MESS VII

893 38 3
                                    

KYLIE

" Where's Makoy? " tanong ko kay Maria pagkagising ko. I'm expecting my son na makita ko pagkagising ko sa umaga dahil magkatabi kaming natulog but it end up na wala siya sa tabi ko.

" Ma'am, maaga pong umalis at bihis na bihis. May bitbit po siyang plastic bag and thin stick. " nanlaki naman ang mata ko, gusto kong bitawan yung hawak-hawak kong kape sa sinabi niya.

" hinayaan mong lumabas si Makoy ng unit na 'to?! Nasaan daw siya pumunta?! " nagsisimula na akong magpanic dahil saan naman ang pupunta ang anak ko dito sa Metro, months pa lang kaming nagii-stay dito!

" sa kabilang unit lang po Mam, kumalma po kayo. " humagikhik 'to and mas lalo akong nagpanic sa nalaman kong na kay Mikaelo 'to. Sa lahat ng tao, kay Mikaelo siya hindi pwedeng mapunta dahil he's a dangerous man.

Nagmamadali akong lumabas at paulit-ulit na pinindot yung doorbell niya, noong hindi pa rin lumalabas ay kinatok ko na iyon.

" Wait! " sigaw nito mula sa loob, a moment later ay iniluwa si Mikaelo na nakajersey shorts lang at kumakaway iyong demi-god body , iyong perfect chiseled chest niya tapos yung dashboad eight packs abs nito. Wet look pa ang gago at tumutulo yung butil ng tubig sa katawan niya. Ay sht! Bakit ko nilalarawan?! Oh my god Kylie, anung nangyayari sayo?!

Namumula akong umiwas ng tingin sa kanya, sht! Mukha akong hinog na kamatis sa harap niya.

" Oh sht! Sorry. " bulalas nito, pinapasok naman niya ako tapos nagpaalam na kukuha lang ng damit niya. Inikot ko ang aking paningin sa unit niya, minimalistic design, black and mint green ang kulay nito tapos may mga kaunting paintings sa wall. Sa tabi ay may miniture design ng metro--- tall buildings and traffic as usual. Mukhang mga koleksyon niya ang mga iyon.

Umiling naman ako dahil hindi naman 'to ang pinunta ko sa unit niya, anak ko ang aking pinuntahan dito. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at wala naman siya. Wala ni presensya nito.

Bumalik si Mikaelo na bihis na bihis, nakakahawak ito sa batok niya't nakatungo.

" Pasensya ka na sa nadatnan mo kanina. " napailing naman ako't bumuntong hininga.

" wala akong pakialam, hindi naman ikaw ang pinuntahan ko. Nasaan ang anak ko Mikaelo?! " I hissed at him. Nakatulala 'to sa akin tapos maya-maya ay inabot yung hawak niyang damit. Doon ay napansin kong suot ko ang aking casual na pantulog na sando lang at walang brassiere. Muli akong namula sa harapan niya tapos sinuot ko yung damit na ibinigay niya.

I cleared my throat again saka tumingin sa kanya.

" Nasaan si Makoy? " ipinaliwanag naman nito na kasalukuyang naliligo ang anak ko. Maya-maya ay nagsisigaw na 'to.

" Papa Miko! " Mikaelo immediately grabbed a small towel tapos tumakbo doon, napailing naman ako't napabuntong hininga. Hindi maganda ang ideya na naglalapit silang dalawa dahil nasasanay ang anak ko sa pagiging father figure niya na alam ko namang hindi niya mapapanindigan. He's Mikaelo Agustus and marami siyang bagay na hindi niya kayang mapanindigan.

" Mommy! You're here! " bulalas ni Makoy na nagtatalon, he's just wearing his short at nakakabit yung tuwalya sa kanya tapos tumakbo para yakapin ako.

" Good morning, Mommy. " saka siya humalik sa pisngi ko palibhasa ay may kasalanan siya dahil maagang tumakas sa akin.

Ngumuso ako saka tinitigan siya. Nagpacute naman 'to saka nagSorry.

" bakit ka tumakas? " I asked, he bit his lips saka tumungo.

" I promised to Papa Miko na maliligo kami ng sabay. " nagtataka man ako dahil medyo matatas na siyang magtagalog ay hinayaan ko na lang.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon