KYLIE
One month had passed, wala pa rin kaming pansinan ni Mikaelo, we act civil sa harap ni Makoy pero pagtalikod ng anak ko ay kulang na lang sampalin ko siya, naiinis ako sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Ayaw lang siguro tanggapin ng sistema ko na sa loob nang isang buwan ay nakakasama ko ang lalaking namantala sa akin, aaminin ko may takot pa rin akong ginagawa sa kanya kahit na paulit-ulit niyang pinapakita ang pagbabago niya. Alam kong normal lang naman na makaramdam ako ng uneasiness sa kanya at sa tingin ko kahit na paulit-ulit ko yung ipamukha kay Mikaelo ay hindi naman magbabago ang maayos na pakikitungo niya. Tss, tignan natin kung hanggang saan siya dadalhin ng pagiging consistent niya na iyan.
" Mommy, kain na daw po tayo! " bulalas ng anak ko habang hila-hila ang aking damit. Sumunod naman ako sa kanya, mabilis ako nitong pinaghila ng upuan habang nasa harapan ko ay mabangong ulam at mainit na kanin, mabilis akong nakaramdam ng pagkagutom. Si Mikaelo ang nagluto nang lahat ng iyon, iyon ang lagi niyang ginagawa sa isang buwan, ang pagsilbihan kaming dalawa. Hindi ko nga inaasahan na magaling siya sa mga gawain bahay dahil siya lahat ang gumagawa noon dito, ni hindi niya nga ako magawang pakilusin para tulungan siya. Aaminin ko, buhay reyna ako sa pagtrato ni Mikaelo pero alam kong hindi dapat ako madala sa bagay na yun dahil malamang sa malamang ay panandalian lang iyon.
" Buddy! " bulalas ni Miko habang may hawak na isang plato ng pritong manok, pumalakpak sa tuwa ang anak ko habang nakatingin dito. They both let out a laughed bago umupo si Miko para saluhan kami.
" Ang sarap naman nito, Papa! " bulalas ni Makoy habang parehas nilang kinakain iyong pritong manok. Lumipas ang isang buwan na iyon at patuloy na lumalabas ang napakaraming bagay na pinagkapareho nilang mag-ama. Araw-araw ay natutuwa ang anak ko dahil sa mga natutuklasan niya tungkol sa kanya, kasabay nun ay ang araw-araw na pahirapan sa akin para magtago dahil alam ko, darating ang araw na magtataka na si Makoy sa mga bagay na iyon.
" Kylie, gusto mo ba? " alok nito, umiling naman ako saka pinagpatuloy ang pagkain, he got a good skills sa pagluluto, pwede na nga siyang magtayo ng restaurant niya.
" Mommy, you should try this, ang sarap ng pagkakaluto ni Papa! " tumango lang ako saka sinabihan siyang kumain ng madami. Palibhasa hindi ako ganun kagaling magluto kaya tuwang tuwa ang anak ko na makatikim ng totoong pagkain.
Hindi naman pahirapan ang tumira dito sa isla, marami kasi siyang stock ng pagkain dahil kada linggo ay dumadaan iyong helicopter na pagmamay-ari niya para magbigay daily supplies. Mukhang may mga maling bagay din akong naisip kay Mikaelo, akala ko ay inuubos niya lang ang pera niya sa mga babae nito. May mga properties din palang tinatago ang gago.
" Ako na, Mikaelo. " sambit ko noong matapos kami kumain, nag-agawan pa kaming dalawa sa plato.
" Kylie, bumabawi ako sa inyo diba? Hindi mo 'to gawain. " kinuha ko naman yung mga plato.
" Bumabawi ka nga pero hindi ibig sabihin nun na nagpapaka-alipin ka na. " asik ko sa kanya, napahawak naman 'to sa batok niya.
" Kailangan kong gawin 'to para makabawi sa pitong taong pagkawala ko sa buhay mo. I should treat you like a Queen. A treat that you deserved pagkatapos ng mga nagawa ko sayo. Handa akong magpa-alipin sayo, Kylie. " inagaw ko naman yung plato sa kanya at dumiretso na sa kusina para linisin ang pinag-kainan namin. Hindi ko maiwasang mamula sa mga sinabi niya, alam ko namang mabulaklak magsalita ang kagaya ni Mikaelo pero kahit na ganun mukhang kinakalimutan ng sistema ko yun at nakakaramdam din ng kilig.
Narinig ko ang masayang pagtawa nilang dalawa, sinilip ko 'to at mukhang naglalaro sila ng charades. Tumawa ang anak ko habang nakatingin sa ama niyang may weird faces na ginagawa, mukhang kahit ilang beses kong takasan si Mikaelo ay wala akong magagawa dahil may isang bagay na kumukonekta sa aming dalawa--- ang anak namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/76420133-288-k908248.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓
FanfictionGWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notorious playboy in town Goodlooking, Rich, a Professional Architecture and Psychologist. An ideal man for every woman he had but not for his fam...