MESS XIII

1.2K 39 14
                                    

KYLIE

" What do you want, baby? " I asked my son over the phone. Napahagikhik naman ako sa reklamo niya.

" Mom, I'm a big boy already. Stop calling me po na baby. " I bet he was pouting habang sinasabi ang bagay na yun.

I let out a laughed. Masaya ako na unti-unti nang bumabalik ang bond na meron sa aming mag-ina.

" Fine, big boy ka na anung gusto mong ipasalubong ni Mommy sayo? "

" Ohh, I want some lollipop and candies po, Mom! "

" not a baby, anymore huh. " pang-aasar ko sa kanya. Paulit-ulit naman 'tong nagpumilit sa gusto niya.

" Fine, Bibili na si Mommy pero huwag ka nang lalabas ng unit natin. " he agree naman sa kasunduan namin, kailangan niyang magStay doon para makaiwas kay Mikaelo na may binabalak na kuhain ang anak ko. Inalis ko ang badvibes sa isipan ko, dumiretso na agad ako sa supermarket after kong matapos iyong papers na pinapa-Edit sa amin para bilhin yung gusto ni Makoy, I need to supervised him, dapat nakikita ko ang kilos ng anak ko para hindi siya mawala sa akin.

Natapos na akong mamili nang paulit-ulit na tumatawag iyong kasama namin sa bahay na si Maria.

" Ma'am, nawawala po si Makoy. " Halos mabitawan ko yung mga dala-dala ko nang marinig ko ang mga salitang binitawan nito. Mabilis na dinaga ang puso ko kasabay nang pagkakataranta ko.

" hinanap mo ba kay Mikaelo?! " asik ko saka nagmamadaling pumara nang taxi. Si Mikaelo lang naman ang tanging tao na pupuntahan ni Makoy, siya lang din ang kilala ko na kukuha sa anak ko dahil sa pagbabanta niya sa akin.

" Wala pong tao sa unit ni Sir Mikaelo. " sagot niya na mas lalong nagpasidhi sa damdamin ko, hindi kaya ginagawa ni Mikaelo ang banta niya? Hindi na niya ito idinaan sa korte at mas pinili na lang na gawin using his own rule, knowing him, ang dali-dali niya lang makuha ang anak ko dahil close silang dalawa. Hindi naman ako mapakali at sinabihan iyong driver na bilisan ang pagmamaneho.

" Please, Maria. Paki-check ulit. I'm on my way na. " nanginginig na sagot ko, ilang beses kong tinawagan si Perry para kontakin ang kapatid niya pero nakapatay ang phone niya, sinubukan ko iyong phone ni Makoy pero naiwan niya sa bahay. Hindi ko mapigilang mapaluha habang tumatakbo ang oras, hindi ko alam kung nasaan ang anak ko na kanina ko lang kausap, hindi ko alam kung itinuloy ba ni Mikaelo ang kahayupan na naiisip niya, wala siyang karapatan! Pitong taon kong pinagdusahan ang mga kahayupan na ginawa niya sa akin, walang gabi na paulit-ulit akong umiyak sa ginawa niya. Palagi ko na lang tinitignan ang anak namin na siya tanging tama sa lahat ng nangyari sa amin tapos gagawin niya ang bagay na ito?! He ruined my life, He ruined everything on me, mula sa pagkababae ko, sa pag-aaral ko at lalong lalo na sa buhay ko. Si Makoy na lang ang tanging tamang naibigay niya tapos ngayon kukuhanin niya na lang basta-basta, na kinakalimutan niya lahat ng mga ginawa niya! Kahit kailan talaga, malaking gago si Mikaelo, demonyo talaga siya mag-isip, kung anung gusto niya iyon dapat agad ang makuha. I raised my child for five years na walang hinihingi sa kanya, I raised him sa kabila ng katotohanan na pinagsamantalahan ako nito. I raised my child na siyang tanging nagbigay ng pag-asa sa buhay ko pagkatapos niya iyong sirain then suddenly kukuhanin na lang niya?! Mabuti nga't nahanap ako ni Perry na siyang tumulong sa akin, sa amin ng anak ko, kahit papaano ay napagaan ang buhay naming dalawa sa France. He's brother will always be better than him.

Tinawagan ko ang number ni Mikaelo na galing pa kay Laura pero kahit na iyon ay hindi sumasagot.

"Bwisit ka, Ibalik mo ang anak ko! " nagngingit-ngit na sigaw ko. He don't have any rights sa anak ko, wala siyang karapatan pagkatapos nang lahat ng ginawa niya, kahit na biological father pa siya nito. Once na nahanap ko talaga si Makoy ay idedemanda ko siya, ididiin ko siya sa mga kaso na dapat dati ko pa sinampa, wala akong pakialam kung magalit ang anak ko dahil ipapaintindi ko sa kanya na si Mikaelo ay hindi mabuting tao at wala siyang gagawing tama. Ngayon ay naisip kong mali talaga ang binalak naming pag-uwi dito sa Pilipinas, mali na nanatili kami dito dahil inilapit ko lang siya sa demonyo niyang ama. Tama si Perry, hindi ko na dapat ipinakita pa sa kanya ang anak ko, noong una pa lang ay inilayo ko na silang dalawa para wala nang maungkat pa.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon