MIKAELO KONRAD AUGUSTUS
Nakatitig ako kay Kylie habang kumakain kami ng umagahan at habang nakatitig ako sa kanya na parang siya ang mundo ko. Alam kong walang pagbabago sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya, mas lalo iyong tumindi sa loob ng isang buwan mula nung umamin ako sa kanya. Every day, I can't help to fall inlove with her, alam kong mali, alam kong hindi dapat pero hindi naman natuturuan ang puso ko na tumigil. Yun nga lang may masakit na katotohanan, this love was almost the same sa naramdaman ko kay Laura at Ate Rachel noon, iyong pag-ibig na kahit sobrang mahal na mahal mo iyong tao wala kang magagawa kung hindi bitawan sila't magparaya. Mas mahal na mahal ko nga lang si Kylie dahil kahit anung gawin ko sa kanya pa rin ako bumabalik, she's my greatest love na hindi na mapapantayan pa pero alam kong hindi ako yung tao na karapat-dapat na mahalin dahil sa mga kagaguhang nagawa ko, na kahit ilang beses akong humingi ng tawad at gumawa ng paraan ay wala nang magbabago dahil nasaktan ko na siya. I don't want to let her go, iyon ang sinisigaw ng isip at puso ko dahil nahamak ko na ang lahat, nagkaroon na nga kami ng anak pero kung sa kanya na mismo manggagaling na ayaw niya talaga sa akin. Hindi niya ako magagawang mahalin. Wala akong magagawa, muli akong magpaparaya't papanoorin na lang siyang maging masaya, she deserved to be happy pagkatapos ng masalimuot na mga pangyayaring ibinigay ko sa kanya. Katulad noong sinabi ko sa kanya noong gabing iyon, handa akong magmahal sa kanya sa malayo, handa akong masaktan sa oras na bumalik na kami sa realidad na pagMamay-ari na siya ng iba at handa akong tumanda't mamatay na siya lang ang mamahalin ko.
" Ang tahimik mo naman Kylie. " sambit ko dito habang binibigyan siya ng nakakalokong tingin. Sinigurado kong walang magbabago sa pakikitungo ko pagkatapos ng gabing iyon, ayokong mailang siya't umiwas na naman sa akin. Ayokong magtanung na naman ang anak namin lalo na't nagbitaw ako ng pangako sa kanya, pangako na hindi ko hawak ang katuparan.
Inirapan ako nito saka sinamaan ng tingin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
" Island hopping tayo. " yaya ko sa kanya dahil hindi ito sumasama sa amin ni Makoy.
" Masaya po iyon, Mommy! Mamingwit din po tayo ng mga fish. " tuwang-tuwa bulalas ng anak namin.
Akmang magsasalita ito nang pigilan ko siya.
" Kylie, wala ka naman na gagawin dito. Sumama ka sa amin at sulitin ang mga natitirang araw dito sa isla. " Nagtaka siya sa mga sinabi ko, muli akong ngumiti saka maganang kumain. Hindi ko kasi nagawang sabihin sa kanila na hanggang tatlong buwan lang itong plano kong makawala sa realidad, kahit saan naman kasi tignan ay hindi kami pwedeng mamalagi ng matagal dito. Marami akong trabaho na naiwan kay Veneticus na malamang ay minumura na ako ngayon. Kylie still have a job tapos idagdag pa si Makoy na kailangan na ding i-enroll sa school. Mangyayari pa rin na babalik kami ng Metro na hindi ko man lang nabawi ang mag-ina ko but atleast, gumawa ako ng paraan at nagkaroon kami ng panahon para kilalanin ang isa't isa. Gusto ko ng sulitin ang lahat dahil bukas, ikatlong buwan at huling araw na makakasama ko silang dalawa.
" Sumama ka na po, Mommy. Hindi ko po aasarin si Papa para hindi ka maingayan. " nakangusong sinabi nito. Kylie's just eyeing us saka bumuntong hininga.
" Sige na, sasama na ako. " Nagtatalon si Makoy saka niyakap siya, I mouthed thank you naman sa kanya.
*********
" you don't need to feel awkward, Kylie. " bulong ko, bumaba kami sa isang maliit na isla and si Makoy ay naggagala doon para paglaruan yung mga starfish na naligaw sa sands.
" Paano mo nagagawang umakto na parang wala lang ang lahat? You cried in my front and confessed those things sa akin, anung gusto mong gawin ko, baka alam mo kasi ako hindi ko alam. " I let out a soft laughed.

BINABASA MO ANG
LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓
FanfictionGWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notorious playboy in town Goodlooking, Rich, a Professional Architecture and Psychologist. An ideal man for every woman he had but not for his fam...