ASK II

868 36 9
                                    

----------
I got a call from Makoy na makikipag-usap daw siya sa akin, kung anung dahilan? Iyon ay hindi ko alam, I don't have any idea either. Baka may nililigawan na siya or what. Makoy and I we're bestfriends dahil napagtya-tyagaan niya ang kamalditahan ko, ako naman sa pagiging boring niya. Kung saan ako nag-aaral ay nandoon din siya. He's my bodyguard and savior, lagi ko siya nakikita sa paligid ko which made me became independent sa presence niya. I know everything about him dahil napakadali niyang basahin. He's a man with a few words and always wear his serious face.

" Hey. " nakangiting bati ko then lean on him para i-beso siya sa pisngi. He just stare at me with his serious look-- na siyang nakasanayan ko na sa araw-araw na kasama ko 'to. He offered me to sit na ginawa ko naman. I rarely see him to smile talaga. Sayang yung pagiging gwapo niya kung lagi namang busangot.

" Anung meron? " I asked habang umu-order kami.

" Nothing, I just want to see my bestfriend. " simpleng sagot niya, ngumisi ako saka inasar siya.

" Yiee, Namiss niya ako. Namiss din kita. " bulalas ko.

" Tss. Hindi kita namiss, I just need someone to hang-out with me. " saka niya inilabas yung laptop niya tapos gumawa ng assignment sa harap ko. Inirapan ko naman 'to. Makoy Reyes is really a plain, boring and simple guy. Wala siyang sense kasama dahil napakaseryoso niyang tao puro siya acads, walang walwal. Hindi siya business student pero puro pro's and con's ang nasa utak niya. He always think in advance na mukhang nakakalimutan niya na we only live once. I end up watching him habang inuubos yung pagkain ko. Bwisit na 'to. Ginawa lang akong kasama niya para hindi siya magmukhang tanga dahil mag-isa siya!

" Tss, this is the main reason kung bakit wala kang girlfriend. Ang boring mong kasama. " asik ko sa kanya habang pauwi na kami. Talagang tinapos niya lang ang assignment niya doon. Ngumisi naman 'to and somehow ay nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko. Kamukhang kamukha niya kasi si Augustus tuwing gagawin niya iyan. Saglit akong natulala hanggang sa pintik niya yung noo ko. Napalayo ako bigla dahil sa lapit ng mukha namin. Kamukhang kamukha niya ang daddy niya kaso...

" Raven Aurea! " he hissed, sinamaan ko siya nang tingin.

" What? "
" I was saying, maraming humahabol sa akin dahil perfect ang genes ni Mommy at Papa, but I don't want to entertain them. Ang daming mas importanteng bagay ang dapat inaasikaso. More important than girls and flirting game. " Inirapan ko siyang muli.

" Fck you, Makoy. " I hissed. Umiling naman 'to.

" Ikaw ang dapat umayos, Raven. I heard na napapadalas ka sa mga private club sa Taft. Alam ba 'to nina Tito at Tita? "

" No, tumatakas ako. You should try it, sobrang saya! "

" Where's the fun in telling lies and pagtakas? " Napairap naman akong muli saka inunahan siya sa paglalakad. Manenermon lang si Makoy kapag patuloy ko pa siyang kinausap, maririndi lang ako sa pagiging perfect na anak niya sa parents nito dahil wala talagang kasiyahan sa katawan 'tong si Makoy. Siguro nung nagbubuntis si Tita Kylie ay walang fun na nangyayari sa kanya at naipasa sa anak niya.

Noong nakahabol siya sa akin ay kinuha niya ang kamay ko, he held my hand tighter. Gusto ko mang alisin ay hinigpitan niya yun saka hinila ako sa paglalakad. Tss, Weird Makoy dahil mood shifter talaga siya.

" Raven. " sambit nito bago ako pumasok sa bahay.

" Oh? "

" I like you. " natameme naman ako sa mga sinabi niya, hinihintay kong sabihin niyang joke iyon pero naalala ko na wala pa lang fun sa isang Makoy Reyes.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon