MESS XVI

1.3K 46 15
                                    

MIKAELO KONRAD AUGUSTUS

Paggising ko ay bumungad sa akin ang maamong natutulog na mukha ni Kylie, hindi ko napansin na ganun na pala kalapit ang mukha namin. An inches apart at konting usog ko lang ay tiyak na tatama ang labi ko sa mapupulang labi niya pero syempre hindi ko gagawin dahil baka magalit na naman siya sa akin at bumalik na naman kami sa dati. Mas mabuti nang makuntento na lang ako hanggang tingin.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata niya na sobrang ganda ganun din sa pisngi nitong laging namumula pero mas kaakit-akit iyong mapupulang labi niya na sa tingin ko ay sobrang lambot pa rin kahit pitong taon na noong huli ko siyang nahalikan. Hindi ako nagsasawang paulit-ulit na titigan ito sa halos isang linggo kong pakikitulog sa kanila at sa tingin ko hindi ako magsasawa kahit sa buong buhay ko ay iyon agad ang bubungad sa araw ko. I smile formed from my lips noong ma-imagine ko kada gising ko ay siya agad ang makikita ko, na paggising ko ay buo na ang araw ko lalo na kapag babati siya ng good morning sa akin. Kasabay nang pakiramdam ko na namumula na naman ang tainga ko dahil sa kilig ay sinabayan iyon ng malakas na kabog ng puso ko na alam kong nakakabaklang isipin na ako, Si Miko Augustus the Great ay parang tangang kinikilig dahil sa imahinasyon na yun.

" you're so beautiful, Kylie. " bulong ko habang tinitigan siya, hindi na ako nakatiis as I pressed my lips lightly on her tapos hinayaan ko yun for 5 seconds, tatanggalin ko na sana noong parang nagslow-motion ang lahat at bumukas ang mga mata niya. Nanigas ako habang nagtatama ang paningin namin. Kylie's eye grew wider at malamang nagulat siya na paggising niya ay nakahalik ako sa kanya.

Oh sht!

Mabilis akong lumayo saka tumalikod, hinawakan ko yung labi ko. Putangina! Nahuli niya akong nagnanakaw ng halik sa kanya! Hindi ko alam kung bakit nababahag na ang buntot ko sa kanya, gago! Ang gwapo ko pero tiklop ako sa isang Kylie Verzosa!

" Good morning. " nakangiting bati ko sa kanya nung humarap ako. Tinitigan lang naman ako nito habang nakakunot yung noo.

" Did you kissed me? " bulalas nito, bumulalas naman ako ng tawa.

" Of course not, hindi na kita pagsasamantalahan ulit. I already learned my lesson from kissing someone. " palusot ko, nagugulumihanan naman siyang sumang-ayon na lang.

" Guni-guni ko lang siguro iyon. " Nagpaalam akong baba na para magluto ng pagkain namin.

Pagbaba ko I found my son na nasa labas at naglalaro na naman ng buhangin. Palagi itong nagigising ng umaga para tignan yung pagsikat ng araw at maglaro sa dalampasigan. I find it weird siguro ay namana niya kay Kylie ang pagkagusto nito sa tubig.

" Buddy, kain na tayo! " pagyaya ko sa kanya saka inilapag iyong hotdog and ham tapos fried rice. Nakangisi naman siya habang nakatingin sa akin na binibigyan siya ng agahan.

" I saw you Papa, you kissed Mommy. " bulalas niya, nanlaki naman ang mata ko. Ikinuwento niya naman sa akin kung paano niya nakita with matching asar pa. Mabilis akong lumapit saka sinabihan siyang secret lang namin iyon. Bumulalas ito ng tawa saka ako niyakap.

" Of course Papa, kakampi mo po ako! " I messed his hair saka nagsabi na naman ng suhol dito. Maya-maya ay bumaba na si Kylie.

" Gusto mong ipagtimpla kita ng kape? " tanong ko kahit na kinakabahan pa rin ako, umiling naman ito saka sinabing tama na ang orange juice na nasa hapag-kainan. Lumapit ito sa anak namin saka binati't hinagkan, sa isip-isip ko sana ako din may ganun, yung hindi panakaw. Nagmamadaling akong tumakbo sa kanya't ipinaghila siya ng upuan dahil bida-bida ako. Ngumiti naman 'to bilang ganti and I heard our son teased us.

" Sana po kayo na lang dalawa ni Papa, Mommy. " bulalas ni Makoy, mabilis naman akong kumuha ng tubig at inabot kay Kylie na nabulunan. She didn't give any reaction sa sinabi ng anak namin kaya ako na lang ang nagsalita.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon