MIKAELO KONRAD AUGUSTUS
" Laya ka na, Reyes. " sigaw nung Hepe, ngumiti naman ako't tumango. Nagpasalamat ako sa mga nakasama ko sa kulungan na naging mabait at tinulungan ako para makapag-adjust sa apat na taon ko doon.
" Mag-iingat kayo. " sambit ko saka lumabas na bitbit ang dalawang bag na dala ko.
" Mikaelo! " bulalas ni Kim saka niyakap ako, kulang na lang ay halikan ko siya sa sobrang katuwaan.
" Nakakadiri ka, Tangina! " asik niya, bumulalas naman ako ng tawa.
" Namiss kita, Papa Kim kahit na kahapon lang tayo nagkita. " He rolled his eyes saka inabot sa akin ang papeles ko na kailangan kong pirmahan para tuluyan na akong makalaya.
" Salamat mga Boss. " paalam ko sa kanila.
" Mag-iingat ka, Reyes. " ngumiti ako't tumango saka inakbayan si Kim.
" Gago, ang init-init na nga nakaSuit ka pa. " asik ko sa kanya, siguro suot niya yun para hindi siya lalong masunog sa init ng araw. Nadagdagan pa yun dahil nakalaya na ang hotness ko.
" Ang galing ko talagang, Lawyer. " pagyayabang niya, nilibre niya ako sa isang Pizza house dahil sinabi ko na namiss ko iyong pineapple sa may Hawaiian pizza.
" Pwede na. " sagot ko saka kumagat sa kinakain ko, sinamaan naman niya ako nang tingin dahilan para humalakhak ako.
" Punyeta, pangit ka pa rin! " asik ko habang umiiling.
Malaki ang naitulong sa akin ni Kim, sa bawat hearing ko ay siya ang tumayong tagapagtanggol ko, ginawa niya naman iyon sa tamang paraan. Naghanap siya ng mga ebidensya para mapababa ang sentensya ang kaso ko lalong lalo na sa drugs saka kidnapping. Siyam na taon dapat ang ilalagi ko sa kulungan dahil sa mga kaso kong rape, sexual harrasment, possession of illegal drugs and kidnapping pero naibaba niya iyon sa anim na taon dahil na rin may mga kakulangan ang ebidensya na ibinibigay ng panig ni Perry. Nabawasan pa lalo ng dalawang taon ang kaso ko dahil sa parol na ibinigay sa akin, nabayaran ko din kasi ang ibang penalty na kailangan kong bayaran.
Nagpapasalamat ako sa kanya dahil apat na taon lang ang inilagi ko, apat na taon ko lang naranasan ang masalimuot na mundo doon sa kulungan kung saan halo-halo ang naramdaman ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak habang iniisip ko ang mag-ina ko, sa apat na taon kasi na iyon ay hindi ko sila nagawang makita, walang Kylie at Makoy na bumisita sa akin para kamustahin ako, Ang huli namin na pagkikita ay yung sa isla pa na yun.
Hindi ko sisisihin si Kylie sa bagay na yun dahil nai-kwento sa akin ni Laura na pagkatapos ng araw na nakulong ako ay sapilitan na dinala ni Perry ang mag-ina ko pabalik ng France, pinutol nila ang lahat ng koneksyon dito sa Pilipinas.
Gusto kong murahin si Perry sa ginawa niya pero sa tingin ko ay tama lang iyon, ilayo ang mag-ina ko sa traumatic na bagay na pwede ko na naman idulot sa kanila. Ayaw kong makita ako ng mag-ina ko na nasa loob ng rehas na iyon. Ayaw kong makita nila ako bilang isang kriminal dahil hindi naman na ako yun, nagbago na ako at para sa kanila ang bagay na yun.
" Gago ka, natahimik ka! " asik ni Kim sa akin. Napasinghap naman ako't pinaglaruan yung inumin ko.
" Kamusta na kaya ang mag-ina ko? Kamusta na kaya sila lalo na si Makoy na tiyak ako ay binata na. Malamang ay kasing gwapo ko iyon. " nakangiting sinabi ko, labing-isang taon na ang anak ko at sa tingin ko naiintindihan na niya ang mga nangyari sa buhay nito.
" Wala ka bang balita? " Umiling naman siya sa akin.
" Hindi na nagawang bumalik ni Perry dito sa Pilipinas. Tuluyan na silang lumipat sa France. " Napabuntong hininga naman ako.
BINABASA MO ANG
LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓
FanfictionGWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notorious playboy in town Goodlooking, Rich, a Professional Architecture and Psychologist. An ideal man for every woman he had but not for his fam...