Ask VII

675 31 0
                                    

MIKAEL ALEXANDER KOEUS

Nang maalimpungatan ako ay mabilis kong kinapa si Raven sa tabi ko, napadilat naman ako nung wala siya. Wala ring bakas niya sa paligid dahilan para makadama ako ng kaba.

Umalis na ba sila? I...Iniwan na ba nila ako?!

Paulit-ulit na tumakbo iyon sa isipan ko, naghilamos lang ako tapos nagmamadaling bumaba para hagilapin siya.

"Raven!" I blurted, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib habang pinagmamasdan siya sa kusina. May kung anu siyang itinitimpla't sinalinan niya iyon ng mainit na tubig.

Nakakunot yung noo niya nang tumingin sa akin.

"Mukha kang natatae, Makoy." asik niya sa akin. Napahawak naman ako sa dibdib ko habang nagtataas baba pa rin 'to.

"Akala ko wala ka na, akala ko iniwan mo na ako." sambit ko noong makalapit sa kanya. Hinarap niya ako saka pinitik yung noo ko.

"Ang paranoid mo talaga." napangiti naman ako.

"Natatakot lang ako, alam ko naman kasing hindi na ganun karangya yung buhay na dinaranas natin ngayon. Akala ko nagsawa ka na." Nanlaki naman yung mata ko noong yakapin niya ako, it made my heartbeats faster. Hindi ako makahinga at kahit na pilitin ko ang sarili ko na huwag umasang masusuklian niya yung pagmamahal ko ay hindi ko maiwasan dahil sa mga simpleng galaw niya na 'to. But then, I remember. Ganito nga pala talaga ka-clingy si Raven as a bestfriend para tuloy akong nasupalpal sa mga pantasya ko.

"Panghahawakan ko ang mga desisyon ko sa buhay, Makoy. You sacrificed a lot for me, hinding hindi kita iiwan sa ere na mag-isa." Niyakap ko naman 'to pabalik saka hinalikan sa noo. Dahan-dahan din akong lumuhod para hagkan yung anak namin.

"Good morning, Baby Ravi." bulong ko. Pag-angat ko ng ulo ko'y sumalubong yung nakasimangot na mukha niya.

"Why?" I asked. Tinusok naman niya yung pisngi ko.

"You haven't brush your teeth, naaamoy ka ni Baby." My eyes got widened dahilan para mahiya ako. Kakamot-kamot ako sa ulong ngumiti sa kanya.

"Sorry, I got panicked kasi kaya nakalimutan ko." Tumango naman siya saka ngumiti.

"Happy birthday, Mikael Alexander Koeus." nakangiting bati niya sa akin pagbalik ko. She was holding a pancakes na pinagpatong-patong, she used syrup to write happy birthday saka nilagyan niya ng maliit na kandila. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil kinakantahan niya din ako.

"Happy birthday, Makoy." bati niya saka niyakap ako.

"Thank you, Raven but you don't need to do this." sagot ko.

"This is your special day, let me para naman makabawi ako sa lahat ng mga nagawa mo." wala naman akong nagawa kundi sundin siya. She lighted the candle saka sinabihan akong magWish. I closed my eyes and wish na sana maging maayos kaming dalawa lalo na si Baby. May mga bagay naman kasi na hindi ko na kailangang hilingin, I just need to man up and show my face to my parents, but I can't. Nahihiya't natatakot ako. If about Raven naman, nasa kanya na yun. Ang mahalaga ay pinapakita ko ang pagmamahal at pag-aalala ko sa kanya, sa kanila ng anak namin. Bahala na siyang suklian yun. Ang sa akin lang ay hindi na ako aasa, ang mahalaga ay ina siya ng anak ko.

Tinignan ko siya noong idinilat ko ang mga mata ko, hindi man kumpleto talaga ang pagkatao ko, isa naman siya sa dahilan kung bakit masaya na ang araw na 'to.

"Kumain na tayo baka gutom ka na este si Baby." sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Pasalamat ka birthday mo kaya hahayaan kong asarin mo ako." bumulalas naman ako ng tawa saka pinagsilbihan siya. Minsan matigas talaga ang ulo ng babaeng 'to, hindi na dapat siya masyadong kumikilos dahil maselan nga ang pabubuntis niya pero galaw pa rin ng galaw.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon