MESS XV

1.1K 35 6
                                    

KYLIE

Two weeks na lang bago kami magdalawang buwan dito, A lot of changes happened between Miko and I. Mas nagkakaroon na kami ng mga pag-uusap na random lang, lalo na kapag pinipili nitong magStar gazing sa gabi. We shared a lot of stories and mostly ay tungkol iyon sa anak namin. Naisip ko kasi na wala naman akong magagawa kung magmamatigas ako sa kanya so I let him knew kung anu, paano ang buhay namin ni Makoy. Pinili kong mas kilalanin niya kami in vice versa na kinikilala ko siya.

Natutuwa ako, iyon ang nararamdaman ko tuwing nakakasama ko ito't napagku-kwentuhan kami, ibang-iba na siya sa Gagong Mikaelo noong College kami, ibang-iba na siya sa Reyes na puro hangin lang ang laman ng utak. Consistent naman na siya sa pagiging ganun. Natuto daw siya ng lesson mula sa buhay noong mga kaibigan niya. He changed for the better, he changed not because kailangan niya but because dapat siyang magbago.

Nawala na ang mga bad traits na nakita ko sa kanya noon, pilyo pa rin pero inilulugar na nito. Nakikita ko rin kung gaano niya kamahal ang anak namin, mahal niya ito and yung affection na yun, matagal ko nang nakita sa kanya kahit hindi niya pa alam na anak namin si Makoy. Hindi pa ako ready to fully na tanggapin siya pero binibigyan ko siya ng pagkakataon para bumawi. He needs to be treated in a human way, iyon lang ang ibinibigay ko.

Naabutan ko silang naglalarong dalawa nung kinahapunan, pinili kong lumabas wearing my summer dress para presko sa pakiramdam. Sa ilalim nun ay navy blue na two piece dahil balak kong magNight swimming.

Kumaway ako sa anak ko habang may hawak siyang pail and pangShovel ng buhangin. He smiled at me saka humagikhik.

" Mommy, sali ka po! Nililibing ko si Papa. " bulalas nito habang tinatakpan si Miko ng buhangin sa katawan, ibabang parte pa lang ang nagagawa ni Makoy kaya siguro humihingi ng tulong sa akin. Lumapit naman ako saka binati siya na nakapikit.

" Hi. " Miko's eyes widened, namula naman ako dahil narealize ko yung suot ko pati na rin yung pwesto niya, malamang sa malamang kitang kita niya yung nasa loob ng dress na 'to.

He looked away saka tuluyan nang pumikit, kumuha naman ako nang buhangin para tulungan ang anak ko na tuwang tuwa sa mga nangyayari. Nagtulungan lang kaming dalawa habang nakalibing na ang kalahating katawan niya't ulo na lang ang nakalitaw.

Humagikhik lang ako nang magsimula na silang mag-asarang dalawa.

" May sasabihin akong secret sayo, Mommy. " nagsisigaw naman si Mikaelo at pilit na umaalis mula sa pagkakalibing niya. I bent down para pantayan siya.

" Anu yun, Baby? " nakangiting tanong ko.

" Si Papa Mikaelo ay. " I arched my eyebrows sa pabitin niyang sinabi.

" Ay? "

" Wala iyon, Kylie! Lagot ka sa akin buddy. " bulalas nito saka sinubukan na makaalis mula sa pagkakalibing niya, naglilikot lang siya hanggang sa noong nagawa na niyang maialis ang kamay niya't sumunod ang katawan nito.

" Lagot ka sa akin! " bulalas nito na naging cue para magsimulang tumakbo ang anak namin, Nagsimula siyang habulin ito, bumungisngis naman ang anak ko't patuloy na nagtatakbo na may kasama pang asar. Nagtataka man ako sa rason kung bakit nila ginawa iyon ay hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko na siguro talaga maiaalis ang bond na meron silang dalawa. It was a fatherly bond running on their blood.

" Ang daya mo, Papa! Habulin mo din si Mommy, tumulong po siya. Mas marami po siyang buhangin na nilagay sayo. " tukoy nito sa akin, umiling naman ako saka lumayo't baka madamay pero huli na dahil nagsimula na si Mikaelo na habulin ako. Nagsimula rin akong tumakbo habang nasa likuran ko siya, sinabayan ko ang paghagikhik ni Makoy na tuwang-tuwa dahil hindi na siya ang hinahabol. Parehas talaga ang takbo ng utak nilang mag-ama.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon