya, mabuti na lang talaga at pinakuha na niya ako ng student license.

I saw Mikaela downstairs at mukhang siya ang in-charge sa kambal ngayon. I got Papa's phone para malaman yung lugar ni Raven, mabilis ko naman 'tong tinunton and it lead me sa may Taft, kung saan maraming mga private clubs ang nakakakalat. Maayos naman iyong napasukan ko, not the typical na scenario sa mga pelikula o kwento.

Mabilis ko naman siyang hinanap sa paligid, kung saan-saang sulok na ako naghagilap. I even tried to ask people around kung nakita nila 'to.

"Nandun siya sa isa sa mga private room." sagot noong isang nakakilala sa kanya, napailing naman ako dahil mukhang madalas siya dito tumambay. Tiyak na malalagot na naman siya kay Tito Jovs once na nalaman niya 'to. Inakyat ko naman yung sinabing lugar saka hinagilap ulit siya pero nabigo ako.

"You're looking for Raven?" Napalingon ako, mukhang waiter 'tong kumakausap sa akin. Tumango naman ako.

"Someone picked her up."

"Sino?" asik ko. Nagkibit balikat naman 'to.

"May kumausap sa kanyang lalaki kanina, may pagtatalo pa nga sila. Siguro ay hinatid na niya iyon dahil lasing na lasing. Hindi na nga siya makapaglakad ng maayos." paliwanag nito, napasapo naman ako sa mukha ko.

Damn, Raven. Pinapasakit mo ang ulo ko!

I tried to contact her phone pero wala namang sumasagot, mukhang nakasilent 'to. Muli kong inikot yung paligid dahil baka tumambay lang ulit sila nung kasama niya sa ibang bar pero nabigo ako, hatinggabi na ay wala pa rin si Raven Aurea sa tabi ko.

"Hindi pwedeng umuwi ako ng wala siya, bukod sa ipinagkatiwala siya sa akin ay tiyak na mananagot siya kay Tito Jovs kapag sa ibang lugar siya sinundo." bulong ko, It's almost two in the morning when I received a text from her. Walang hi or hello, nakaindicate lang yung lokasyon niya. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at pinuntahan siya. Dinala ako nun sa isang magandang hotel tapos itinanung ko lang yung hotel number niya.

"Raven!" sigaw ko pagpasok ko sa kwarto, mukhang maayos naman ang lahat. Matiwasay siyang nakahiga doon sa kama kung saan nababalutan siya ng kumot.

"Pinag-alala mo ako." bulong ko ng makalapit sa kanya, para akong nabunutan ng tinik pero agad din iyong napawi nung makita ko kung anung meron sa bedsheet.

"Pulang mantsa." I gritted my teeth habang nakayukom ang mga kamay. I checked Raven's body at may bakas pa ng mga kiss marks mula doon. Maayos siyang dinamitan ng kung sino mang gagong nanamantala sa kanya. Nakaramdam ako ng panlulumo, hindi ko alam kung paano gagalaw sa sakit ng katotohanan na may ibang lalaki ang nakakuha sa babaeng mahal ko. Paulit-ulit akong napalunok dahil sa galit at kaguluhan, may alam ba siya? Ginusto niya ba ang mga nangyari? Sino iyong putangina na yun?! Hindi ko maiwasang mapasabunot at tignan na lang ang maamong mukha niyang natutulog.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon